抖阴社区

                                    

Ramdam ko ang pag taas ng aking mga balahibo sa buo kong katawan. At tila nahipnotismo ako sa kanyang sinabi, kaya kahit wala akong gana kumain ay tumango na lamang ako saka muling pinag patuloy ang pag kain.

sana pala lagi akong mawalan ng gana para lagi nya akong bulungan hihi.

Matapos ang hapunan ay nag yayang mag movie marathon si Red na sinang ayunan naman ng mga hindi naka tokang mag bantay ngayon gabi.

Pasunod na ko sa kanila ng biglang may humawak sa braso ko, kahit di ko pa nakikita ang kaniyang mukha ay kilalang kilala ko na kung sino ang naka hawak sa akin ngayon.

''Bakit Blue?'' tanong ko bago ako humarap sa kaniya, at isang makalaglag ovaries na nilalang ang aking nalingunan.

''May tatapusin lang ako sa opisina, matulog ka ng maaga'' pag tapos niyang sabihin yon ay yumuko siya at hinalikan ako sa pisngi.

Pag labas nya ng kusina ay naiwan akong naka tulala don habang hawak ang pisngi kong hinalikan niya.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi, at maya maya ay nag tatalon na ko sa kilig.

''Yieeeeee!'' para akong kinukumbulsyon sa sobrang kilig, bukod sa nag paalam siya sa akin ay hinalikan niya pa ako sa pisngi.

''Luna?'' biglang sulpot ni Chelsie

''Ay daga! daga! naku halika na nga Chelsie madaming daga dito mapapatalon ka sa kilig este sa takot pala.'' may pag tataka man sa mukha si Chelsie ay hindi na ito sumagot at nag patangay na lang sa kanilang Luna.

Mabuti pang nag stay na lang ako sa kwarto ko kesa ang nanood kasama ng mga to. Manood daw ba kasi ng mr. Bean the movie? well nakakatuwa naman talaga yun nga lang nakaka alibadbad din at the same time. Para syang may sakit na ewan, ni halos ayaw mag salita mag salita man siya parang ngongo naman. haiisst! sumalangit nawa ang kaluluwa ni mr.bean.

''Luna'' kinalabit ako ni Chelsie, pag tingin ko sa kaniya ay seryoso din siyang nanonood napailing na lang ako.

''Malapit na ang pag titipon ng lahat ng pack'' don napukaw ang atensiyon ko pag kalingon ko ay sa tv pa rin siya naka harap.

''Anong klaseng pag titipon iyon?'' tanong ko dahil talagang na curious ako kung para saan ang pag titipon na iyon.

''Hmmm, don nag kikita kita ang lahat ng mga Alpha ng bawat pack na mag kaka alyansa. Yun din ang oportunidad ng ibang alpha na makipag alyansa pa sa iba pang mga pack na naroroon. At don din nila ipinapakilala ang kani-kanilang Luna lalo na yung mga bago pa lang nag ka tagpo gaya ninyo ni Alpha Blue. Doon ka din makikila ng lahat bilang Luna ng Blue moon pack.'' mahabang paliwanag ni Chelsie.

Bumilis ang pintig ng puso ko, ako ipakikilala sa iba pang pack na Luna nila?

''Ahhm, tingin mo isasama ako ni Blue?'' tanong ko kay Chelsie na nag palingon sa kaniya para tingnan ako ng seryoso-ka-ba-sa-tanong-mo look.

''Ahhm, sa pag kakaalala ko ikaw ang nag iisa naming Luna, kaya imposibleng hindi ikaw ang isama ni Alpha. Hinalikan ka pa nga niya''agad kong tinakpan ang bibig ni Chelsie.

Kalokang babae to, nakita nya pala yun?

Tinanggal nya ang kamay ko na nakatakip sa kanyang bibig.

''Base sa ekspresyon mo tila nag tataka kung pano ko nalaman, well ganito po kasi yon Luna nakita ko kaya, mula sa pag papa alam nya hanggang sa pag halik pati na din yung pag talon-talon mo''

Matinik na babae to, pasimpleng chismosa to aba!

''Oo na, wag ka ng maingay'' bulong ko sa kaniya saka ko nilingon ang iba pa naming kasama dito sa sala kung nakikinig sila, pero tila mga nahipnotize na sila ni Mr. Bean kaya wala na silang pakialam sa paligid nila.

''Wag kang mag alala Luna, ikaw ang makaka date ni Alpha sa araw na yun'' sigaw ni Lucas na isa sa kasama naming nanonood. Partida nasa malapit na siya sa tv niyan samantalang kami ni Chelsie ay nandito sa pinaka likod at naka upo sa sofa, ibig sabihin itong mga nasa tapat ko... ay naku! never mind.

Grabeng kahihiyan na ito para sa araw na ito, kotang kota na ako.

Ng matapos ang pinapanood nilang Mr. Bean ay nag salang sila muli ng panibago. Hindi ko na tiningnan pa kung ano ang panonoodin nila kaya tumayo na ko.

''Ohh Luna, hindi ka na ba manonood?'' tanong ni Jay.

''Ah, hindi na gusto ko na din kasing matulog. Sige una na ako, goodnight sa inyo'' lumingon ang iba sa kanila saka ako nginitian.

''Goodnight Luna'' halos sabay-sabay nilang sabi.

Ngumiti lang ako saka nag lakad patungo sa aking silid.

Ng maka pasok ako sa aking silid ay kumuha agad ako ng pamalit sa closet.

Ng matapos ako sa pag aayos sa sarili ay naupo muna ako sa gilid ng kama saka nag type ng text para mag goodnight kay nanay.

Bigla na lang akong kinilabutan, dahil pakiramdam ko ay may nag mamatiyag sa akin.

Dali-dali akong humiga sa kama saka nag talukbong ng kumot.

Third person's Pov

''Luna ng Blue Moon Pack, sulitin mo na ang payapang mga gabi mo dahil hindi mag tatagal magiging isa kang kasangkapan upang mapabagsak ko ang iyong mahal na Alpha!''

☆▽☆▽☆▽

My Mate is a Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon