Sinukat niya ako gamit ang tingin. Alam kong hindi pa siya susuko ngunit nang humugot siya ng malalim na hininga ay tila ba uurong na siya.
Baka na-realize niya na wala naman pala talaga siyang pake sa problema ko.
"Mga taga-Maynila. Inaasahan ko na ito... Kung mahal ka noon, hindi dapat 'yun bastang nagseselos. Dapat may tiwala. Hindi ako magugulat kung ilang linggo o araw lang ang ligawan ninyo. Mga mayayaman..." Sabay talikod niya.
Wait a minute... Did I hear him right?
Halos mapunit na ang mukha ko sa sobrang inis sa sinabi niya.
How dare him accuse us like that? Hindi tama iyon! Wala siyang alam sa amin para akusahan kami nang ganon-ganon lang! Minamaliit niya ang mga pinagdaanan namin ni Colt!
Pagmamahal? Selos? Tiwala? Ilang araw na ligawan? Mga mayayaman?
I felt a fraction of chill in my spine. Bullshit! He knew nothing but the incident earlier! Ni hindi nga niya alam na simula bata pa lamang kami ay nililigawan na ako ni Colt!
Frustrated kong sinara ang pinto. Hindi ko na ininom ang gatas na binigay niya. Tutal naman ay mukhang alibi niya lamang ang gatas na iyon para manglait! I won't take cursed stuff. Never.
Humiga na ako at pinilit matulog. Hindi pa yata sapat ang pagbibilang ng mga tupa sa aking isipan para tuluyan na akong makatulog.
Why is it so hard? Ganoon ba talaga kahirap matulog kapag maraming iniisip at bumabagabag sa'yo?
I decided to explain my side through a text message. After saying my apology, I sent another message that says my I love you and good-night.
Nakatulog na lamang ako sa pamamagitan ng pagpilit sa sarili.
Masakit na sa mata ang sikat ng araw nang bigla akong magising dahil sa mga katok sa aking pinto. Halos mapabalikwas ako sa lakas noon!
"Shit..."
Dinampot ko ang pinakamalapit na unan sa akin at pinangtakip iyon sa aking tenga. My eyes were afflicted by the painful sunlight coming from my window. Tinalukbong ko ang comforter sa buong katawan hanggang ulo.
"Coleen!"
"What?!" I flinched.
Padabog kong inalis lahat ng nakabalot sa katawan ko at tumayo para buksan ang pinto. I don't care if I'm an epitome of mess right now. I just want to face this annoying jerk infront of me.
Nang buksan ko na ang pinto ay agad na dumapo sa akin ang mga mata niya. Napapikit siya at hinilot ang sentido.
"I'm calling for you nonstop, Coleen. For Pete's sake..." aniya.
Damn you, Romeo.
Halata naman sa boses niyang pinipigilan niya lang na magalit sa akin. Napaisip ako kung bakit. Siguro ay dahil may utang na loob siya sa mga magulang ko dahil pinatira namin siya rito nang pansamantala.
Napairap ako. "I'm sleeping!"
Tinigil niya ang pagmamasahe niya sa kanyang ulo. Tinignan niya ako. Tingin na para bang may nasabi akong katangahan sa kanya.
Nilagay niya ang kanyang siko sa pintuan kaya napaatras ako nang bahagya. He's just too close for God's name!
"You'll forgot that reason of yours, I bet..."
"And why is that?" Bumuntong-hininga ako.
"Your boyfriend's waiting for you downstairs..." walang emosyon niyang sinabi.
Umigting ang kanyang panga.
Dahil doon ay parang nagdilang-anghel siya dahil totoong tila nawala sa isipan kong naudlot ang mahimbing kong tulog.

BINABASA MO ANG
Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)
RomanceColeen Allester and Colt Vincent Fabian were childhood sweethearts. They were inseparable. For almost 10 long years, everybody expected a very perfect ending for this lovable and charming couple. With their Yaya Planets (Yaya Jupiter and Yaya Mars)...
POHEO 8
Magsimula sa umpisa