"Can't you see?! Habang nasa tabi ka nya ay mas nahihirapan sya. Pinapahirapan mo lang sya. Pahirap ka lang!"
"OO! ALAM KO!"
Nagulat sya sa pagsigaw ko. Nanginginig ang labi ko hindi dahil kay Angel kundi dahil sa katotohanang tama sya. Alam ko naman 'yon e. "Sa tingin mo natutuwa ako?! Huh?! Kung nahihirapan si Supremo mas lalo ako! Nasasaktan akong nakikita syang nahihirapan." Naramdaman ko ang pagpatak ng luha sa mata ko.
Nanginginig ang buong katawan ko, maging ang puso ko na parang sasabog na. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Hindi ko kayang iwan si Supremo, hindi ko rin sya kayang nakikitang nasasaktan. Parang nasa isang silid ako kung saan may dalawang pinto... kahit na anong piliin ko ay masasaktan ako. Parang... parang mas gusto ko na lang makulong sa loob. Natatakot akong mamili.
"Kasalanan mo naman e. Kung hindi ka sana napalapit sa kanya, edi sana hindi ka nahihirapan!"
"This is not my fault! This is a fucking accident.." Humina ang boses ko kung saan kumawala ang sunod-sunod na hikbi. "Hindi ko ginusto na maging ganito ang lahat... aksidente lang lahat." Parang sirang plakang paulit-ulit na lumabas sa bibig ko.
Aksidente naman talaga ang lahat. Hindi ko ginustong makulong dito, hindi ko ginustong magtagpo ang landas namin... biktima lang din ako sa aksisenteng ito. Biktima ako ng mapaglarong kapalaran. Fuck!
"Layuan mo lang sya. Babalik sa dati ang lahat."
Mariin akong napailing. Kailanman ay hindi na maibabalik ang dati. Nangyari na ang dapat nangyari. Hindi ko na kayang ibalik ang dati... ang dati na wala lang sa akin si Supremo... ang dating hindi pa sya importante sa akin... ang dating wala pa akong pagtingin sa kanya. Ang dating kailanman ay hindi na maibabalik pa.
"Sorry..." Ang huling narinig ko sa bibig ni Angel bago nya isinara ang pinto.
Tumakbo ako papunta sa pinto ay pilit na binubukas ito ngunit nakakandado na.
Napahagulgol na lang ako ay hinayaang padausdusin ang sarili pababa.
Niyakap ko ang aking binti habang humahagulgol... nakatingin sa kawalan.
Hindi ako takot sa dilim, mas gusto ko ang dilim kesa sa liwanag dahil sa dilim ko naitatago ang lahat ng hindi ko maitago sa liwanag. I love in the dark pero ngayon hindi ko maiwasang matakot.
Natatakot ako na baka hindi ko na muling makita pa ang liwanag dahil napagtanto ko rin na sa liwanag ko natagpuan ang isang taong pumuna sa pagkatao ko.
I am in the dark and I badly want to see the light. My light... my Supremo. Ace.
Nawalan na ako ng iluluha at hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nakaupo roon.
Kailangan ko ng mamili. Hindi ako kailanman maaring manatili sa gitna. Kailangan kong mamili at tanggapin ito ng buo.
It's either to forget or to stay. To hurt or to be hurt.
Ano na, Zein?
Nakarinig ako ang paggalaw ng lock sa labas kaya mabilis na tumayo ako at lumayo sa pinto para hindi matamaan kung sakaling pwersahang buksan 'to.
Napakalakas ng kalabog ng puso ko. Masisilayan ko ng muli ang liwanag sa labas at kailangan ko na namang maging matatag sa harap nila kahit na bumigay na ako sa loob.
Biglang bumukas ang pinto at dalawang tao ang tumambad sa akin.
Sumobra ata sa sikip ang dibdib ko at parang hindi na ako makahinga.
"Zein?! Ok ka lang?!"
Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Supremo ngunit nanatili ako sa posisyon ko at nakatingin sa lalaking nasa likod nya.
Kumalas sya sa pagkakayakap at tumitig sa mata ko. Naramdaman ko na naman ang pag-init ng gilid ng mata ko.
"Z-Zein?"
Nalaglag ang panga nya nang hawiin ko sya at lumapit kay Matt. Nagulat si Matt nang yumakap ako sa kanya kasabay ng pagkawala ng hikbi sa bibig ko.
Hindi pa ako nakapili... ayokong mamili. Gusto ko munang lumayo kay Supremo, kailangan kong malinawan dahil kapag nasa tabi nya ako ay tanging makasama sya ang naiisip ko.
"Z-Zein?" Nalilitong wika ni Matt.
Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan sya sa kamay para umalis na roon.
Bawat na hakbang na ginagawa ko kasama si Matt at palayo kay Supremo ay parang tusok sa puso ko.
Ang sakit.
Hindi ko napigilang sumulyap kay Supremo na seryosong nakatingin lang sa amin but there I saw.... pain.
Napapikit ako at binitawan ang kamay ni Matt para tumakbo pabalik kay Supremo.
Sinalubong nya ako ng yakap at ginantihan ko 'yon. Damn! This is fucking wrong but the hell I just can't step away from him.
"Supremo, I can no longer fight."
"Hindi mo kailangang lumaban, ako ang lalaban para sa'yo."

BINABASA MO ANG
Hell University (PUBLISHED)
Mystery / ThrillerA place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything will blur. A lot of secrets are being hid. Not the typical school to have fun. Death is everywhere. Bad...
Chapter 43
Magsimula sa umpisa