Pero dahil sa tulong ni Blue at ng mga kasama ko dito ay nag bago ako ng tuluyan.
Pinaramdam kasi nila sa akin na hindi base sa physical na anyo ang pag babatayan upang maging isang Luna. Kahit isa sa kanila ay walang lumait sa itsura ko, bagkus binabati nila ako sa araw-araw ng may ngiti at walang halong pang huhusga.
Pag dating ko sa kusina ay tahimik silang kumakain.
''Good Morning!'' masiglang bati ko, pero ang pinag taka ko ay ang malungkot nilang mata na naka titig ngayon sa akin.
''May problema ba?'' tanong ko, ng ngumiti ang ilan sa kanila ay nakampante na ako.
Umupo ako sa dati ko ng inuupuan ng mapag tanto kong wala pala si Blue.
''Nasaan si Blue?'' tanong kong muli, nag titigan ang iba sa kanila at ang iba naman ay pinag patuloy lang ang pag kain.
Confusion written all over my face.
Ano bang meron, bakit iba pakiramdam ko?
'' Ahmm, nasa office nya lang po Luna tapos na kasi sya kumain'' sagot ni Chelsie na halos hindi maka tingin ng diretso sa akin.
''Ahh, ganoon ba..'' yun na lamang ang nasabi dahil pakiramdam ko talaga ay may itinatago sila.
Hanggang matapos ang almusal ay walang kumikibo kaya ganoon na din ako. Usually kasi habang kumakain ay nag kukwentuhan at biruan pa kami.
Tumulong ako sa pag uurong ng pinggan gaya ng dati kong ginagawa.
Gaya ng iba ay tahimik lang din si April at Gueen, mga babaeng werewolf na kabilang sa pack.
Kung dati ay puro lovelife nila ang kinukwento nila sa akin, ngayon ay kahit ang pag sagot sa simple kong tanong ay tila kinakabahan pa sila.
Ng matapos akong tumulong sa mga gawain na talagang ipinag pilitan ko simula pa nung unang pag punta ko dito, ay naisipan kong puntahan si Blue.
Sya ang makakasagot sa akin kung bakit nag kaka ganito sila.
Nandito na ako sa labas ng opisina ni Blue ng may marinig akong mag salita.
''Babe what should i wear at the gathering?''
Tila nanigas ako sa kinatatayuan ko ng may marinig akong boses ng babae sa loob ng opisina ni Blue.
''Just wear anything, lahat ng damit ay babagay sayo''.
Boses iyon ni Blue na ngayon ko pa lang narinig, tila napaka lambing at puno ng pag mamahal ang bawat salita nya.
''Awe! sweet mo talaga babe kaya love kita ehh!'' malanding sagot ng kausap ni Blue.
Masokista na kung masokista, pero talagang pinihit ko ang seradura upang makita si Blue at ang kasama nyang babae.
Pag ka bukas ko ay nag sisi ako ng makita kong...
may naka kandong kay Blue at nag hahalikan sila na tila wala ng bukas.
Agad nag unahan sa pag patak ang aking mga luha. Napahawak ako sa aking bibig upang pigilin ang hikbing nais kumawala.
Mukhang naramdaman nilang may ibang tao kaya tumigil sila at tiningnan ako.
''Aphrodite'' mahinang usal ni Blue, i saw sadness and guilt in his eyes pero agad siyang tumingin sa ibang direksiyon.
''Who is she babe? she's kind'a creepy?'' bulong nung babae kay Blue na dinig ko din naman. She look at me from head to toe with disgust.
Sobrang ganda niya, oo hibang na ako na kahit nilait nya ako ay napuri ko pa ang kagandahan niya. Nakasuot sya ng tube na dress na umabot lamang sa gitna ng kanyang makikinis na hita, naka lugay ang kanyang makikintab at maalon na buhok. Walang wala akong binatbat sa babaeng kaharap ko. Bigla ko na lamang kinumpara ang sarili ko sa babaeng kasama ni Blue, na kung tutuusin ay halata naman kung sino ang lamang at ang dehado.
Matagal bago naka sagot si Blue.
