抖阴社区

{ TBUP -5: I saw her }

Magsimula sa umpisa
                                        

Tss, alam ko namang nasasaktan din ‘to eh. Haay, pareho lang pala kami ng sitwasyon dito. Pareho lang kaming hindi maka-get over sa mga ex namin. Ang bitter pa naming dalawa to the point na gumawa pa kami ng deal para mapaghiwalay si Chron tyaka ‘yung girlfriend niya.

Tumabi ako sa kinauupuan niya.

Wala ba tayong gagawin?” Tanong ko sa kanya.

Bakit ako ang tinatanong mo? Di ba ikaw ‘yung magse-seduce sa kapatid ko?

Ay oo nga pala. Ano naman kasi ‘yung word na ginamit niya! Seduce! Mukha naman akong pokpok sa word na ‘yun. Aish, paano ko ba gagawin? Eh baka isipin nung Chron na ‘yun na baliw pa rin ako sa kanya, kahit naman totoo ayokong ipahalata nu! Nakakahiya >_____<

Hindi ko alam kung paano eh.

Kaya mo ‘yan.” Tapos lumabas na siya ng room.

Lumapit ako kay Best Carmeen para mapagbuhusan ng sama ng loob. Pumunta kami sa canteen, dahil doon walang stress! Puro pagkain lang!

Best! Punyeta lang! Nakita ko siya!!” Iyakan mode na naman.

Sinong siya?

Yung girlfriend ni Chron.

Ah ‘yung Selene? Nakita ko na rin siya, ang ganda nga niya eh.

PUCHA! Oo na! Maganda na siya! Ipangalandakan ba naman sa mukha ko? Eh di siya na maganda! Siya na mabait! Siya na ang girlfriend ni Chron! Punyetang ‘yan >.<

Hoy Carmeen, sinong bespren mo? Ako o ‘yung Selene?” Sabay taas ng kilay ko.

Ikaw.

Best naman eh! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para makalimutan ko siya.

Akala ko ba may ‘deal’ kayo ni Psyche?

Di ko alam kung paano ‘yun best. Haay, ang ganda-ganda nung Selene eh. Mukhang desente tyaka mabait. Parang lahat na nasa kanya. Best ang perfect niya.” Tapos umiyak na ako ng bonggang-bongga!

Best tahan na. Nakakahiya ka rito! Makaka-get over ka rin dyan. Tignan mo na lang ‘yung mga nasa shed.

Tinuro ni Carmeen ‘yung mga nasa shed. At bingo! Mga couples. Amff >______< Gaguhan ba?! Tamang-tama bad trip ako ngayon. Sa inyo ko ibubuhos ang lahat ng galit ko!

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon