Ano naman kaya yung pinagawa sa kanila at ganyan sila makatawa?
"Saan ba kayo papunta?" asked Kuya Andrei suddenly.
"Sa haunted house."
"Ayos. Sama kami," announced Kuya Jacob, nodding.
And so, we ended up trying the haunted house booth with them. Buti na lang din dahil mas lalong naging masaya yung pagdaan namin sa make-shift maze. The boys were fooling around with the props habang nananakot din.
We then tried out several booths afterward. Zombie Apocalypse na nasa quadrangle. Torture room sa Medical building. The Crime Scene sa Science lab. Pati yung booth na parang Mystery Manila. They locked us in, chained off, with lights off. Kailangan naming makalabas using sheer team effort. Thanks to Kuya Andrei's quick thinking and Kuya Paul's leadership, nagawa naman namin.
Heto tuloy. Free shirts. Woo!
Halos pagabi na nang matapos kami. I was enjoying myself so much. Basang-basa pa rin kami gawa nung water fight kanina sa Zombie Apocalypse kaya ginamit na namin yung free shirts.
When night came, the other boys went on their ways. Umalis na rin ang mga kaibigan ko so that left me with my brothers and cousins. Dahil mga ayaw pang umawi, we tagged along kay Mathev. May gig daw ang Constello ngayon.
I wasn't that much excited for it. Sa mga ngisi ng mga pinsan ko, alam ko na ang mangyayari.
Hindi nga ako nagkamali. As soon as the band went up the stage, puro kantyaw ang narinig ko kina Gian at Kuya Jacob. They were linking me up with Dash Lim. Or that Luis.
At one part of the gig, may tinawag si Dash Lim na girl. Tumayo yung babae at kumaway kaya nakita ko ang table nila.
"Happy birthday, Abi," bati niya in that smooth, cool voice.
"Ay. May Abi," kunwaring nanghihinayang na sinabi ni Kuya Paul sa 'kin. "'Di bale. Mas maganda ka naman." Naghagikgikan ang mga pinsan ko.
I gave them a withering look. Okay. I wasn't interested in any of the Constello boys. Ewan ko sa mga 'to bakit todo asar sila sa 'kin when they knew that.
And it's not true na mas maganda ako do'n sa girl. Maganda yung Abi. Petite lang at maputi. She looked Japanese to me, half siguro. What I liked about her was her medium-length hair. Ombre 'yon at kulot. Blonde ang itaas pero pink at red ang dulo. May purple highlights na nakahalo don while ang bangs niya naman ay may pink din sa bandang gitna down to the tips. You'd think it'll look messy. But no. It actually suited her. Mukha siyang cosplayer. Sila ng mga kaibigan niya, actually.
Like her, may kulay din ang buhok ng dalawa niyang kaibigan. Yung isa, may dalawang blue streaks sa buhok habang yung isa ay naka pixie cut at may violet highlights.
Finally, the performance started. Puro sigawan ang bumalot sa bar lalo na nang pumwesto sa gilid si Mathev. He wasn't going to play the drums tonight. May hawak siyang gitara. Yung Andrew ang pumalit sa kanya.
Ang matikas na boses ni Dash ang unang narinig namin. It was a rock song na hindi familiar sa 'kin.
Then it was Mathev singing. The lyrics was English mixed with Japanese. Nagtayuan ang mga babae para maghiyawan at maki-jam. From the side, I could hear my cousins teasing Mathev as if may love triangle between him, Dash Lim, and Abi.
After the performance, the cheers of the girls were deafening. Iniisip ko pa rin kung isa ba yung Abi sa mga naging ka-fling ni Mathev before but it didn't seem that way. Wala naman sa hitsura niya na may gusto siya sa pinsan ko.
I wouldn't put it past him, though. Like my other cousins, Mathev is a legit player, too. He is under the other half of the Leisure Casanova, Ardent Chaser.

BINABASA MO ANG
DV Series: decoding the boys (under revision) ??
Teen FictionWattys Winner 2018 Javee De Villa thought she knew everything about boys, to the point that she came up with her own player archetypes and male decoder. But everything comes crashing down when her brothers' long-time nemesis enters the picture. Wil...
35 - falling || uncut ver
Magsimula sa umpisa