''My mate'' halos pabulong na usal niya. Nakaramdam ako ng tuwa ng aminin nya kung ano talaga niya ako.
Napatayo bigla ang babae sa kandungan ni Blue.
''No way! babe you gotta be kidding me! this thing is your... mate?'' duro nya sa akin.
Expect ko na ipag tatanggol ako ni Blue, pero hindi nanahimik lang siya sa kinauupuan niya.
''Blue'' pag tawag ko sa pangalan niya, panay ang patak ng luha ko sa aking mata. Pero ni hindi man lang niya ako nilingon kahit saglit.
''Just leave us Aphrodite, mamaya na tayo mag usap'' saad ni Blue ng di man lang ako nagawang sulyapan.
Mag sasalita pa sana ako ng mag salita ang babaeng kasama ni Blue.
''Aphrodite?'' tanong nya habang naka tingin sa akin bahagya siyang tumawa.
''Is this a kind of joke? goddess of beauty pa talaga? hindi bagay sa itsura mo! you look like a witch... a very ugly witch to be exact'' at saka siya muling tumawa.
Tila lahat ng confidence na naipon ko sa lugar na ito ay biglang nag laho ng dahil sa mga sinabi ng babaeng kaharap ko.
Natulos na ako sa kinatatayuan ko habang panay pa din sa pag tulo ang luha ko. Ni hindi ko maipag tanggol ang sarili ko, dahil ang isang tao na inaasahan kong gagawa non ay nanahimik lang sa isang tabi.
''Stop it Angel!'' Nilingon ko ang nag salita at nakita ko ang galit na galit na si Red na kakapasok pa lamang sa opisina ni Blue.
Lumapit sa akin si Red at pinahid ang mga luha sa aking mata.
''Stop crying Luna'' kita ko ang pakikisimpatya sa kanyang mata.
''Are you shouting at me Beta? and dont call her Luna, hindi bagay'' mataray na saad nung Angel. Nilingon sya ni Red ng walang makikitang emosyon sa kaniyang mukha.
''Hindi ba-'' naputol ang pag sasalita ni Red ng biglang mag salita si Blue.
''Stop it Red! ilabas mo na lamang dito si Aphrodite'' nakita ko ang pag kuyom ng kamao ni Red.
''Mauuna na kami Alpha'' wala pa ding emosyon niyang pag papaalam.
Ni hindi man lang lumingon si Blue sa direksiyon namin.
''Halika na Luna'' dinig kong sabi ni Red pero kay Blue pa din ako naka tingin.
''Blue? s-sino ang i-isasama mo sa darating na p-pag titipon?'' lakas loob kong tanong, narinig ko pa ang pag tawa ni Angel at ang binigkas nyang assuming. Asyumera man ang labas ko pero gusto kong malaman kung sino ba sa amin ni Angel ang gusto niyang ipakilala bilang kaniyang Luna.
Sa wakas ay lumingon na din siya, pero ang kaniyang mata ay wala ng giliw na naka titig sa akin gaya ng dati.
''Si Angel at siya ang ipapakilala kong Luna ng aking pack'' pag kasabi nyang iyon ay tumakbo na ako palabas ng kaniyang opisina.
Narinig ko ang pag tawag sa akin ni Red pero hindi ko siya nilingon bagkus ay pinag patuloy ko ang pag takbo at ang aking pag luha.
Pakiramdam ko ay sinasaksak ang dibdib ko ng paulit-ulit dahil sa sinabing iyon ni Blue.
□▽□▽□▽
to be honest mga bes di ako magaling sa mga ganitong acting, mabuti pang mag isip ako ng mga joke keri ko pa lalo naman pag kilig moment jusko! hindi ko alam paano mag sulat ng ganoong scene.

BINABASA MO ANG
My Mate is a Nerd (Completed)
WerewolfBOOK 1: Unwanted Series ''Anong?! sa gwapo kong 'to! mukha akong kapre?!'' Loko itong aswang na 'to, tawagin daw ba akong kapre? ''Bakit ba para kang patay gutom na nakatanghod sa lamesa namin ha?! wala ka bang pang bili ng pagkain? doon ka sa bas...
?CHAPTER 16?
Magsimula sa umpisa