抖阴社区

{ TBUP -73: Let's Just End This }

Magsimula sa umpisa
                                        

Habang hindi pa rin mapakali ang isip ni Zico. Kahit patuloy ang kwentuhan nila Yanna at ng ama nito ay hindi niya magawang makinig at makisali. Paano ba naman niya magagawa iyon eh alam niyang ang babaeng mahal niya ay nasasaktan nang dahil sa kanya. Nang dahil sa kagaguhan niya noong makasarili at masama pa siya. Pati nga ang anak niyang kandong-kandong niya ay hindi niya magawang pansinin dahil ang puso’t isipan niya kay Ericka ang focus.

Zico? Nakikinig ka ba?” Tanong ni Yanna sa kanya.

Noon, ang boses na iyon ang pinakamagandang tinig para sa kanya. Noon, ang mukhang iyon ang pinakaperkpekto. Noon, ang babaeng iyon ang pinakamamahal at halos sambahin niya—pero ngayon, tila ba kahit anong tawag at ngiti ng babaeng iyon ay wala ng epekto sa kanya. Tila ba wala na siyang pakialam. Tila ba wala na siyang maramdaman. Iyon marahil ang mga patunay—na tunay ngang napalitan na ni Ericka ang pwesto ni Yanna sa puso ni Zico. Hindi lang napalitan—nahigitan pa.

Ibinaba ni Zico si Baby Zee at agad na tumayo. Ikinagulat iyon ni Yanna pero parang wala na lang sa ama nitong si Sev dahil inaasahan na niyang gagawin iyon ng anak. Alam ni Sev ang takbo ng pag-iisip ng anak. Alam niyang mahal nito si Ericka at wala itong pakialam sa mag-inang umaasa na nasa harapan niya.

Zico…” Tawag ni Yanna pero bingi si Zico pagdating sa kanya.

Tumalikod na ito, “Anak!” Tawag ng ama nitong si Sev. “Nag-uusap pa tayo! Bumalik ka sa pagkakaupo!” Parang asong inutusan ni Sev ang anak. Subalit, buo na ang desisyon ni Zico.

I know how to handle my responsibilities but at least let me follow where my heart is…” Sambit ni Zico bago tuluyang lumabas ng mansion.

Napahawak na lamang si Tito Sev sa kanyang noo. Hinilot-hilot niya ito. Alam niya na kahit anong utos at sigaw ang ipukol niya sa anak—alam niyang buo ang desisyon nito. Alam niyang na kay Ericka ang puso nito.

Sandaling nabigla si Yanna subalit nanaig ang lungkot sa kanya. Hindi niya maintindihan—o talagang ayaw niyang intindihin—ayaw niyang masaktan.

--Ericka’s Pov--

 

Fvck sht! Bakit ang sakit?! Bakit ang sakit-sakit?! Akala ko okay na eh! Pumayag na si Mama! Pumayag na si Tito Sev! Wala ng forbidden love! Wala ng ‘just siblings’ drama! Pero ano ‘to?! Bakit may bigla na namang susulpot?! Matatanggap ko pa sana kung isa lang sa mga ex niya na naghahabol sa kanya katulad ng mga dramang napapanood ko pero—may anak eh! May kasamang bata! Sa tingin niyo, paano ako lalaban kung alam kong simula pa lang talo na ako?! Putangina, ang sakit!

Umiyak lang ako ng umiyak habang yakap-yakap ako ni Mama. Ano pa bang gagawin ko? Tumawa ng malakas? I-congratulate sila? Tanginang ‘yan! Nasasaktan ako at hinding-hindi ako magpapaka-martyr! Kaya eto, iiyak na lang ako. Pero pucha! Sa lahat ng sakit na naramdaman ko ito ata ang pinakamasakit. Pakshet! Umaasa na ako! Andun na eh! Tapos biglang may eentrada?! Tangina talaga!

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon