Muli na namang nagbulungan mga kaklase kong parang bubuyog habang lumalabas ng room. Kakalat na naman 'to sa buong University. Pustahan! Hayy buhay! Makakain na nga lang ulit. Break naman na eh! Kaboring talaa ng dalawang oras sa Social Science.
"Tara na mga babes! Gutom na naman ako eh!" tawag ko sa mga kasama ko.
"Tss! Ikaw ah! May hindi ka sinasabi sa'min." ngiting-aso 'tong si Claire. Baliw!
"Alam niyo ba? Hina--" agad kong tinakpan ang bunganga ng madaldal kong kambal. Spoiler eh!
"Huwag niyo siyang papakinggan!" sigaw ko sa kanila habang hindi pa rin tinatanggal yung kamay ko sa bunganga niya.
"Hmpp! Hmmpp!" pilit na tinatanggal ni Aliyah yung kamay ko kaya binitawan ko na. Humahangos naman siya dahil sa ginawa ko.
"Arggh! I hate you sissy! Baho ng hand mo!" nakapout na sabi ni Aliyah. Arte!
Nagtawanan naman sila pero nabalik na naman yung topic kanina. Tss!
"Tampo na talaga kami sa'yo Aub! Huhu." kunwaring iyak naman ni Cass. Drama!
"Tara na nga! Gutom na ako!" lagi talagang masungit 'tong si Maureen. Kailan kaya 'to magbabago?
"Tara na daw! Tomguts na si Madam!" natatawang sabi ni Claire. Natawa na lang din ako.
"Mamaya na nga natin kulitin si Aubrey!" pasigaw na sabi ni Leana sabay hila sa'kin palabas papuntang cafeteria. Sumunod naman 'yung iba.
"Oo nga! Gutom na mga bulate ko sa tyan." palatak pa ni Gemine. Lagi na lang sila magkasunod na magsalita. Naggagatungan eh no?!
Nakarating kami at agad na naghanap ng mauupuan. Hindi na makapaghintay sila Aliyah at Maureen kaya sila na ang nag-order.
Habang naghihintay ng foods namin. Kinulit-kulit ako ng mga natira dito na magkwento na raw ako.
"Mamaya na kapag kumpleto na tayo. Kapag kasi kwinento ko na,uulitin ko na naman mamaya kaya later na lang!" paliwanag ko sa kanila. Sabay-sabay na lang silang napabuntong hininga sa sinagot ko.
Dumating na yung foods namin pero natawa kami ng nakakunot-noo si Maureen. Hindi na kami nagtaka kung bakit baka kasi nainis na naman yan kahit small things lang. Kasunod niya si Aliyah na tawang-tawa na katabi sila Kuya Ash with his friends. Nasa likod naman nila si Kuya Kennedy (friend ni Kuya) na parang naiinis rin. Pero Sayang! Hindi nila kasama si Cleese. Huh? Paki ko ba dun sa taong yun!
"Anyare sa inyo? Haha!" tawa na agad ni Claire kahit hindi alam kung anong nangyari pero nakakatawa kasi talaga itsura ni Maureen ngayon. Masungit na nga,mas sumungit pa mukha. Haha!
"Haha~ Ito kasing si~ Hahaha. S-si Maureen kasi~Hahaha." walang tigil sa tawang pagpapaliwanag ni Aliyah.
"Hahahahahahaha!" sabay-sabay kaming tumawa pero in sarcastic tone at sabay-sabay ring nagsitigil at tumingin kaming lahat sa kanya. Napatawa naman sila Kuya dahil sa ginawa namin.
"Tawa pa! Wala na kaming naintindihan." komento ni Claire.
"Eh kasi naman,nakakag*go kasama 'tong si Maureen. Haha~" tawang-tawa siya kahit mag-isa niya lang tumatawa. Buti sana kung nagsishare eh di sana may kasama siya?
"Sige,tawa pa! Kabagin ka sana!" sigaw ni Gemine na sinundan ng mga tawa ng mga kalalakihan sa kabilang table.
"Kuya~Hahaha Ikaw nga magkwento~Hahaha!" kabagin ka sana Aliyah. Haha!
"Ganito kasi yon.." pagsisimula ni Kuya Ash pero biglang nagsalita si Aliyah.
"Bigla kasing sumingit sa pila si Kennedy kaya biglang nagbeast mode si Maureen. Eh alam niyo naman 'to,napakasungit! Hahaha!" pagpapatuloy ni Aliyah. Baka balak niya ulit gawin yung ginawa niyang pagkwekwento nung nagditch kami ng class?!
Tinignan muna ni Kuya si Aliyah at nang parang hindi na ito makapagsalita dahil sa kakatawa,nagpatuloy ulit si Kuya.
"Nasa likod lang kami nun nila Maureen kaya nakikita namin siyang kinakalabit si Ken. Sinisiko-siko naman niya si Maureen para tumigil. Kaya--" naputol ulit ang pagkukwento ni Kuya nang..
"Hindi na natiis ni Maureen na hindi batukan ng malakas si Ken kaya yung mga nakapila sa harap niya eh nag-untugan. Hahaha! Hanep talaga! Hahaha! Kuya..." hindi namin napigilan na hindi rin tumawa kasi talagang sadista 'tong kaibigan namin na 'to.
Sinigurado muna ni Kuya Ash na hindi na eepal pa si Aliyah bago magpatuloy.
"Tumingin lahat ng nag-untugan sa mga likod nila hanggang sa umabot kila Maureen at Kennedy. Nagpipigil naman kami nila Aliyah sa tawa dahil sa nangyari. Kaya biglang--" Jusko! Kailan matatapos kwento nila king ganito? Parang lapis,putol-putol.
"Tapos 'tong magaling nating kaibigan,natripan yata si Kennedy kaya tinuro niya ito. Sumama agad yung tingin nila kay Ken at tinulak siya. Buti na lang hindi na-out of balance si Ken kung hindi napaupo na si Maureen. Salamat sa mabilis na reflexes ni Ken at nasalo agad niya si Mau. Pero ang nakakatawa pagkatapos nilang umagaw ng pansin sa pilahan dahil sa tagal nilang magtitigan eh nang makarecover si Mau at narealize ang nangyari eh dali-daling umayos ng tayo at kunwari walang nangyari at nanggigil na hinampas si Ken sa braso." kwento ni Kuya.
"Hahahahahahhahahaha." tawanan naming lahat. At ang g*ga. Namumula na! At si g*go naman. Iniinis pa si Mau dahil nangingindat. Loko-loko!
Pero nasaan na kaya si Cleese? Tss. Bakit ko nga ba hinahanap yung halimaw na yun? Bahala siya sa buhay niya! Che!
-
@stefforyou's note:
I'm very very sorry for the long wait. Sobrang busy ko last few months?! kasi sa studies ko kasi maraming kailangang tapusing requirements on time. As in sunod-sunod sila dati. Bear with me please! Alam niyo naman siguro ang buhay estudyante,right?!
Wait for the next update. Soonest! I guess,so?! Mag-iisip pa ako ng pwedeng maidugtong sa story na 'to because I'm starting na sa NEW story na gagawin ko. Tugudug my heart! Buti na lang may tumutulong sa akin dun. Kung hindi,inosente pa rin ako hanggang ngayon. Haha! Anyway,just relax and wait for the next update. Orayt!
Thanks for reading thissss...
Mwa!

BINABASA MO ANG
I'm Different
Teen FictionWe can win life by all means if we simply avoid two things in our lives: ?COMPAIRING WITH OTHERS and ?EXPECTING FROM OTHERS
Chapter 10 - Eye to eye
Magsimula sa umpisa