Dinala ako ng aking mga paa sa park na malapit. Napayakap ako sa aking sarili nang umihip ang malamig na hangin. Walang tao rito.
Umupo ako sa swing na kinakalawang na at tinulak ang lupa para gumalaw ang swing.
Pinagmasdan ko ang paligid. Ang kaninang maraming estudyante ay nawala na lang bigla nang magka-riot. Ganon na ba talaga sila katakot? Should I also be?
"You will die."
Nabalin sa may puno ang tingin ko na kung saan may lalaking nakamaskara na itim ang nakita ko. Humihithit ito ng sigarilyo.
"Who are you?" Binalot ako ng takot nang makita ang nalaglag nyang kutsilyo na naliligo sa dugo.
Napatayo ako sa swing. Ramdam ko ang pangangatog ng aking tuhod.
"Newbie. What's your name?"
"Z-Zein."
Humalakhak sya nang marinig ang sinabi ko. Mejo nakaramdam ako ng pagkainsulto dahil sa tawa nya. There's nothing funny here!
"Sounds angel but at the end. You will also hold a knife to survive."
Hinagis nya sa akin ang kutsilyo na hawak nya kaya napaatras ako. Nanuyo ang lalamunan ko sa kaba.
"Scared. Hindi na kayo dapat pumasok dito. Tsk."
"Sino ka ba?!"
Humakbang sya nang ilang beses palapit sa akin kaya napahakbang naman ako paatras. This guy is creepy! Gosh!
"I am not your friend. No one is your friend."
Lumukot ang mukha ko sa sinabi nya. Ano bang ibig nyang sabihin? Nakakalito.
"It's already 6:30 pm. You still have 30 minutes to leave. Lock all the doors. Mainit ang mata nila sa inyo. Mag-ingat kayo."
Tumalikod na sya at nag-umpisang humakbang palayo. Pinagmasdan ko lang ang likod nya hanggang sa maglaho na ito.
Sino sya at sino ang tinutukoy nya?
Tumakbo na ako pabalik sa dormitory at naabutan ang barkada na nagtatawanan. Sa akin nabalin ang tingin nilang lahat nang pabagsak kong sinarado ang pinto.
"Nagkamali tayo ng school na pinasukan guys! This is no longer for fun!"
Nagtawanan sila sa sinabi ko kaya hindi ko maiwasang mairita. Bakit ba ayaw nilang maniwala? This is not a joke! Nasa panganib ang buhay naming lahat.
"Alam mo Zein? Mauuna kang mamamatay sa amin sa takot. Kalma lang." Ani Mia na natatawa.
Sinamaan ko sya ng tingin.
Napagitla kaming lahat ng tumunog ang kampana na umalingawngaw sa paligid. Minadali kong ikandado lahat ng pinto at bintana.
Napatingin ako sa wall clock.
"7:00 oclock"
Binalot kami ng katahimikan at ramdam ko ang kabog sa aking dibdib. Ang sikip.
"What's that?" Tanong ni Jerome.
"It's already bloody night." Sambit ni Vanessa na aktong lalabas ng pinto pero mabilis akong humarang.
"Ano ba?! Magpapakamatay ka ba?" Inis na tanong ko pero tinawanan nya lang ako.
"Easy, Zein. Biro lang naman."
Sabay-sabay silang tumawa. Pinagtatawanan nila ang seryosong bagay. Baliw ba sila?
"Guys please. Ayokong may mangyaring masama sa kahit na sino man sa atin dito. Please lang!"
Inis na umupo ako sa sofa at humalukipkip. Damn it!
"Hey, sorry." Ramdam kong niyakap ako ni Vanessa at tumabi naman sa akin si Mia.
"Natatakot ka na ba talaga Zein?" Alalang tanong sa akin ni Mia.
Ramdam kong lumandas sa mata ko ang luha dahil sa pangamba na baka may mangyaring masama sa kahit na sino man sa amin. I don't want that to happen.
"Mia. I am really serious. There's something in this school more than this bloody night!"
Ramdam ko ang mga titig sa amin nina Madame at nung mama kanina. Parang may pinaplano sila. Gosh! Napa-paranoid na ba ako?
"Sshh. Okay. Let's sleep for now on at bukas na bukas din ay aalis na tayo." Niyakap din ako ni Mia.
Napangiti na lang ako. "Salamat." Bulong ko.
"Sshhh." Napatingin kaming lahat kay Dave nang senyasan nya kaming manahimik.
Nakasilip siya sa isang siwang sa bintana. Nagsilapitan naman kami sa kanya. Bahagya naming binuksan ang bintana para makita ang tinitignan nya.
Napakapit ako sa braso ni Mia. Napakaraming nakamaskara na itim na tao na nakakalat.
"Who are they?" Bulong na tanong ni Matt.
Nakakatakot sila. Sino sila at anong ginagawa nila sa labas gayong bloody night ngayon? Bakit sila nakamaskara?
Mabilis na isinara namin ang bintana nang tumingin sa amin ang isa sa kanila.
Nagtakbuhan kami sa gilid at nagkumpulan. Ramdam ko ang kabog sa dibdib naming lahat.
"Did they see us?" Nanginginig na tanong ni Vanessa.
"I thin-"
Hindi na naituloy ni Dave ang sasabihin nya ng may sunod-sunod na kumatok sa pinto namin na parang kinakalabog na ito.
Mas lumawakas ang kabog sa aking dibdib.
"Stop it, Luke!" Dinig kong sigaw mula sa labas.
"Okay. Okay."
Nawala na rin ang kumakatok. Nanatili kami sa sulok na kumpol-kumpol hanggang sa makatulog na ako.

BINABASA MO ANG
Hell University (PUBLISHED)
Mystery / ThrillerA place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything will blur. A lot of secrets are being hid. Not the typical school to have fun. Death is everywhere. Bad...
Chapter 1
Magsimula sa umpisa