"Manalig ka, Zein." Sambit ni Mia na nakaluhod sa sahig at nakadikit ang mga palad habang nakatingin sa taas.
Sumunod naman sa kanya si Dave. "Manalig tayo." Sambit pa nito habang nakatingin kay Mia. "Magmahalan tayo." Sambit nito habang nakatingin kay Mia na ikinalingon ni Mia.
"H-Huh?"
Biglang nag-iwas ng tingin si Dave at itinuon sa taas. "Manalig tayo." Bawi nya na ikinatawa ko.
Damn! Nakakawala talaga ng lungkot ang mga bruha at bruhong mga ito.
Nagtatawanan kami nang biglang umungol si Matt kaya napatingin kami sa kanya. "Anong masakit sa'yo?! Matt! Ayos ka lang?!" Nag-aalalang tanong ko.
"A-Aray Zein. Yung braso ko, naupuan mo."
Mabilis na napatayo naman ako nang mapagtantong naupuan ko na pala ang braso nyang may sugat pa rin. "S-Sorry." Nahihiya kong sambit.
"Buti naisipan mo ng imulat ang mata mo." Natatawang sambit ni Jerome na gulo-gulo ang buhok.
Mukha syang ginahasa habang si Vanessa ay nagpipigil lang ng tawa na nakatingin sa kanya.
"Huh?" Nalilitong tanong ni Mia.
"Kanina ka pa gising e. Gusto mo lang makatabi pa si Zein kaya hindi ka nagmumulat ng mata." Panunukso ni Dave na humagalpak.
Namumulang binato ng unan ni Matt si Dave na mabilis na inilagan ito. "Ahh!" Atungal nya ng mapwersa ang kanyang braso sa pagbato.
"Huwag ka nga munang gumalaw!" Pagsusungit ko sa kanya bago sya inalalayang makaupo.
Hindi mawala-wala ang ngisi niya sa akin at parang gusto kong hampasin sya ng unan. Anong nakakangiti? Psh.
"Labas muna kami a." Ani Vanessa na tinanguan ako. Nagets ko naman ang sinabi nya kaya ngumiti na lang ako.
"Huh? Ayoko! Dito lan-"
"Huwag ng makulit." Hinila na ni Vanessa si Jerome palabas habang sina Dave at Mia ay sumunod na lang sa kanila.
Ilang minuto nang nakaalis na sila at hindi pa rin kami nag-uusap ni Matt.
"Sorry," Napatingin ako sa kanya nang magsalita sya. "Sorry kasi naglihim ako sa iyo, sa inyo. Sorry kasi kinailangan kong itago ang lahat." Mapait na sambit nya.
Umiiling na umupo ako sa tabi nya. "Hindi. Ako dapat ang humingi ng tawad." Lumunok ako bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Nangako akong magtitiwala sa'yo pero sinira ko. Sorry kung pinagbintangan kita. Sorry kasi sinira -" Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko.
Naramdaman ko ang paggalaw ng kama bago ko naramdaman ang pagbalot ng kamay ni Matt sa aking kamay.
"Naiintindihan ko, Zein. Hindi ako nasaktan. Alam mo kung ano ang masakit?" Napaangat ako ng tingin at napatingin sa mga malungkot nyang mata. "Masakit na makitang umiiyak ang babaeng mahal ko." Dugtong nya.
Sandaling tumigil sa paggalaw ang utak ko at parang may sumagabal na ano roon. Nanatiling nakatingin ang mga mata kong nagtatanong kay Matt.
"A-Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ko.
Hindi ko maintindihan kahit na ang ikli lang ng sinabi nya. Hindi ko ba talaga maintindihan o ayaw kong intindihin?
"Pero alam kong may nakapuna na sa puso mo. Alam kong sya." Hinawakan nya ang pisngi ko para punasan ang luha roon. "I am happy for you. Finally." Halos pabulong na dugtong nya.

BINABASA MO ANG
Hell University (PUBLISHED)
Mystery / ThrillerA place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything will blur. A lot of secrets are being hid. Not the typical school to have fun. Death is everywhere. Bad...
Chapter 35
Magsimula sa umpisa