I didn't know kung bakit hirap akong paniwalaan na posibleng hindi De Villa yung baby. Everything was still possible at this point. I guess we'd eventually find out the truth 'pag lumabas na ang result. It wouldn't be long now.
***
The following week, mas naging abala pa ang dance troupe at student council. It was the university festival now. Ngayon namin sasayawin yung routine na last sem pa namin nire-rehearse.
The crowd roared to life when we jumped onto the stage, setting it on fire. Kita ko ang paghiyaw at pagpito ng mga ka-block ko, maging nina Lhyle na kasama sina Ahron, Maxxie, Hiro at Anjo na kasama ng boys that time.
Tumatawa at hinihingal kami nang matapos ang sayaw.
Kumakain ng waffles sa may benches ang mga kaibigan ko nang dinatnan ko sila. Mukhang galing sila sa kiss mark booth dahil may kiss stamp sa pisngi sina Anjo at Maxxie. Nag-aasaran sila about sa bagong crush ni Anjo nang makalapit ako. Humiwalay na sa kanila yung boys kanina pa.
My brows were arched. Nakatingin ako kay Anjo. "May bago na naman? Akala ko ba si Kuya Jacob?"
Anjo grinned a little, her cheeks flushing. "Cute niya kasi, e."
"Hulaan ko. May Anjo formula kasi, e. Basketball player 'yan 'no?" sabi ni Maxxie, sabay ngisi nang mamula lalo si Anjo.
"Oo. Kaso hindi ng school. Doon malapit sa 'min siya madalas maglaro. Kilala silang magpipinsan sa 'min."
Lhyle whistled with a teasing grin. "I'll be damned. Mga Armada ba 'yan?"
"Pa'no mo nalaman?"
"E 'yon lang naman kilala sa lugar n'yo, e. Tsaka nakalaro ko na yung mga 'yon."
Not that surprising. Taga-Manila kasi 'tong si Anjo, ta's lagi pang dumadayo doon si Lhyle para maglaro ng street basketball kasama ang mga barkada niya.
Ahron chuckled slightly. "Manila boys, huh." With that tone and expression, alam ko nang kilala ni Ahron ang mga 'yon personally.
"Kilala mo, babe?" I asked kahit na alam ko na ang sagot.
She shrugged. "Let's just say I dated one of them," kaswal niyang sagot.
Anjo gasped. "Si Lachlan ba?"
"No. Yung eldest. Si Cedric yata."
"Parang 'di ka pa sure sa pangalan?" puna ni Hiromi.
We laughed. Hindi nagtagal, nagkayayaan na kami papunta sa ibang booths. We were about to try a haunted house booth nang makasalubong ko ang grupo ng mga pinsan ko. They were almost complete. Yung mga nagma-masters lang ang wala.
Nakangisi at nagtatawanan ang grupo nila. Naroon sina Kuya Jacob, Kuya Andrei, Kuya Paul, Kuya Onyx, Gian at Mathev kasama ang ibang members ng basketball at football team.
"Ba't may ganyan sa mukha n'yo?" Pa'no kasi, may itim na ekis sila sa mga kaliwang pisngi nila.
Humalakhak si Carlo, yung ka-team ni Kuya Jacob. "May nagpahuli sa mga De Villa, e. Ayon, damay damay na. Pati kami nakulong."
"Nagpahuli, jail booth?"
"Tss. Ba't ikaw hindi nahuli? Blacklisted ang De Villa do'n, a?" sabi ni Gian, umiiling. "Unfair, amputa."
"Oo nga," gatong ni Mathev. "Ten minutes din kami do'n. Putragis na 'yon."
Tumawa si Maxxie. "E pa'no kayo nakalabas? Wala daw bail ngayon, a?"
Nagkatinginan yung boys, sabay hagalpak as if may inside joke silang nalalaman. I asked about it pero ayaw nilang sabihin kung ano ang ginawa nila. Nagkatinginan tuloy kami ng mga kasama ko.

BINABASA MO ANG
DV Series: decoding the boys (under revision) ??
Teen FictionWattys Winner 2018 Javee De Villa thought she knew everything about boys, to the point that she came up with her own player archetypes and male decoder. But everything comes crashing down when her brothers' long-time nemesis enters the picture. Wil...
35 - falling || uncut ver
Magsimula sa umpisa