“Male-late raw siya,” Kuya Lean whispered to me minutes later. He was referring to Andreau. “Kakagaling lang niya sa dubbing for their next episode. Man, buti buhay pa siya sa schedule niya!”
“Saan kaya natin siya pwede i-meet?”
“Sa dark room daw, second floor.”
I scanned the auditorium, hoping to spot Roldan, Gerald and Addie. Wala rin sila. Bakit kaya?
Lights dimmed as the first documentary started to roll. Six documentaries ang ipapalabas ngayon, at pinakahuli ang kina Andreau. Save the best for last!
Interesting naman ang ibang documentaries kaso.. poverty porn sila para sa’kin. Two of them featured street kids/informal settlers, may isa namang tungkol sa Payatas. Tama nga si Ate Anya, bihirang inaaddress sa mga docu ang fisherfolk. Dagat Ng Buhay ang title ng docu about sa San Ignacio, and I think ito ang pinaka-anticipated sa screening. May ilan ngang high school kids dito, obviously gusto lang nilang makita si Andreau. At least may matututunan sila kahit paano habang nagihihintay sila sa idol nila.
Bglang naging wild ang kaninang serious atmosphere sa loob ng auditorium. Confirmed, halos lahat nga ng nanonood dito ay Dreausters! Sino nga bang matinong estudyante ang babalik sa campus para manood ng mga docu kahit di pa officially start ang sem? Apparently hindi kami kasama ni Kuya Lean dun, napilitan lang kaming pumunta dito.
“Tangina talaga nitong si Andreau,” Kuya Lean said to himself, laughing and shaking his head at the same time. “Wild kung wild ang fangirls pucha! Tingnan mo yun,” tinuro niya yung dalawang babae sa may kanan namin. Muntik na atang himatayin si Ate!
“Wala pa naman si Andre—“
Ah kaya naman pala. Nasa stage na ang Man of the Hour! Yung totoo, galing ba siya ng dubbing? Ganyan ba suot niya sa dubbing LANG!? The blue v-neck shirt he’s wearing perfectly fits his body. And boy, he definitely rocked that dark washed jeans!
Kaya naman pala grabe makatili ang mga babae dito. Ang gwapo pala niya ngayon! (Kelan ba hindi?)
Wala na kaming naintindihan sa sinabi ni Andreau dahil sa mga irit ng mga malalanding ‘to. He said something about San Ignacio, I think. Sa susunod nga magdadala ako ng tranquilizer pag pupunta ako sa Andreau Cortez-related events!
Eventually tumahimik din ang mga malalandi nang nagstart na ang Dagat ng Buhay. Shit, intro pa lang naiiyak na ako! Alam kong may sariling ganda ang San Ignacio pero.. nakikita rin pala yun sa video. Ang ganda ng shots nina Ge at Addie! Pwede pa palang makita sa ibang view ang bayan namin. I saw familiar faces: sina Butchoy, mga kapitbahay namin, si Mayor Pablo.. yung mga kaibigan ni Nana Tinang.. pati yung nagbebenta ng balot sa’min, kinunan nila! The cinematography’s good, plus ang swabe pa ng voice over ni Andreau. Para kang nanonood ng informative music video! Even the girls in front of us were amazed by the information they’re hearing.
No words could express my happiness right now. Gusto ko na ngang takbuhin si Andreau para magpasalamat. Sigurado akong matutuwa si Nana Tinang nito!
A light tap on my shoulder brought me back to reality. “Nasaan ka na dyan?” tanong sa’kin ni Kuya Lean. “Malapit na ata ‘tong matapos pero wala ka pa rin.”
“Baka nasa dulo pa ako? I don’t know.” Pero oo nga.. wala yung interview ko sa naunang scenes. Logically it was supposed to be there. Ang panget naman kung dun pa sa dulo yung akin! Nonsense na nga pinagsasabi ko tapos yun pa ang closing.
Natapos ang docu na hindi ko nakita ang sarili ko. Nakakalungkot naman, akala ko isasama ni Andreau yun! Sabagay, wala namang kwenta pinagsasabi ko dun, bakit niya ilalagay? But still.. it’s kinda sad. Dapat pala hindi ako nag-expect.

BINABASA MO ANG
The Spaces In Between
General FictionThe thing with Valentine's Day is, either you hate it or you love it. And Zade Pascual definitely belongs to the first category. Para sa kanya, isang araw lang ito ng commercialized version ng pag-ibig. Walang kakilig-kilig at napakalayo sa true lov...
[6] What's In A Name
Magsimula sa umpisa