"Wala naman bang nasaktan? Nakalabas ba lahat ng tenants?" tanong ni Tita Martha. Kahit na nasunugan na siya, she still cares about her tenants. That's one quality I like about her.
Napayuko ang fire marshall at saka lumingon sa mga bumberong papalabas ng building. May bitbit silang itim na body bag.
"Sa kasamaang palad, may hindi nakalabas na tenant," malungkot na sabi ng fire marshall. "Natagpuan ang kaniyang labi sa kuwarto. Sunog na sunog na ang kaniyang katawan kaya mahirap na itong makilala."
"Where exactly did you find the body?" Loki asked.
"Sa kama niya. Nakahiga pa ang biktima nang matagpuan namin ang kaniyang labi."
I could see in Loki's face the suspicion in the circumstances of the victim's untimely death.
"Priscilla! Priscilla!" Isang lalaki ang lumapit sa body bag na ipinapasok sa ambulansya. Sinubukan siyang pigilan ng mga bumbero ngunit nagpumiglas pa rin siya.
"M-My Priscilla! Anong nangyari sa kaniya?" garalgal na tanong nito.
"Hindi siya nakalabas sa kuwarto niya nang may sumiklab na sunog," sagot ng bumbero. "Kaano-ano mo ba siya?"
"Li-Live in partner niya ako..." Mangiyak-ngiyak na tugon ng lalaki. "Dapat pala, hindi ko siya iniwan kanina! Dapat pala, nag-stay ako sa unit namin! E 'di sana hindi mangyayari 'to!"
"Do you know him?" tanong ni Loki kay Tita Martha. Mukhang hindi pa rin masyadong nahihimasmasan ang landlady namin.
"Si Bu-Bruno, ang kasama ni Priscilla sa unit." It took a few dead air moments before my aunt managed to reply. "Mag-iisang taon na silang tenant ko sa Room 207."
"Priscilla ko!" hagulgol ni Bruno nang tuluyan nang ipasok sa ambulansya ang labi ng kaniyang partner. What a sad story.
"My dear landlady, do you know any instance where those two had a little domestic?" Loki asked, his eyes were fixated on the grieving man sitting on the cold ground.
"A-Away?"
"Yes, away. Did you hear them yelling or throwing plates at each other?"
"Noong isang araw, narinig ko silang nagsisigawan," my aunt replied, her senses now coming back to her, thanks to Loki's question. "Biglang nag-walkout si Priscilla pagkatapos no'n. Tinanong ko siya kung anong problema. Dahil daw sa pera."
"Why are you asking about their relationship?" bulong ko kay Loki na nakatingin naman ngayon sa sunog na kuwarto. "You won't be interested in that couple for no particular reason."
"Come with me," he said. Iniabot niya kay Tita Martha ang higanteng teddy bear sabay sabing, "They said that hugging something can positively change your mood. Have Theodore accompany you while we investigate this case."
"C-Case?" pag-uulit ni Tita Martha ngunit 'di na siya ni-reply-an ni Loki. Dahan-dahan ko ring binaba si Freya at itinabi kay tita. I told her stay beside my aunt at all times, hindi ko nga lang alam kung naintindihan niya.
"With your permission, we would like to enter the crime scene," my roommate told the fire marshall who seemed confused.
"Sorry ngunit hindi namin pinapayagan ang mga bata na mag—"
"My name is Loki Mendez, a high school detective, and this is Lorelei Rios, my assistant detective. Maybe you have already heard of our names before from a colleague of yours?"
Natigil sa pagsasalita ang fire marshall at nanlaki ang mga mata kay Loki. "I-Ikaw si Loki? Ang detective sa Clark High?"
My companion nodded. Why did he seem confident that the fire marshall will recognzie his name?

BINABASA MO ANG
Project LOKI ③
Mystery / ThrillerThe third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1? Read it here: /story/55259614-project-loki-volume-1 Looking for VOLUME 2? Rea...
Chapter 36: From the Ashes II
Magsimula sa umpisa