抖阴社区

                                    

Nilagpasan ko siya at nagmadaling bumaba para lang maabutan si Colt. Darn! Wala pang bente-kuwatro oras na hindi kami nagkikita ay miss na miss ko talaga siya!

Hinihingal akong tumigil sa may sala. Nilagay ko ang mga kamay sa baywang. Kumunot ang noo ko.

Pinasadahan ko pa ulit ng tingin ang buong paligid ngunit wala talaga akong Colt na nakita! What the heck is the meaning of this?!

Nag-igting ang aking mga ngipin nang marinig ko ang mga hakbang na pababa sa staircase. And there I saw Romeo. Prente siyang bumababa habang nakalagay ang mga kamay sa bulsa.

Nagtama ang mga tingin namin. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang inis.

"Where is he? Are you really messing around with me?" Dinuro ko siya.

Nang tuluyan na siyang nakababa ay pinasadahan niya rin ng tingin ang buong paligid tulad ng ginawa ko kanina.

Kumunot ang kanyang noo bago bumaling sa akin.

"Fume not, Señorita. For I am innocent for just knocking you upstairs. Malamang ay natagalan iyon at sumuko. Gano'n ba talaga ang mayayaman?"

'Yan na naman siya sa pagiging judgemental niya.

Binigyan ko siya ng matalim na tingin bago siya nilagpasan nang tuluyan. Hindi ko na yata matitiis pa ang kahambugan ng lalaking iyon! I had enough! Mas mabuti pang huwag na lang kausapin at pansinin. Leche.

Isipin na niya ang gusto niyang isipin tungkol sa relasyon namin. Wala na akong pakialam sa opinyon niya! Such a waste of time. That arrogant asshole!

So, 'yun. Hindi ko maramdaman ang sarili ko habang naglalakad patungo sa kitchen. Pakiramdam ko, lumulutang ako. Ang bigat ng loob ko. Kailangan ko pang makahanap ng tamang solusyon para suyuin si Colt.

"Coleen!" ani Yaya Jupiter nang makita ako.

Tinango ko ang aking ulo.

Lumapit ako sa may ref para kumuha ng tubig at uminom. Sumandal ako sa sink habang gumuguhit ang malamig na tubig sa aking lalamunan. Nakalimutan kong wala pa akong kinakain. Hinayaan ko na iyon.

"Yaya..." ani ko sabay lapag ng baso sa may sink.

"Akala ko ba ay kasama mo na si Vecinto?" Pinunasan niya ang kanyang kamay. May kung ano sa kanyang mga mata na parang nagtataka o nagtatanong.

So he really came here, doesn't he?

"Hindi ko na po siya naabutan, Yaya..." mahina kong sambit.

"Aba'y puntahan mo sa kanila! Ano bang problema ninyong dalawa? Hala! Ayusin ninyo iyan!"

"Opo, Yaya."

"Bakit hindi mo pa puntahan? Kapag nakababa ka na raw ay sumunod ka sa kanila. Akala ko ay nasabi na sa iyo ni Rom..." aniya.

Napanguso ako.

Iyon ang ginawa ko. I bun my hair. Hinayaan ko na muna ang pajama at racerback na pantulog ko dahil hindi naman malayo ang kanila.

Nakasalubong ko pa si Romeo sa may sala na tila busy sa pag-aasikaso ng mga papel. I don't know exactly what he's doing ngunit ang alam ko ay para iyon sa kanilang lupain.

Inangat niya ang tingin sa akin kaya nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Walang emosyon niyang binalik ang kanyang atensiyon sa mga papeles na nakalatag sa mesa. Nagkibit na lang ako ng balikat.

Pagkarating kina Colt ay dumiretso na ako sa kanyang kuwarto. Wala siya sa sala o sa kusina. Si Yaya Mars ay paniguradong nasa hardin sa mga oras na ito. Si Colt nama'y nasa itaas panigurado.

Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon