My brother was true to his words. Topless si Kuya Jacob at nakasuot lang ng simpleng pants.
Humalakhak siya nang pinuna ni Mom.
"Jacob Black. Laging walang damit 'yon!" he said.
Wala nang nagawa si Mom dahil mapilit talaga si Kuya. Sabi ko naman, hayaan niya na. 'Pag gininaw naman 'yan, magpapalit din 'yan.
The rest of the boys looked good in their costumes, too. Spiderman for Gian. Poseidon for Kuya Andrei. A hunter for Kuya Chris. A navy officer for Kuya Nick, and a mad scientist for Kuya Travis.
Kanya-kanya ring costumes sina Mom and Dad at mga tito at tita ko.
In a beat, the party started. Sina Tita Pauline at Tita Jackie ang tumayong host buong gabi. Sina Daddy at Tito naman, kanina pa naka-position sa labas ng lote. Naroon sila at umiinom na, kasama ang mga kababata nila.
I busied myself with the games. Ako kasi ang tagabigay ng mga prizes.
Later on, pinatawag si Mathev sa make-shift stage para kumanta habang kumakain ang lahat.
Nakisabay ang lahat sa kinanta niya. Halaga by Parokya ni Edgar. Mayamaya pa, pati ako tinatawag na sa stage. The motherfuckers! Ayokong kumanta ngayon pero wala na akong nagawa nang itulak ako ng mga kapatid ko papunta sa stage.
Ngumisi si Mathev at tinuro ang upuan na nilagay doon ni Kuya Travis.
"Sit down. What do you wanna sing?" Mathev asked me, playfully strumming his guitar.
"I dunno. Something smooth siguro. Ano bang magandang duet ngayon?"
"Ano bang alam mong duet?"
Napaisip ako. "You wanna try Kean's song?"
"Alin do'n? Yung kasama si Sarah?"
Tumango ako.
He pursed his lips into a smile. "Okay."
Then he began to strum the familiar chords.
On cue, I started to sing into the mic and Mathev joined in when it was his turn.
Nagpalakpakan ang lahat nang matapos namin ang kanta. My cheeks were burning when I got off the stage.
"Ang galing!" bati ng mga pinsan ko.
Nakipag-apir pa sa 'kin si Kuya Onyx.
Nagtama ang tingin namin ni Gian. Hindi siya ngumiti. Tumango lang siya at binalik ang mata sa iniinom na alak.
Napalingon na rin ako palayo. Never thought a day would come na makakaramdam ako ng awkward air sa pinsan ko.
"Magbati na kasi kayo," tukso ng iba.
Hindi ko sila ininda at umupo na sa tabi ni Kuya Travis.
Lumalalim ang gabi. Mga matanda na lang ang naiwan. Nag-iinuman pa rin sila. Kanina pa umuwi ang mga bata dahil alas dose na ngayon. Like kids, nagsisimula na rin magkatakutan ang mga pinsan ko. I took a picture of them and posted it online.
Nadaanan ko ang photo na kaka-post lang din ni Racel. He was with his family. Kasama niya ang parents niya sa picture na 'yon. My gaze shifted to him and my heart sped up again. I should get used to this, right?
I didn't like the photo. I just texted him a simple Happy Halloween. Honestly, hindi ako nag-eexpect ng reply but it came a minute after I hit send.
RCG
Happy Halloween.
Simple text. Frigging simple. But I was smiling that whole night.
***
The next day, we spent the whole afternoon at the cemetery. 'Di pa rin kami nag-uusap ni Gian. I guess the boys were already growing tired of us because during dinner, Kuya Jacob made a fuss and volunteered to distribute the plates we were going to use. Inutusan niya si Gian na ipamigay naman ang kalahati ng hawak niya.
When Kuya Jacob skipped me, that's when I realized it.
Pinagbabati na nila kami. Gusto nilang si Gian ang mag-abot sa 'kin. I cast my gaze down to my feet. Hindi ako makatingin sa kanya. Nahihiya ako kahit 'di naman dapat. Gano'n din siguro siya kasi tinulak pa siya para lumapit lang sa 'kin.
"Magbati na kayo. Oy!" sigaw ni Kuya Jacob.
Gian cleared his throat. Tumingala ako sa kanya.
"Here," sabi niya, inaabot ang plato.
"Um. Thanks."
"Hug na 'yan! Putragis na drama oh!" panunuya pa ni Mathev.
Nagtama ulit ang tingin namin ni Gian. Saka kami bumungisngis.
"Halika nga dito." He opened his arms to me.
Tumayo ako at niyakap siya. Pumikit ako. I missed him. Nakakatampo na umabot ng ilang araw ang away namin.
"Sorry, Javee," bulong niya sa 'kin.
"Sorry din," sabi ko.
Nagtawanan ang boys at isa-isa kaming hinampas sa braso at likod.
"Magbabati rin pala, e," they were saying.
Nakatingin sa 'min sina Daddy. Hindi kasi nila alam na nagtalo pala kami. Hindi na rin naman sila nagkomento about do'n pero kita ko na masaya sila at bati na kaming magpinsan.
Tinapik ni Gian ang likod ko at pinakawalan ako. Tumawa ako. Now, we're okay. Wala na akong aalalahanin buong gabi kasi maayos na kami.
Halloween came and went. Pagbalik namin ng Manila, bumalik na rin sa trabaho sina Mom and Dad. Me and my brothers went out for another two-days vacation before Kuya Travis and Kuya Chris went back to work din.
Smooth ang naging holidays. I was thinking then na baka wala naman ang hunch ko. I didn't hear anything about the Chens after. Baka naging paranoid lang ako.
***
Lhyle, the girls, and I went to process our enrollment for the second term after the holidays.
I finished mine an hour later, so I stayed at the benches to wait for them there. Sunod na natapos si Lhyle, pero sumaglit pa siya sa org office nila para i-submit ang portfolio na hinihingi sa kanya. At some point, napansin kong pinagbubulungan ako ng mga taong bumabati sa 'kin.
I had no idea what was up until Lhyle came back minutes later.
"J," Lhyle suddenly called from a distance. Tumatakbo siya palapit sa 'kin at mukhang nagmamadali. "Did you hear the news yet?"
"What news?"
"Yung pinsan mo. Sinugod ng daddy ni Yuan Chen."
Para akong binuhusan ng tubig. "What? Why?"
"Hindi ko alam. Basta kalat lang yung balita ngayon. May kumausap na yata galing sa office."
Kaya pala kanina pa ako pinagtitinginan ng mga tao dito.
I tried texting Gian. Pero hindi siya sumasagot. So I texted the others. 'Di nagtagal, nag-vibrate ang phone ko.
Kuya Jacob calling...
Agad ko 'tong sinagot.
"Nasa'n ka?" bungad agad sa 'kin. May naririnig akong usapan mula sa end niya. Sina Mom and Dad yata.
"I'm in the campus. Why?"
"Umuwi ka na muna," was all he said.
Oh, fudge. Bigla akong kinabahan.

BINABASA MO ANG
DV Series: decoding the boys (under revision) ??
Teen FictionWattys Winner 2018 Javee De Villa thought she knew everything about boys, to the point that she came up with her own player archetypes and male decoder. But everything comes crashing down when her brothers' long-time nemesis enters the picture. Wil...
31- hunch
Magsimula sa umpisa