抖阴社区

                                    

"Okey. You are an enough reason. You know why?"

I remained silent at the same time is nervous.

"You are the only reason behind all the reasons. And I have the reason why I should protect you. Maybe a reason of wreck. You are a hinder. But a reason will make you still alive. A reason that no one will not have a guts to against with."

Hel left me hanging. Kahit na ano sa mga sinabi nya ay wala akong nakuha. Ang tanging naintindihan ko lang ay ako ang dahilan. Pero bakit?

"Let's go?"

Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko na ngayon. Isang lalaking isa rin sa mga dahilan kung bakit ako nasa labas.

I want to ask him but it seems that I was too weak to open my mouth. Basta ang alam ko lang ay nakaalalay sa akin si Dave.

Alam kaya nya? Sigurado pero ano na ba ang nalalaman nya? Ano rin ba ang rason nya kung bakit nasa labas sya ng ganitong oras?

"He is really as scary as shit. Ni hindi na nga ako nakagalaw sa kinatatayuan ko kanina at hinintay ko pang makaalis sya bago ka makuha e." Dinig kong sambit nya.

So, narinig nya rin ang lahat?

Sigh!

This information is too much to handle. Hindi ko alam na magkakaganito ang lahat. Ang plano ko lang ay alamin ang ginagawa nila sa labas bawat gabi--- Oo nga pala, ano ba ang gagawin nila tuwing ganitong oras? Dapat ay nagduda na ako pero kasi, hindi ko sila magawang pagdudahan.

'Pagkarating namin sa dorm ay ganon parin ang dinatnan namin, tulog pa rin ang dalawa. Sigh.

Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig. "Hindi ka dapat lumalabas ng ganitong oras." Dinig kong pangaral sa akin ni Dave.

Muntik ko ng ibuga sa mukha nya ang tubig.

"I should be the one to say that!" Pigil ang inis na ginagawa ko baka magising pa ang dalawa. "What are friends for? For lying? For pretending? For keeping a secret? Well that's not friendship. That is a bullshit." I almost cursed in disappointment.

"You don't know anything."

"Because you didn't say this things."

Pabagsak na ibinaba ko ang baso at nilagpasan sya. Umupo ako sa sofa at isinandal ang aking likod.

"Hindi namin sinabi kasi ayaw namin kayong madamay."

"It will never be a reason. There is no reason to keep this shit. Tell me, anong ginagawa mo sa labas?"

Iniwas nya ang kanyang tingin kaya mas naningkit ang aking mata. "Hindi mo sasabihin?" Tanong ko.

"I shouldn't be the one to s-"

"Fine!"

Bumuntong-hininga ako at kinalma ang aking sarili. Isa pa 'yong si Jerome. Where the hell is him? Hay.

"Keep this a secret." Mainahon kong pakiusap. "Wala kang sasabihin sa kanila sa nangyari ngayon. Matutulog na ako." Dumiretso na lang ako sa kwarto namin at dahan-dahang humiga sa kama.

Tumihaya ako at tumig sa kisame.

Matthew, bakit?

Kinabukasan ay halatang pagod ako at hindi nakatulog nang maayos. I tried to sleep but the heck I can't. Lot of things is bothering me. I want to forget everything and act as if I nothing happened but it was so hard.

Napabuntong-hininga na lang ako. Itinago ko ang aking sarili sa secret garden kung tawagin ko. Bihira lang kasi ang narito at ngayon ay ako lang mag-isa. Payapa ang paligid, dinig na dinig ko ang pagpagaspas ng mga puno at huni ng mga ibon na nagpapagaan ng pakiramdam ko.

I tried to act normal infront of them, especially on Matt. Pero mahirap talaga, mahirap magpanggap na wala akong alam. Mahirap magtago ng saloobin at pakiramdam ko ay sasabog na ako kahit na anong oras.

"Meow."

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang tumalon sa tabi ko ang itim na pusa. For the nth time! Ginulat na naman nya ako!

Naningkit ang mata ko. Bakit parang sinusundan nya ako? Coincidence lang naman siguro. Hindi naman pwedeng sundan ako ng pusang ito dahil hindi naman nya ako amo.

"Halika nga," Kinuha ko ito at ipinatong sa aking hita. Hinaplos ko ang balahibo nito.

"Sinusundan mo ba ako?" Tanong ko sa kanya. "Bakit kailangan mo pang manggulat?" Muli kong tanong.

Napahalakhak ako ng dilaan nya ang kamay ko. Nakikiliti ako kaya hindi ko maiwasang mabatukan sya.

"Haha. Ang kulit mo!" Muli ko syang binatukan.

"Meow."

"Anong pangalan mo?" Tanong ko.

Kung may nakakadinig lang siguro sa akin ngayon ay malamang na iisipan nilang nababaliw na ako para kausapin ang isang pusa.

"Alam ko na!" Lumawak ang ngisi ko nang makaisip nang maaring ipangalan sa kaya. "Hoy!" Gulat ko sa kanya na bahagya nyang ikinaatras.

Mahina akong natawa sa ginawa ko. "Ngayon alam mo na ang feeling na ginugulat?" Natatawang tanong ko.

Nababaliw na ako.

"Magmula ngayon Hoy na ang pangalan mo. Doon ka naman magaling hindi ba?"

"Meow."

Muli kong hinaplos ang kanyang balahibo. Pinagmasdan ko lang ang pag-ikot nya sa aking hita. Aampunin ko na lang sya habang wala pa ang amo nya.

"I will adopt you for temporary. Huwag ka lang sanang multo. Naku lang."

Naalala ko kasi ang kwento sa akin ni Ate Allison tungkol sa multo na nagpapanggap na pusa.

"Are you done talking to your cat?"

Napaigtad ako sa gulat dahil sa pagsulpot ni Supremo sa aking harap. Naningkit ang mata ko nang makita ang ayos nya.

"Nagsuklay ka ba?" Kunot-noong tanong ko.

Namula ito at bahagyang nag-iwas ng tingin. "H-Huh? Bakit mo naman natanong?" Tanong nya.

Hindi ako maaring magkamali. Alam na alam ko ang ayos ng buhok ni Supremo na hindi nagsusuklay.

"Nagsuklay ka e- Teka? Woa! Ano 'yong naamoy ko?" Tanong ko. Lumapit pa ako nang bahagya sa kanya para makumpira ang hinala ko. "Aha! Nagpabango ka!" Parang timang na sambit ko.

Halos hindi na sya makatingin sa akin at sobrang pula ng mukha nya.

"A-Ano naman ngayon?!"

"Ang gwapo." Napatakip na lang ako sa aking bibig matapos kong masabi 'yon.

"R-Really?"

Nahihiyang napatango na lang ako.

"Handsome than Matth- Lets go!"

Biglang bumalik sa pagkacold ng kanyang tingin at aura. He somehow reminds me of Raze.

"Isasama mo 'yang pusa?" Turo nya kay Hoy na bitbit ko.

"Masama ba? Saka, may pangalan sya. Hoy!"

"Insane." Mahinang banggit nya ngunit malinaw na narinig ko. "Tara na." Muli nya akong hinila.

Agad na naagaw ng isang tao na nakatayo hindi kalayuan sa amin ang aking atensyon. Kung dati ay ngingitian at kakawayan ko sya ngunit ang ginawa ko ngayon ay nilagpasan lang sya ng tingin.

I ignored, Matt.

Ang sikip sa dibdib.

Hell University (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon