抖阴社区

                                        

"I told yah..." Walang buhay kong wika sa kanila.

"Para saan naman ang general meeting na 'yan?" Tanong ni Vanessa.

Nagkibit-balikat na lang ako dahil maging ako ay hindi alam ang rason.

Ilang buwan na rin matapos magkaroon ng general meeting at 'di naging maganda ang nangyari no'n. Ano na naman 'to ngayon?

Ano na naman ang pinaplano nila?

"Pwede naman sigurong 'di tayo mag-attend, 'di ba?" Bored na wika ni Vanessa na nakakapit sa braso ko.

Nagpasama pa kasi sya sa cr at nauna na sina Mia, Jerome, Matt at Dave. Maging ako ay hindi interesado sa kung ano man ang dahilan ng general meeting na 'to pero may part sa akin na kailangan kong marinig 'yon.

Kung ano man 'yon ay kailangang makita at marinig ko mismo. It might be bad or worst still... I am curious.

"Pwede naman... Huwag ka lang papahuli kay Supremo."

"Paano kung mahuli ako-- Oh! I'm safe naman kahit mahuli ako... kasama naman kita e."

Napailing na lang ako sa katwiran nya. Kung gusto nyang maparusahan... sya na lang. Sawa na ako sa parusa. Psh.

Pagkarating namin sa gymnasium ay katahimikan ang bumungad sa amin. Sinenyasan naman ako ni Vanessa na pupunta na sya sa mga kaibigan namin habang ako naman ay sa front seat... katabi ng lalaking nakapikit habang nakasandal sa upuan.

He looks really tired. What the hell! Naiinis ako sa sarili ko! Damn it.

Nginitian naman ako ni Vice Ty nang magtama ang mata namin. Hindi naging madali para sa akin ang umupo sa harap... katabi ng lalaking nakapikit pa rin na mukhang inaantok pa.

Bakit kaya?

Maybe because they were together the whole night. Sana aware ka pa rin na hindi ka maaaring mainvolve sa kahit na sino or kung mainvolve ka man... labas na ako. I won't take the blame anymore. I did what's right and the rest is your choice.

Maya-maya lang ay dumating na si Madame Violet, Francisco, Principal at isang lalaking familiar sa akin. Saan ko nga ba sya nakita?

Napamulagat ako nang maalala na sya ang lalaking bumungad sa akin sa lugar na sa tingin ko ay ang hidden laboratory. Fuck!

Ano 'to?

Bakit sya narito? Bakit kasama nya ang admins?

Napakaraming tanong ang sumabog sa isipan ko at laging nagtatapos sa tanong na... Heto na ba?

Nagtama ang paningin namin at ngumisi ito sa akin. Nakaramdam ako ng pagtaas ng balahibo sa mga sandaling 'to. Alam kong hindi 'to maganda.

Tumingin ako sa mga kaibigan ko na mukhang malalim din ang iniisip. Hindi ko alam pero parang naiiyak ako. Shit! Bakit?

"Good afternoon ladies and gentlemen..." Panimula ni Madame Violet na nakangisi.

Hindi ka makakarinig ng kahit na maliit man lang na ingay sa paligid na animo'y maging ang kanilang paghinga ay pigil. Nakakasakal ang hangin sa loob ng gym na parang kinakapos ang lahat ng masisinghap na hangin.

I have a bad feeling about this... Really bad.

"The end is near..."

Humigpit ang hawak ko sa upuan na inuupuan ko. Napatingin ako kay Supremo na nahuli kong nakatingin sa akin. Umiwas din ito agad ng tingin at muli na lang pumikit.

Psh.

"Sawa na ba kayo sa impyernong 'to?" Tanong niya pa. "Good news. Konting panahon na lang... maaari na kayong makalaya." Mga katagang bumuhay sa ingay ng paligid.

Nagkaroon ng kasiyahan sa paligid ngunit mas lumala ang paninikip ng dibdib ko. Normal na matuwa kami pero hindi ko magawa. The worst is soon to come. The end is arriving quickly.

Paano matatapos 'to? Madugo? Sigurado.

"Konti na lang at magtatapos na ang paghihirap nyo..." Nakangising wika pa nito. "The Philippine High University turned into Hell University is soon to become just a story... A story that only us can tell."

Iginala nya ang mata nya sa kabuuan ng gymnasium. Sa bawat estudyanteng tatamaan ng tingin nya ay parang isang saksak na kayang pasikipin ang paghinga mo. The strong authority of the headmistress of this hell. Madame Violet Rivera.

"The only reason why we are stucked in this place was already been found out... Yes. The Formula that can bring back death's life is soon to be completed."

I knew it! It has something to do with that damn formula. Huli na ba talaga kami? Wala na ba talaga kaming magagawa?

"Kapag nakumpleto na 'to... maaari ng buksan ang unibersidad na 'to... You can now go out. Run as long as you can. We won't be a hindrance anymore..." Sumeryoso ang mukha nito. "but I need your cooperation."

Kumunot ang noo ko.

Bumukas ang double door ng gymnasium at napakaraming naka laboratory suit ang pumasok. Kinain ako ng pangamba at takot. Nagkaroon ng tension sa paligid.

Hindi lang ako ang napatayo dahil halos kalahati ng mga estudyante ngayon sa loob ay napatayo sa gulat... nangangatog sa takot.

Napatayo ako sa kinauupuan ko ng magsuot ng gas mask ang lahat ng naka laboratory suits at maging sina Madame Violet.

Napatingin ako sa mga kaibigan ko na nagtataka rin.

"Sa ngayon... magpahinga na muna kayo."

Sa isang iglap ay napakakapal na usok ang kumalat sa paligid. Nakarinig ako ng mga sigawan at mga naubo na animo'y nahihirapang huminga.

Damn!

Napahawak ako sa leeg ko nang kapusin ako ng hininga. Matutumba na sana ako nang may naramdaman akong yumakap sa akin.

Kahit na nahihirapan akong huminga ay mabilis na nakilala ko pa rin kung sino 'to.

Napangiti ako bago ko naramdaman na sabay kaming bumagsak sa sahig... still he is hugging me and for the first time... I feel safe in his arms.

I was scared last night... I was beyond scared of myself... I was scared that I can no longer stop myself... Natatakot akong ituloy ang maling nagawa ko... Natatakot akong hindi ko na macontrol ang sarili ko at magpakamakasarili na lang na ipaglaban ka...

Alam kong katangahan at kabaliwan na nagawa na kitang saktan... nasaktan na tayo pero sa huli ay handa pa akong masaktan.

Alam kong huli na pero patawad.... Hindi ko na kayang lokohin ang sarili ko.

Humigpit ang yakap nya sa akin...

"S-Supremo?" Halos mawalan na ako ng hininga pero pinilit ko pa rin na magsalita.

Alam kong nasa huwisyo pa rin sya dahil sa pahigpit nang pahigpit ang yakap nya sa akin.

"Darling... please come back." Isang bulong mula sa kanya na muling nagpatulo ng luha ko.

"I will."

Hell University (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon