"Anong meron?" Tanong ni Vanessa.
"Riot. Huwag nyo na lang pansinin." Pag-epal ng mama.
"Riot? Eh bakit parang walang pumipigil sa kanila? Ikaw? Bakit andito ka pa rin?" Tanong ni Dave.
Huminto kami sa isang pintuan. Humarap sa amin ang mama na hindi na natanggal ang ngisi sa labi.
"Lahat ng tanong nyo ay masasagot din. Hali kayo."
Pumasok kami sa loob ng kwarto at sinalubong kami ng isang babaeng naka upo sa swivel chair. Sinenyasan nya kami na maupo na syang ginawa namin.
Ang maputik na sahig ay lalong pumutik dahil sa mga sapatos naming nababalot ng putik. Hindi ba sila marunong maglinis? Tsk.
"So, Good Morning newbies. I am Madame Violet, HU's Headmistress. Please, fill up the forms." Inabutan kami ng mama ng mga forms.
Habang pumi-fill up ako ay sinusulyapan ko rin si Madame at iyong mama na nakangisi sa amin. Nanuyo ang lalamunan ko kaya ibinalik ko na lang sa form ang aking atensyon.
"Welcome to Hell University!" Sabay na humalakhak si Madame at ang mama.
"Thanks. Hmmm. How much is the tuition fee?" Tanong ni Mia.
"I am a scholar and I brought all my documents." Sambit ni Vanessa.
Nagkatitigan si Madame at Mama sabay natawa. Gosh! Bakit parang ang weird nila?
"It's free. Lahat ay libre."
Natuwa naman si Vanessa at Mia na nag-apir pa habang sina Matt, Jerome at Dave ay nakangisi lang.
"But..."
Tumahimik naman kaming lahat. What is it now?
"You must know our one and only rule here." Nakangising sambit ni Madame.
"Isa lang ang rule nyo?! Whoa!" Amazed na sambit ni Dave.
Bakit parang hindi nila napapansin na ang weird ng lahat ng nangyayari? Walang tuition fee? May school bang ganon? Or kung meron man ay malamang tumatanggap ng scholar but this school? HU? Nevermind.
"7pm to 5 am is our Freedom Night also known as Bloody Night"
Kumunot ang noo ko.
"What do you mean?" Tanong ko.
"Everything is free. You will have your freedom. Is it also the time where Killing is legal, lock all the doors, never get outside that range of time because if you do, you will die."
Umakyat lahat ng dugo ko sa katawan matapos kong marinig lahat ng sinabi ni Madame na hanggang ngayon ay nakangisi pa rin.
"Are you serious?! That's craziness but cool!" Matt.
Gosh! Hindi ba sila marunong matakot? I am used to dangerous adventures but I have a bad feeling with this one. Nakakakaba ang isang ito.
"You are the newbie. Mas mabuti kung mag-iingat kayo. Hindi lahat ng kaibigan ay kaibigan din ang turing sa inyo. Never let your guard down, or else. You know what I mean?"
Hanggang sa makapasok kami sa loob ng boarding house na kung saan ay sama-sama kaming anim ay hindi pa rin ako makapaniwala. Legal ang pagpatay? God! Kabaliwan!
"Guys. Pahangin muna ako." Sambit ko bago lumabas.
I need air at kailangan ko ring pakalmahin ang sarili ko. Napakaraming negative thoughts ang pumapasok sa isip ko katulad ng dito na kami mamamatay at marami pang iba.

BINABASA MO ANG
Hell University (PUBLISHED)
Mystery / ThrillerA place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything will blur. A lot of secrets are being hid. Not the typical school to have fun. Death is everywhere. Bad...
Chapter 1
Magsimula sa umpisa