抖阴社区

48 | new year

Magsimula sa umpisa
                                    

"Gago. Love knows no time," supalpal ni Kuya Paul.

I turned back to Angelo. "How do you know?" I repeated.

"I know your brother," Angelo told me, with a duh note in his tone.

Syempre. Bromance. Maybe Angelo knew my brother better than I knew him.

The cool vocals of Kuya Paul immediately filled the place. Siya ang nanalo sa agawan sa mic. Umupo ako sa sofa at pinanood kung paano magsayawan ang mga kumag. Tumabi sa 'kin si Angelo at Kuya Andrei na inabutan ako ng shot ng vodka.

"Bat 'di mo kasama family mo, dude?" I asked.

Angelo shrugged his shoulders. "They're in Italy. And I also don't wanna see my dad's face."

"Why?"

His eyes sparkled in mirth and he tipped his head back for a laugh.

"Joke lang."

It made me think tuloy.

"Ilan kayong magkakapatid?"

"I have three sibs now. Kuya Aurel, si Ate, and Aaron."

Nagkatinginan kami ni Kuya Andrei. I remembered him mentioning in passing na may deceased sibling si Angelo. Kasama kaya 'yon sa mga binanggit niya?

Nahiya akong itanong.

Umiikot ang bote ng whiskey. Maaga pa pero pumupula na ang pisngi ng mga kapatid ko. Nagtatawanan sila at pinagpapasa-pasahan ang video camera ni Kuya Paul.

Si Kuya Chris naman, tapos na sa pag-iihaw. Pakalat-kalat na siya, hawak ang camera niya at winawagayway 'yon sa ere.

"Gusto niyong manood ng scandal?" natatawa niyang sinabi. "Dali. Minsan n'yo lang makikita si Paul ma-turn down ng babae."

Naglapitan sa kanya sina Kuya Chris, Kuya Andrei at Kuya Jacob. Halakhak nang halakhak si Mathev at kinukutya ang kakambal niya.

"Grabe kayo kay Kuya Paul. At least nagiging one-woman man na siya," sinabi ko.

"Sige. Defend him, Javee. See how wrong you are. That ass will never change," Kuya Onyx said and laughed.

"Fuck you. I'm not like you," sabi ni Kuya Paul at nag-angat ng middle finger niya.

We burst into laughter. In between the drunken games, roars of laughter and noises of my aunts currently singing, tumawag sa Skype si Gian. Pinagtripan kaagad siya ng mga pinsan ko.

"Happy New Year, Daddy Gian," tawang tawang sinabi ni Kuya Jacob.

Gian merely dissed them. Nang mapunta sa 'kin ang phone ni Mathev, kumaway lang ako sa kanya at binati si Zoey na nasa tabi niya. They looked sweet together, mukhang super close na ang dalawa. Nakaakbay si Gian kay Zoey habang nakasandal ito sa dibdib niya.

"'Wag kang uminom, Gi, a?" paalala ko.

"Parang nanay naman 'to. Oo na po," sagot niya lang pero ngumisi siya.

Nakausap ko sila nang ilang saglit bago natapos ang tawag. Bandang alas onse, nagpaalam sa amin sina Kuya Paul at Mathev.

"Labas lang kami. Milk run," sabi ni Kuya Paul na dumoble ang pagkapula ng pisngi.

Milk run? Sows.

"Ubos na beer n'yo?" I asked in disbelief. "Ang dami no'n, a?"

"Buti kung kami lang ang umiinom. Alam mo naman sina Papa, mas malakas pa."

Humalakhak si Kuya Onyx at inakbayan ako. "Don't worry, Jav Jav. Sasamahan ko 'yang dalawa. Our driver will take the wheels, it's safe."

I kept a straight face, tossing him a glare. "That's supposed to make me feel better? Umuwi rin kayo kagad."

DV Series: decoding the boys (under revision) ??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon