抖阴社区

Chapter 10 - Eye to eye

Magsimula sa umpisa
                                    

'Tok! Tok! Tok!

Late pala siya? Hindi ko napansin. Kaya pala walang nambwibwisit sa akin eh!

Hindi naman siya pinapansin ni Sir dahil patuloy lang siya sa pagdidiscuss. Naglakas loob naman akong itaas ang kamay ko at sinabing may tao. Nagtinginan naman mga gagitang friends ko at sabay-sabay na tumingin sa'kin. Srsly?

"Alam na ni Mr.Absury ang gagawin kapag late. Di ba Ms.Porter?" maawtoridad na sabi ni Sir.

"Ahmm...Ye-s S-sir!" nauutal ko pang sabi at umupo na lang. Napaisip ako bigla. Oo nga pala! Nakalimutan ko. Sh*t naman!

Kapag late ka kasi,kailangan mong ilagay yung kanang kamay mo sa iyong dibdib at kantahin ng malakas at klaro ang Philippine National Anthem. Kailangan mo ring irecite ang Patriotic Oath,Pledge of Allegiance to the Philippine Flag at Preamble pero makakapasok ka lang kung nabuo mo ito at wala dapat maling salita ang mabibigkas dahil may isang makikinig sa'yo na nasa tabi lang ng pinto. Strict right? Pero para kasing pambata. Hindi ko pa natitry eh!

Nagsimula ng kumanta si Cleese. Pumiyok siya at ang mas masahol malapit na siyang matapos kaya pinaulit siyang kumanta. Natawa na lang ako sa nangyayari sa kanya. Buti nga!

"Is there anything funny,Ms.Porter?" napatingin ako kay prof at nagulat ng nakatingin silang lahat sa'kin.

"None,Sir. Why?" pigil-tawa kong sagot.

"Okay! Back to our discussion. Bla bla bla.." at nagpatuloy na nga sa pagsasalita na akala mo naman may nakikinig sa kanya. Nakatitig lang naman mga kaklase ko sa kanya eh pero lumilipad mga isip ng mga 'yan. Bawal pa namang matulog dito sa boring na klase na 'to.

Narinig ko namang pinaulit ulit kay Cleese 'yung Preamble. May mga repeated words kasi siyang nasabi. Parang sirang plaka according kay Sir at bumalik na ulit sa pagdidiscuss. Nyemas!

"Arrgggh! Why do I have to do this anyway?" sigaw niya mula sa labas. Nilingon siya ni Sir ng may nanlilisik na mga mata. Lagot ka diyan! Haha.

"Because I am your teacher! And that's my rule,right Mr.Absury?" madiin bawat salitang binibigkas ni Sir. Nainis naman si Cleese at bahagyang ginulo-gulo buhok niya. Baliw!

"I don't care about your f*cking rule! Allow those stupids to be your f*cking slave that always follow you! Dammit!" sabay hampas sa door. Nagulat naman kaming lahat sa ginawa niya at napasinghap. Maski ako! Napatingin naman siya sa'kin at nakita ko pang para siyang lumambot bigla. Feel sorry 'bout what he did? Idk.

Nagsimula ng magbulung-bulungan ang lahat. May mga naririnig pa akong mga sinasabi ng malalapit sa akin na..

'Anong nangyayari kay Cleese?'

'Okay lang kaya siya?'

'Ano kayang problema niya?'

'Ay! Oo nga pala, Death Anniversarry ngayon ng girlfriend niya dati!'

'Baka hindi pa niya tanggap?!'

'Kasaklap ng nangyari sa kanya,birthday din nung girl ngayon di ba?'

Nakita ko naman siyang napayuko na lang.

"Enough Class!" sigaw ni Mr.Arellano at neg-echo pa ang malakas niyang sigaw dito sa buong room.

"Mr.Absury! DETENTION! NOW!" dagdag na sigaw niya pero kay Cleese naman niya pinaparating.

"F*ck! What? NO!" pilit ni Cleese at biglang pumasok sa room. Hindi pa siya nakakaupo nang biglang magsalita si Sir.

"You're disrespecting me Mr.Absury! Because of that,you'll have a community service for 1 week!" sigaw ni Sir kasabay ng pagtunog ng bell.

"And that's FINAL!" dagdag ni Sir bago umalis ng room. Hindi na lang umimik si Cleese. Padabog siyang umupo sa upuan at idinukmo ang ulo sa arm chair. Matutulog siguro!

I'm DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon