抖阴社区

Sa Tabing Ilog

Magsimula sa umpisa
                                        

Tinitigan niya lamang ako na wari'y wala siyang naitindihan sa sinabi ko. Isa nga pala siyang bata na hindi pa dapat iniisip ang mga ganitong bagay.

Lumapit siya sa akin at tinitigan pa ako. Napakalalim ng kanyang mga mata na para bang kaydami nitong nalalaman; ngunit habang tumatagal ay unting-unti itong kumikislap na tila ba'y may mga bituin na nagniningning dito.

Itinaas niya ang kanyang kamay para maabot ang mukha ko pagkatapos ay dumampi ang kanyang malamig at malambot na daliri sa aking pisngi. "Bakit ka umiiyak?" tanong niya sa kanyang maliit na boses.

Umiiyak pala ako. Akala ko gawa lamang ito ng tubig.

Hinawakan ko ang kanyang kamay na nasa pisngi ko pa rin. "Ayoko na kasi ng ganito... ayoko na ng gulo. Hindi ko na alam kung ano ang pinaglalaban ko."

"Hindi ba ang pinaglalaban mo ay 'yung lupa niyo? Lumalaban ka para hindi makuha ng iba itong lugar niyo."

Tumango ako. "Alam ko na kaya nagsimula ang kaguluhang ito ay dahil sa agawan sa lupa. Nang dumating ang mga dayuhan, bigla na lang kami tinrato na parang mga alipin. Pero habang tumatagal, nawawala din naman ang layuning iyon. Unti-unti nang nakalimutan ng lahat kung para saan pa sila lumalaban. Nasanay na silang kumitil ng buhay kaya hindi na nila ito pinapahalagahan. Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito ngunit kahit ako'y wala din namang magagawa para itigil ito."

Umiyak ako nang umiyak. Niyakap ko siya at hindi naman niya ako pinigilan. Ang liit lang ng katawan niya at parang nakakatakot siyang hawakan nang mahigpit dahil baka hindi na siya makahinga. Ngunit masarap din sa pakiramdam ang init ng kanyang balat at ang kahinayan nito.

Biglang may pumutok na baril.

Agad kong binitawan ang batang iyon at napansin kong puno na ng takot ang mga mata niya. Nagmadali siyang tumakbo palayo noong pumutok na naman ang isa pang baril.

Hinarap ko kung saang direksyon man nagmumula ang pagputok na iyon at nakita ko ang aking ama.

"Itay?" tawag ko sa kanya. Buti na lamang at may salita pang lumabas sa aking bibig kahit na lubos kong hindi maunawaan kung bakit ginawa ni ama iyon.

Tumakbo si Itay palapit sa akin at hinila niya ako sa kanyang bisig. "Nasaktan ka ba anak? Tanisa? Wala bang nangyaring masama sa'yo?"

Napailing ako. "Wala po. Bakit? Hindi ko kayo maitindihan." napasulyap ako sa may damuhan. "Bakit niyo tinangkang barilin 'yung bata?!"

Hinawakan niya ako sa magkabilaang balikat at tinitigan ako sa aking mga mata. "Tanisa, hindi mo ba nakikilala ang batang iyon? Siya ang kaisa-isang anak ng lider ng mga dayuhang nandito sa ating bayan! Darating ang panahon na siya ang susunod sa yapak ng kanyang ama at mamumuno sa pakikipagbaka laban sa atin."

Pero isa lamang siyang bata. Isang bata na walang kamuang-muang sa mundong ibabaw.

May poot sa mga titig ni Itay at kahit na hindi niya pa sabihin, alam ko na ang ibig niyang iparating na mensahe sa akin.

"Kaylangan niyang mamatay Tanisa, para sa yumao mong kapatid."


Nagising ako na puno ng pawis ang aking katawan. Wala na si Tiya Gracia sa tabi ko at maaraw na sa labas noong tumingin ako sa bintana. Bumangon ako mula sa kama.

Napanaginipan ko na naman ang mga miserableng pagtangis ng aking mga pumanaw na kasamahan. Ayoko na silang mapanaginipan, ayoko nang marinig muli ang kanilang mga hikbi at ulyaw ng pasakit. Gusto ko lamang na maging payapa at maayos ang aking buhay.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay dumiretso ako sa komedor ng aming bahay. Nakita ko si Tiya Gracia sa kusina.

"Kumain ka na, Tanisa." sabi ni Tiya Gracia pagkalapag niya ng mangkok na may lugaw sa mesa. Tumango na lamang ako at kumain nang tahimik pagkadulog ko sa hapag.

Contest EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon