''B-bakit mo naman ginagawa yon?'' tanong ko sa kaniya.
Ibinaling niya ang tingin nya sa ibang direksiyon, kahit ilaw na ng gagaling lamang sa lampshade ang tanging liwanag namin ay kita ko ang pamumula ng kaniyang mukha.
''I just want to make sure na maayos ang kalagayan mo dahil mag isa ka lang dito and also to get my g-oodnight kiss''
What the!!! goodnight kiss daw?
''Ibig sabihin, gabi-gabi mo kong... iieeeee!!!!'' hindi ko na matuloy ang sinasabi ko sa sobrang kilig.
''Tss''
Hinampas ko siya ng pabiro sa matipunong braso niya. grabe ang tigas parang gawang republic cement lang hihi.
''Ikaw ha! wala akong kamalay malay na tuwing gabi ha! puwede namang sa umaga yung gising ako para feel ko eeiiiiii!!!''' super bonggang overload to the max na kilig ang nadadama ko!!!!parang sa sobrang kilig ko gusto ko mang uppercut gosh!!! brutal much lang eh noh?
''tss...mauna na ako'' tumayo siya saka aakmang pupunta ng pinto ng hawakan ko ang kamay niya.
''Puwede bang dito ka muna? '' pakiusap ko sa kaniya, alam nyo na pabebe na muna tayo ngayon samantalahin ang poging mahinhin! (charot gusto ko lang mag rhyme. )
Wala naman siyang sinabi ng pigilan ko siya. Naupong muli siya sa gilid ng kama ko.
''Sige, matulog ka na at dito lang ako hanggang maka tulog ka'' naka ngiti na nyang saad.
''Salamat Blue''
Humiga ako at ipinikit ko ang aking mata, at salamat sa pag haplos ni Blue sa aking buhok na buhaghag ay naka tulog ako ng walang bumabagabag .rhyme again
Kinabukasan ay gumising ako ng may ngiti sa aking mga labi.
Hindi na nadugtungan pa ang masama kong panaginip kagabi.
Ng maalala ko ang mga sinabi ni Blue talagang kinikilig ako.iieeeee!!! kashe nemen iieeeee!!! Para akong tanga na nag talukbong sa kumot at don kinumbulsiyon este kinilig. Mag sisigaw pa sana ako ng maalala kong matitinik nga pala ang pandinig ng mga lobo na narito,baka marinig ako kahit pa sarado ang pinto.
Kaya bago pa ko himatayin sa kilig, ay umayos na ako.
''Aphrodite, behave''
I do my morning rituals, like sumakay sa walis, mag lagay ng kung ano-ano sa banga pero joke lang mukha lang akong witch pero normal morning rituals ang tinutukoy ko... Gaya ng pag papasalamat sa panibagong araw, stretching ng kaunti, maligo, toothbrush etsetera...etsetera...
''Sigurado akong nag aalmusal na ang mga yun'' pag kausap ko sa aking sarili tinanghali kasi ako ng gising.
Habang patungong kusina ay naalala ko yung napag usapan namin ni Chelsie about sa darating na pag titipon sa linggo.
''Kailan gaganapin yun Chelsie?''
Tila nag isip pa ito bago sumagot
''Ang alam ko po sa susunod na kabilugan ng buwan, tatapat yun ng biyernes sa susunod na linggo''
May pag tataka man ako kung bakit di pa ako inaaya ni Blue kahit na nalalapit na ang pag titipon ay pinag kibit balikat ko na lang.
May ilang araw pa naman siya upang yayain ako.
Na e-excite na akong makilala ng ibang pack na ako ang Luna ng Blue Moon.
Simula ng napunta ako dito nadagdagan ang confidence ko sa katawan. Kung dati siguro hindi mo ako mapapa attend sa ganon dahil nga sa itsura ko.

BINABASA MO ANG
My Mate is a Nerd (Completed)
WerewolfBOOK 1: Unwanted Series ''Anong?! sa gwapo kong 'to! mukha akong kapre?!'' Loko itong aswang na 'to, tawagin daw ba akong kapre? ''Bakit ba para kang patay gutom na nakatanghod sa lamesa namin ha?! wala ka bang pang bili ng pagkain? doon ka sa bas...
?CHAPTER 16?
Magsimula sa umpisa