That's so impossible; ni hindi ko nga alam kung tama ba ang ibang definitions na sinabi ko.I kept on reciting weird words until I ran out. Kahit magkabulol-bulol ako sa ibang German words. I even surprised myself that I know tons of words. Paano ko naman nakabisado ang lahat ng 'yon?
Pero tama nga si Andreau, kumalma nga ako kahit paano sa mini-exercise na 'to. I must've recited at least 30 words bago ko maramdaman ang pagod. The last thing I remembered saying was the word eternitarian (noun; one who believes in the eternity of the soul) before drifting off to sleep.
***
Six years ago, pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako babalik sa ospital na 'to. My irrational hate of hospitals started here in this very building. This is where I experienced the first death in my family. Hindi ko makakalimutan yung araw na sinugod namin dito si Tata Greg.. at yung boses ng doktor nung sinabi niya ang time of death 4:19 pm. Just hours before he died, natapos pa namin ni Tata ang Sunday crossword puzzle ng favorite broadsheet niya. Iyon na ata ang pinakamalalang iyak ko sa buong buhay ko.
Tapos ngayon.. si Nana Tinang naman ang nandito.
Ang nakakatawa pa, ilang beses kong sinubukang kalimutan ang lugar na 'to pero unang apak ko pa lang sa may entrance, parang nagkaron ng sarilling utak ang mga paa ko at dinala nila ako sa may operating room. Some memories are such a pain in the ass, right? Nanginginig na ang mga tuhod ko sa kaba, at kaunti na lang hihimatayin na ako. Too bad Andreau wasn't here to catch me; kanina pa siya nastuck sa kakahanap ng free space sa parking lot ng ospital. Actually, I don't want him to see me breakdown. Baka kasi mabawasan ang coolness level ko sa paningin niya. Just kidding. Ayoko lang makita niya akong umiiyak at hindi alam ang gagawin kapag pamilya ko na ang involved. Medyo unfair 'yon for him since ako 'tong nakialam sa buhay niya noong death anniversary ng parents niya last year. What kind of friend am I?
My whole world stopped when I finally reached the waiting area of the operating room. Si Ate Gaile ang una kong nakita, nakaupo sila ni Butchoy sa plastic bench, magkayakap. Shit, I'm not ready for this again. Gano'n din yung posisyon namin Nana dati, nung unang beses na operahan ni Tata Greg dati.
"Ate Saysay!" Butchoy shouted as he ran towards me. "Ate Say.. nasa loob pa po si Nana.. ang tagal niya pong lumabas."
I sort of deflated then, everything going soft and hazy as my shoulders sagged with sheer relief. My eyes started to burn as Butchoy suddenly hugged me, burying his head in the crook of my neck. He wasn't crying when I arrived, but his eyes were still red.
"Choy, okay ka na ba?" I held him tightly. "Thank you sa pagbabantay kay Mama mo ha? Magiging okay din sina Nana. Wag na tayong iiyak ha?"
I blinked back my tears. Walang maitutulong kung iiyak ako rito. Hindi ka iyakin, Scheherazade. Kahit ilang gallon pa ng luha ang iiyak ko rito, hindi no'n magagamot si Nana.
We waited outside the operating room in silence. Yakap-yakap namin ni Ate Gaile si Butchoy, na nakatulog na sa sobrang pagod. Doon kinwento sa 'kin ni Ate Gaile ang nangyari kina Nana kanina. Kakagaling lang daw ni Nana sa Liga ng Barangay meeting sa may poblacion, at siya lang mag-isa sa barangay patroI cab. Nung nasa may pa-zigzag na daan na siya, bigla na lang daw binangga ng truck yung patrol cab ni Nana. She also said something about severed arteries and hemothorax na nakuha ni Nana sa aksidente. Tinanong daw siya ng doktor kanina if pwede siyang magdonate ng dugo para kay Nana, baka raw kailanganin ng blood transfusion since naubos daw ang dugo ni Nana dahil sa bleeding. I really wished I'm good with medical shit para maintindihan ko ang lagay ni Nana.
I was about to stand up para mag-CR nang maalala ko na kasama ko pala si Andreau papunta rito. Sa sobrang pagkasabaw ko akala ko nasa likuran ko lang siya kanina. "Ate Gaile, nakita mo ba si Andreau?" tanong ko nang hindi ko makita si Andreau sa paligid. "Kasama ko siyang pumasok dito kanina eh. I forgot na kasama ko siya."

BINABASA MO ANG
The Spaces In Between
General FictionThe thing with Valentine's Day is, either you hate it or you love it. And Zade Pascual definitely belongs to the first category. Para sa kanya, isang araw lang ito ng commercialized version ng pag-ibig. Walang kakilig-kilig at napakalayo sa true lov...
[45] My Favorite Book
Magsimula sa umpisa