"Pake ko naman kung never ka pang nakapaglaba? Sabagay who cares naman. Tsaka sino bang may-ari ng bahay na to? Diba ako? Tsaka nakikibakasyon ka lang naman dito ha? Kaya wala kang karapatang magreklamo"
"Oo inaamin ko, nakikibakasyon lang ako dito pero di naman po kasi ako nagbakasyon para maging utusan mo diba? Tsaka asan ba labandera nyo?"
"Day-off nya ngayon. Papasok lang sya ulit pag sinabi ko na" sabi nya. "At dahil sa ginawa mo kahapon, pagsisilbihan mo ako hanggang sa umuwi sila mommy"
"ANO?!" Napasigaw na naman ako sa inis."ano un dahil lang sa kiss na yun gagawin mo na kong katulong? Walang ganun kent. Ang big deal naman sayo nun"
"Ikaw ba naman halikan ng pinakapanget sa earth diba? Syempre paparusahan mo yun hahaha" nang-aasar na naman sya kainis. "If you dont do my command. Ako mismo ang magsasabi kay mommy na pauwien ka sa bahay nyo. I know wala ang ate mo dun at di ka marunong mamasahe" shet! Pano to? Di panaman ako marunong umuwi mag-isa tsaka di rin naman ako marunong maglaba. Kaasar talaga tong kent na to. Sarap ipasaga sa ten wheeler truck eh. Pakshet sya -.-
"Bakit may dahilan ka ba sa mommy mo para pumayag syang pauwien ako?"
"Ahh basta. Kung di man papayag si mommy, ako na mismo ang magpapalayas sayo"
"Edi palayasin mo" pangaasar ko sa kanya. Hahatakin nya sana ako palabas ng bahay pero bigla akong nagsalita
"joke lang po kent gagawin ko na. Happy?"
"Good. And for now on, Master na ang itatawag mo sakin at hindi na sa pangalan ko"
"K. Pasalamat ka di ako marunong umuwi mag-isa kung hindi, siguro nakauwi na ako ngayon"
Pagtapos kong sabihin yun, umalis na agad ako sa hell room ni kent este MASTER pala
Nako nako. Maglalaba ako. Paano ba yun?
Nagpunta na ako sa likod ng bahay nila. Naghanda na ko ng mga batsa, mga sabon panglaba at nilagyan ng tubig ang washing machine. Shet anong susunod?
Steps ng paglalaba ko:
1. Una lagyan ng tubig ang washing machine, at pagkatapos nun haluan naman ng sabon panglaba
2. Ilagay na ang mga damit at ikutin ung timer ng 15
3. Pagkatapos umandar ng timer, ilagay naman ang mga damit sa batsa at banlawan doon
4. Pagkatapos pigain, isampay na ito
Tama ba? Feeling ko wala naman akong nakalimutan eh. Nasampay ko naman ng maayos tsaka nalagyan ko na ng sabon ung damit kaya ok na yun. At infernes marunong na ako maglaba. Give thanks sa internet na sinearchan ko. Oo haha nagsearch ako. Para matuto na rin
"ahuhuhu" napaiyak nalang ako nung nakita ko ung mga kamay ko. May sugat kasi eh. Kaasar! alam kong panget ako pero kahit ganun, may karapatan parin naman akong alagaan ang katawan ko. Shet ka Monster este Master. First time ko lang talaga nagawa to
Papunta na ako ngayon sa sala ng lang humarang si kent
"Tabi nga!" Nagrolleyes ako sa kanya
"Tapos mo na ba ung paglalaba mo?"
"Oo malamang. Tignan mo pa eh"
Umalis sya sa harap ko tsaka pumunta kung san ako nagsampay ng mga damit nya
"Ok good"
Aalis na sana ako ng bigla nya akong hatakin. Hobbie nya talagang manghatak noh?
"Bakit?" Tanong ko
"Di ka pa tapos pagsilbihan ako right? Dalan mo ko ng pagkain sa kwarto ko"
"What? Tapos na kaya akong maglaba"
"Gusto mo mapalayas at umuwi ng mag-isa? Diba ang sabi ko pagsisilbihan mo ko hanggang sa makauwi sila mommy? "
"Ito na nga po Master eh. Ano po ba gusto mo?"
"Bakemac, lasagna and chicken. Gusto ko ikaw ang magluto and dont you dare na utusan ang ibang katulong"
Tumango nalang ako. No choice eh. Gaya nga ng sinabi ko, di pa ako marunong mamasahe. Kahit na 17 na ko, never kong naexperience bumyahe mag-isa tapos nakajeep or bus or malataxi man kaya natatakot akong wag sundin si kent
Andito ako ngayon sa kusina at nagpaturo ako kung pano gawin yung bakemac, lasagna, at chicken. May tumulong naman sakin. Grabeh ang hirap pala magluto nito pero mas mahirap maglaba. Hahaha ^_^
Ihahatid ko na pala kay kent tong pagkain nya. Ang bigat naman. ayaw kasi niya na utusan ko ung mga katulong dito
Pakshet naman kasi tong lalaking to eh. Nahalikan ko lang kala mo kung makapang-utos eh. Pasalamat sya at ayaw kong umuwi mag-isa
*tok*tok*tok*
"Come in"
"Pakibuksan po master. Ang dami ko kasi dala eh"
"Inuutusan mo ba ko alalay ko?" Ay ang hard. Alalay daw?
Kelan ka pa nakakita ng rich kid na katulong? aish.
"Sabi ko nga po ako na ang magbubukas"
Binuksan ko ung pinto ng kwarto ni kent kahit mahirap. Muntikan na nga matapon ung lasagna eh
"Ito na po master. Eat your dinner na" natutulog kasi si kent kaya ginising ko na para makakain. Tiningnan ko ung orasan sa taas ng kabinet ni kent, 6:54pm na pala. Makakain na nga rin. Pumunta na ako ng dining room tsaka kumain. Buti talaga nagtabi ako ng lasagna, bakemac, tsaka chicken kung hindi wala siguro akong pagkain ngayon. Bawal nga kasi akong magutos sa katulong diba? Ang hard kasi nito ni Master. Hate ko na talaga sya
Ginawa ba naman daw akong katulong? Bukas kaya? Ano kaya mga iuutos nya. Grabeh naman kasi, 2 weeks mawawala sila tita reese and 2 weeks ko rin pagsisilbihan ung kumag na yun. Mahirap pala maging katulong
Now i realize...*
A/N:Ito na po ha? Hinabaan ko na po. Alam ko po kasing bitin kayo s chapter 1&2. Sana po magustuhan nyo to
Author: MissAeon

BINABASA MO ANG
A PRETTY NERD
Teen FictionKung beautyqueen dati ang mother mo, Dating supermodel ang father mo, Model ngayon ang ate mo, Anong ieexpect ng bunsong katulad mo? 'Pag ba Nerd na Panget ka at pwede ka nang ipangbato sa Ms.ImpaktongNerd 2017, maipagmamalaki mo pa ba ang sarili mo...
Chapter 3: I'll Be His Slave
Magsimula sa umpisa