抖阴社区

[53] Many The Miles

Magsimula sa umpisa
                                    

I sighed. "May magagawa pa ba ako? Eh paano naman ako makakapasok do'n?"

"May extra keys sa condo ni Marisse. Get it there na lang."

"Eh ba't 'di na lang gnamit ni Ms. Marisse yung extra ke--"

"Girl, get the hint will you?" then she hung up.

HInt? What hi--

Oh. Oh.

I'm really slow sometimes.

**

Mga 6pm na ako pumunta sa Skyline para bisitahin si Andreau. Siyempre, tinapos ko muna ang pag-eempake ko, mas importante 'yon. 1PM ang flight namin papunta sa Negros bukas, na coincidentally oras din ng defense ni Andreau. Wala talagang pag-asa na makapunta ako. Ni hindi ko pa nga napapanood ang Tila eh! So unfair!

After getting the spare keys from Ms. Marisse (na may weird smile pa nung inabot sa 'kin), dumiretso na ako sa floor niya. I really don't know kung anong gagawin ko pag nakaharap ko na siya. Should I say hi? Or ask him about his thesis? Should we talk about anything under the sun except what happened last night? Ano na?

Hello, awkwardness. My old friend.

"Andreau? Hellooooo?"

Wow. Sobrang dilim ng loob ng condo ni Andreau, which was a first. Once inside, binuksan ko ang ilaw sa sala. Mukhang hindi siya nagcamp out sa sala niya ngayo ah. Sobrang linis eh. The only weird thing I noticed was the strong smell of newly brewed coffee. Weird kasi wala naman siya rito sa sala. Nasaan ba siya?

Chineck ko ang CR, kitchen, collection room at kahit ang stock room niya, wala siya do'n. The only room na hindi ko pinuntahan ay ang kwarto niya. Sa dalas kong nandito sa condo niya, mga dalawang beses ko pa lang nakikita ang loob ng kwarto niya. Hello, alam kong may pagka-pakialamera ako pero naiilang talaga ako pag kwarto niya ang usapan. Wala akong masamang inisiip ha. For me, sobrang intimate kasi ng bedrooms. Sanctuary kasi 'yon. So.. yeah. Off limits 'yon sa 'kin.

Knocking softly on his bedroom door, I said, "Andreau? Are you in there?" Nang walang sumagot, mas nilakasan ko pa ang pagkatok. "Francisco? Yoohoo--"

"I'm busy!" he shouted back. "Go away!"

Ay, attitude. At dahil nainis ako sa go away niya, mas nilakasan ko pa ang pagkatok. Sunud-sunod. "Lumabas ka dyan lumabas ka dyan lumabas ka dyan," I said, channeling my inner Sheldon Cooper. "Andreau Francis lumabas ka--"

The door suddenly swung wide open, and instead sa kahoy lumanding ang kamao ko, ang dibdib niya ang nakatok ko. I knocked on his bare chest. Spell awkward.

"Zades! What are you doing here!?" he exclaimed, eyes wide.

"Mars sent m-- wait a second bakit ka nakatopless?"

Masyado akong na-awkwardan sa pagkatok ko sa dibdib niya na hindi ko napansin na nakaboxers lang siya. Ganyan ba dapat kapag naghahanda for thesis defense!? Topless talaga? Ramdam ko yung lamig ng aircon sa loob ng kwarto niya tapo-- Oh god, this is more than awkward. I'm way humiliated.

I know I should look away.. but I couldn't. Hindi naman 'to ang unang beses na makita ko siyang shirtless.. pero first time na magkaharap kami. Damn, that chest though. Bakit parang mas na-attract ako sa dibdib niya kesa sa abs!? Kagabi pa akong may strange pull dito sa dibdib niya ha, to the point na ginawa ko pang unan for some time. Ugh, Andreau and his man boobs.

"Fucking hell!" he shouted. All of a sudden namula na lang ang dibdib niya hanggang sa leeg.Oh god, he's embarrassed. Ganito ba siya mahi--

Then he just slammed the door right in front of me.

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon