"Sige lang po, tita," I smiled at saka niya sinarado yung pinto.
Pagkalabas ni Tyrone sa CR niya, gulat na gulat siya! Nakaupo kasi ako sa malaking beanbag niya.
"Bakit ka pa nandito?!" Sigaw niya.
I crossed my arms, "Eh ano naman? Sabay naman tayong papasok sa school."
"Lumabas ka muna, magbibihis ako!" Nakatowel lang kasi siya. Wala lang naman sa akin makakita ng katawan ng lalaki kasi si daddy, lagi namang nakahubad ng shirt sa bahay. T-shirt lang ha, t-shirt!
"Ang bakla mo talaga. Sige na, hintayin na lang kita sa baba," Sabi ko at bumaba na. Kahit kumain na ako sa bahay, kumain ulit ako kila Tyrone. Bakit ba, inalok ako ni tita eh. Masama kayang tumanggi sa blessings! Pati cereals lang naman 'to no!
Pagsakay namin sa car, may naalala ako.
*FLASHBACK*
"Ma, who is she?" Tanong ni Tyrone.
"Her name is Alzeah but call her Zea na lang. Sasabay na siya sa atin from now on since magkalapit naman school niyo. She's cute, no?"
Umiling si Tyrone, "She looks like a boy."
*END OF THE FLASHBACK*
I didn't cry. Instead, I bit him! ICA kasi ako dati tapos Xavier naman siya nag-aral. Hindi naman ako Chinese pero wala eh, hindi ko alam kila mommy kung bakit doon ako pinag-aral. Dati nga, may play kami tapos ako yung ginawang St. Joseph. Pinagtatawanan ako ng mga classmates ko kasi ang taba ko daw. Nalaman nga ni Tyrone tapos sabi niya, bagay naman daw kasi mukha akong lalaki. Buti nga ngayon, mahaba na buhok ko.
Nag LRT kami ni Tyrone at iniwan niya ulit ako. Wala naman akong pake ulit eh. Pag dating naman sa school, antok na antok pa din si Tyrone. Iniwan ko na nga siya at pumasok na sa room since for sure, ayaw din naman niya ako kasama. Pag dating sa klase, natulog agad siya. Wow. Bakit ba ako nagulat eh ganyan naman yan talaga?
"Natutulog na naman kapit-bahay mo," Sabi ni Miggy.
I sighed, "Anong bago doon?"
"Ganyan ba siya talaga?" Sabi ng isang katabi ko na nakalimutan ko na naman pangalan. Ano bang meron sa babaeng 'to at lagi kong nakakalimutan pangalan.
"Ano na nga ulit pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.
"Kalie Delicana. Valdectorian ka pero sobrang ulyanin mo naman pag dating sa pangalan. Akala ko ba tomboy ka, Zea? Paano mo nakalimutan ang pangalan ng mala-diyosang baba-" Binatukan ko si Miggy bago pa niya i-tuloy ka-cornyhan niya. Kadiri lang, hindi bagay. Isang nerd tapos manyak? Naaah, para lang siyang...
"Trying hard," Sabi ko. Nag pout lang siya at nag-basa na ng libro niya. See? Nerd na manyak tapos nagpapout? Kadiri, diba? Kadiri talaga!

BINABASA MO ANG
Not a Fairy Tale (COMPLETED)
Teen FictionTop one, perfectionist, ballerina, impulsive, at amazona. Yan si Alzeah Marie Constantino! Naniniwala siyang siya ay maganda, magaling, matalino, pero h'wag kayo dahil hindi rin siya nagpapatalo. She cursed a lot, she didn't have friends aside from...
FIVE
Magsimula sa umpisa