After Waiting Shed, dun lang siya binigyan ng big projects ng network niya. First was a supporting role in this primetime teleserye where he played as the son of a business tycoon. Doon siya unang napartner kay Jillian Cabrera, ang sort-of loveteam niya. Nang medyo nagclick ang loveteam nila, nagkaron sila ng sarilli nilang teleserye. I caught some of the episodes and it was.. okay. Hindi ko trip yung acting nung Jillian, medyo may pagkapilit eh. Si Andreau lang naman ang nagdala sa show nila!
Lumaki ang fanbase ni Andreau in a span of four years. As in. Just last December, naabutan namin ang mall tour niya sa SM North.. my god. Parang may rabies yung mga babaeng fans niya sa sobrang wild! Kung makatili wagas! Thank god at pagod na si Kesh nun, kundi baka nakisali na siya sa Andreau Cortez craze that day. Mapa-bata (I think yung ilan dun wala pa sa puberty stage. Wild, huh?) o mapa-matanda (May ilang lola sa event. Di namin sure kung binabantayan ba nila ang mga apo nila o nanonood talaga sila) ang fans ni Andreau. Lahat sila nahuhumaling sa Cortez Charm Smile.
Ugh.
Isa pa sa nagustuhan ko kay Andreau ay ang pagbibigay importansya niya sa studies. Believe it or not, schoolmate ko siya! BA Film, to be exact. Second year pa lang siya, although two batches older siya sa'min ni Kesh. Last year kasi ang busiest year ever niya (two movies, one indie film at isang napakahabang teleserye!) nag-leave of absence siya sa university. Paano kaya niya napagsasabay ang career at studies? Grabe, siya na!
Wala akong clue na dito siya pumapasok sa university up until last June, nung nakasabay ko siyang kumuha ng class cards. Akala ko nga namalik-mata lang ako eh. Artista tapos pipila nang sobrang matagal para kumuha ng class cards? Wow, humble! After that hindi ko na siya masyadong nakita sa campus. Una, sobrang laki nitong university para magkasalubong kami. Pangalawa, naglalakad lang ako tapos siya may Chedeng. Pangatlo, magkaiba kami ng college. Pang-apat.. of course, kahit magkasalubong kami, there's no chance that he would notice me. Hay.
Then three months ago.. something happened. Dahil medyo short ang pinapadala sa'kin ni Mima (tawag ko sa nanay ko, sorry), naghanap ako ng part time job. Buti na lang nai-refer ako ni Kesh sa café na pinagtatrabahuhan niya, itong Café Feliz. November nang magstart ako sa café. Okay naman yung bayad, and I really liked the place. Sakto naman sa class sked ko yung shift.
I can never forget that day. November 13. Patapos na ang shift ko nun, around 8:15PM, nang may pumasok na lalaki sa café namin. Marami kaming customer nun kaya hindi ako ang nakausap niya. Actually wala akong clue kung sino yun, not until minutes later nang makalabas ang lalaki at hinila ako ni Kesh papuntang pantry. She looked so excited, at nagbublush pa.
"Oh my god you saw that!?" kulang na lang ay yugyugin niya ako. Delikado at nakakatakot maexcite si Kesh.
"Sino? Yung pumasok? Hindi eh. Well I saw his back though. Does that count?"
"Baliw. Si Roldan del Rosario yun!" I threw her my I don't know who's that look. "Yung best friend ni Andreau!"
"So?"
Kesh rolled her eyes. "Ugh. Hindi mo ba gets?"
"So what kung pumunta siya dito?"
"God you're so slow sometimes!"
"Pangalan lang naman niya ang sinabi mo eh. What gives?"
Sinabi niya sa'kin yung pakay ni Roldan. It turned out na narinig ni Andreau na masarap daw ang kape sa Café Feliz and he wants to try it. Masyado na kasing pinagkakaguluhan si Andreau dun sa isang café kaya mas gusto sana namin ng place na tahimik. Tinanong niya kung anong daw ang dull hours ng café para dun na lang sila pumunta. Of course, pumayag si Sir TJ. Dakilang famewhore dun yun eh (sorry sir!). Sino ba namang tatanggi dun, di ba? I admit, hindi naman kasing sikat ng Starbucks or CBTL ang Café Feliz pero masarap din naman ang mga pagkain namin dito!
Kaya kami nagkaron ng routine tuwing 3PM, araw-araw. Nakakahiya naman kung tatanga-tanga kami, di ba? Well ako, medyo naging tanga. Yung first order niya ng kape, nilagyan ko ng creamer. I forgot na black coffee with two packets of sugar and no creamer ang preference niya. Todo sorry ako kay Roldan nun!
Laging si Roldan ang kumukuha ng order, habang naghihintay siya sa loob ng Chedeng niya. Ni hindi ko nga siya nakikita e! Once, nabanggit ni Roldan na diretso sa studio si Andreau kaya hindi na siya nakakababa ng sasakyan. Sige, nakalusot na siya. Siya na busy!
Gusto ko siyang mameet in person at magthank you. Halos two years na rin since mapanood ko ang Waiting Shed, and amazed pa rin ako sa galing niya. The movie somehow changed my view in life. Dapat lang akong magthank you! Kaso siyempre ayokong tratuhin niya akong fangirl. Kaya araw-araw kong pinaplano ang magiging reaction ko sa meeting namin: dapat chill lang ako and casual na magcocomment about his movie. Big no no ang pagtaas ng boses, ang mautal at of course, ang sumigaw. Nakakahiya!
Pero.. nilamon ko lahat ng sinabi ko.
Ngayong nasa harapan ko sa si Andreau Cortez.. nawala na lahat ng plano ko.
And he knows my name. My name.
Hindi ko alam kung ano ba ang una kong dapat maramdaman: excitement, kilig o kaba.
AT ANONG SASABIHIN NIYA SA'KIN?
I know I must not expect too much.. but I can't help it.
****

BINABASA MO ANG
The Spaces In Between
General FictionThe thing with Valentine's Day is, either you hate it or you love it. And Zade Pascual definitely belongs to the first category. Para sa kanya, isang araw lang ito ng commercialized version ng pag-ibig. Walang kakilig-kilig at napakalayo sa true lov...
[2] So Not A Fangirl
Magsimula sa umpisa