抖阴社区

{ TBUP -28: Thank you }

Magsimula sa umpisa
                                        

So sasama pa ako sa bahay niyo?” Tanong ko sa kanya.

Oo.” Sagot niya habang sinusuot ‘yung bag niya.

Ano?! Ayoko nga! Uuwi na ako! Bahala ka sa buhay mo! Tapusin mong lahat ‘yan! Basta ako, uuwi na!

Agad kong kinuha ‘yung bag ko at tumakbo papalapit sa door knob nang bigla siyang nagsalita…

Iiwan mo ako?

Alam niyo ‘yung tono na parang nagpapaawa ng bonggang-bongga?!  Yung parang batang ayaw mong isama sa lakad mo kaya nagpapaawa ng parang aso?

Relax lang Scarlet. Inhale, exhale! Huwag kang maaawa! Pakialam mo ba kung hindi niya matapos ‘tong mga gagawin niya? Pakialam mo ba kung matanggal siya sa Student Council? Pakialam mo ba kung malungkot siya at –Damn! Malulungkot siya!

Yaaaa! Hindi ko na alam ang gagawin ko! >______________<

Lumingon ako sa kanya at ‘yung aura niya! Gash nakakaawa! Pagod na pagod na ewan! Puteeek!

Oo na! Akin na nga ‘yan!” Tapos kinuha ko ‘yung hawak niyang mga papel. Yung kalahati lang ng pile syempre.

Naglalakad lang kaming dalawa papalabas ng school eh hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Sigurado ako, super stressed na siya at feel na feel ko ang pagod niya. Hindi ko alam pero kapag naiisip ko ‘yung dapat na gagawin ko mamaya, ‘yung pagtakas sa kanya eh nakokonsensya ako. Siguro kung iniwan ko siya baka mamatay siya sa sobrang pagod.

Haays, kelan ba ako nagkaroon ng simpatya sa taong ‘to? Wala lang naman siya sa akin ‘di ba? Kakilala ko lang siya, kaklase ko lang siya, ‘yun lang naman ‘di ba? Ni hindi ko nga siya kaibigan eh.

Hindi ko ine-expect, walking distance lang pala ‘tong bahay nila Chron.

Tatawid na tayo.” Sabi niya.

Ano raw? Tatawid? Bakit tatawid pa? Anong…?!

Buset hindi ko alam tumawid!! Shit!

Bakit tatawid pa?!” Naguguluhan kong tanong sa kanya.

Kasi, ‘yun na po ‘yung bahay namin.” Sabat turo niya sa bahay nila na nasa tapat na namin kaso kailangan pang tumawid.

Nauna na siyang naglakad at tumawid pero ako para pa ring nasemento sa kinatatayuan ako. Damn! Hindi ko alam tumawid! Takot akong tumawid! Tapos ang dami-dami pang sasakyang dumadaan! Paano kapag namatay ako?! Paano kung nabundol ako katulad ni –

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon