Man talk!? Anong klase 'yon ha? Ito talagang si Andreau, kung anu-ano na lang ang tinuturo kay Tristan! Kaunti na lang macoconvince na ako na bad influence si Francisco sa batang 'to! What's with the secrecy anyway? Hindi naman ako magagalit kung sasabihin nila sa 'kin ah. Mas mapapanatag pa nga ang loob ko kung gano'n. Ewan ko ba sa mga 'to!
Pinakaweird pa rin si Andreau. He's avoiding the topic for the two whole weeks. Okay, give ko na sa kanya na ayaw niyang pag-usapan; concentrated siya sa pag-eedit ng Tila at sa participation niya doon sa documentary. Bakit pa ba siya magpapakabaliw sa isang bagay na hindi makakatulong sa pag-unlad ng buhay niya, 'di ba? But what bugged me the most was this weird tension around us.. Well, sa kanila ni Tristan. Okay, I therefore conclude Andreau Cortez is a man-child. Bakit ba ang big deal nito sa kanya?
When I brought this up to Kesh.. she just laughed at me. Pinalo niya ako ng makakapal niyang readings sa Abnormal Psychology, followed by a little sermon that goes like this:
Teh, akala mo ka ba mahal mo na? Ba't 'di mo pa rin mapansin?
Pansinin ang alin?
Duh, Andreau's pissed because he was about to ask you on a date!!
Si Francisco? Aayain akong magdate? Imposible!
Ano namang hindi imposible do'n, ha?
He's.. Andreau. He's not romantic. He's waaaay far from being a romantic.
At this point pinandilatan na niya ako.
SI ANDREAU HINDI ROMANTIC!? YUNG TOTOO, BULAG KA BA? God, Zades! I know Andreau's a bit emotionally and verbally constipated when it comes to you pero.. Goodness, nakakaloka kayong dalawa.
Ikaw lang ang nag-iisip na gusto niya akong ayain for a date, Kesh. Tsaka busy yung tao sa editing. Magagawa pa ba niyang isingit ang isang Valentine's Date?
Girl.. ito lang ha. Sinong kasama mo noong Valentine's Day for the past two years?
Uhhh... ikaw.
Wrong answer! Mag-isip ka nga!
Uhhh... si Andreau?
(Bigla kong naalala yung first kiss naming dalawa sa ref. Well technically that happened on February 15.. Pero.. aaahhh!!!)
Ano namang connect no'n, Kesh?
Zades.. The guy conquered his phobia just to save your grandmother. Sa tingin mo ba hindi niya magagawa ang simpleng date para sa 'yo? Think about it.
See? Si Kesh lang naman ang nag-iisip na gusto akong i-date ni Andreau sa Valentine's Day. May three reasons ako kung bakit hindi ako naniniwala sa sinabi niya.
Andreau's a busy person. Sure, give na natin na efficient multi-tasker siya, pero I'm sure hindi kasama sa Gantt chart niya ang isang Valentine's Day.
He knows I hate this day. Pinag-usapan na namin yan last year at malamang naaalala pa rin niya 'yon. He won't push it.
Makasarili na 'tong last reason: ayokong umasa. Masakit 'yon at nakakasira ng bait. Ang dami kong ginagawa ngayon at 'di ko afford ang masaktan dahil umasa ako.
So there, hindi ko na lang pinansin ang dramahan ni Andreau. Ginaya ko siya actually. Kunwari hindi ako bothered sa kaweirduhan niya sa date namin ni Tristan. Binisita ko siya sa editing ng second cut ng Tila noong Thursday, just two days before Valentine's. Sumakto pa na nandoon sina Kami at Eddie, at chinika-chika pa kaming dalawa kung saan daw kami magcecelebrate ng V-Day. I swear, I would never forget Kami's disappointed face nang sabihin ko sa kanya na hindi si Andreau ang kasama ko sa Sabado at may iba akong ka-date. Si Eddie nga rin, mukhang nalungkot na ewan. Si Andreau? Ayun, with his broody face on at sobrang tahimik sa pagtulong sa editing ng thesis niya.

BINABASA MO ANG
The Spaces In Between
General FictionThe thing with Valentine's Day is, either you hate it or you love it. And Zade Pascual definitely belongs to the first category. Para sa kanya, isang araw lang ito ng commercialized version ng pag-ibig. Walang kakilig-kilig at napakalayo sa true lov...
[47] Of V-Day Madness and Second Dates
Magsimula sa umpisa