"Oo, magpakita siya nang mas mabilis pa siya sa alas-kwatrong babalik sa America. O sa Canada. Tangina, saan ba nagtago 'yon?"
"Who cares?" Mathev shrugged. "I'm just saying. One of these days we'll be seeing real action again."
I let out a huge sigh.
"Mathe, ayoko ng gulo. Hayaan n'yo na lang si Rohann," I said, purposely leaving out the fact that I did see Rohann before.
Tumingin sila sa 'kin.
Kuya Onyx said, laughing, "Ayos lang. Hindi naman ikaw ang makikipaggulo, e."
"Kahit pa. He's not worth your time."
"Yeah, but he's worth my fist."
I looked at Kuya Andrei and Kuya Chris to ask for their help in the matter but they casually shrugged off my silent request.
"Sige, bigyan n'yo ng isa kapag umepal pa. Pero mag-ingat-ingat kayo. You're graduating soon."
"'Wag ko lang makasalubong 'yon, mapupulbos talaga ang kupal na 'yon. Jav, na-contact ka na ba no'n?"
And here I was again, standing between the choices of lying and speaking the truth. This time, I opted not to lie despite the repercussions.
"Yeah, nung kailan lang."
"Ano?! Lakas ng loob, a!" Gian fussed.
"O anong sabi?" Kuya Andrei pressed. He seemed curious, too curious on the subject.
"Kung ano lang din sinabi n'yo. That I should break-up with. . . my boyfriend," I said. Hindi pa rin ako comfortable na banggitin si Racel with them.
Nilingon ko si Kuya Jacob pero blangko ang emosyon sa mukha niya.
"At bakit daw? Para balikan mo siya? Tangina talaga no'n e 'no? Makapal ang bungo," fumed Mathev. Napansin ko ang pagkalito sa mukha nina Luis at Andrew dahil hindi nila maintindihan ang nangyayari. Kuya Paul took the time to explain what was going on and by the time he was finished telling the tale, I felt awful. Nakatingin ang dalawa sa 'kin na parang naaawa dahil sa nangyari. I hated this kind of attention.
Andrew whistled. "De Villa na, sinayang pa? Gago nga 'yon."
Luis nodded. "Oo nga. Sinayang ka niya."
"Sayang talaga. Pero okay na 'yon. Wala akong balak i-share ang pinsan ko sa gano'ng klaseng lalaki. No balls, dude. Sayang si Javee do'n. Abonado pa," sabi sa kanila ni Mathev.
"E bakit ka nga kinausap no'n? Ba't nakikialam siya sa relasyon mo ngayon?" tanong ni Kuya Nick na hindi pa rin binibitawan ang kaninang tanong ni Kuya Andrei.
Nanonood din sa amin sina Lhyle na tahimik lang na nakikinig sa usapan. His friends were quiet as well, looking over at our family discussion. My cheeks heated up at the idea na alam na nila ang nakaraan ko.
"Hindi ko rin alam, Kuya. 'Di na ko masyadong nakinig sa kanya kasi wala namang sense," sagot ko na medyo nawawalan na ng gana sa usapan.
"Tama 'yon. 'Wag ka nang makikipag-usap ulit do'n."
"Sus. Inuutusan kang makipag-break? Kami nga 'di ka namin napapayag," sabi ni Kuya Paul. Parang wala lang naman sa kanya ang sinabi niyang 'yon pero nailang pa rin ako.
"Wala siyang tiwala kay Gutierez? Takes one to know one ba 'to?" Gian said.
I frowned at him, slightly nonplussed. I opened my mouth to defend my boyfriend but my brother beat me to it.
"Shut up, dude. Don't start another fight," sita ni Kuya Andrei sa kanila.
I sent a thankful glance at him which he returned with a tightlipped smile.

BINABASA MO ANG
DV Series: decoding the boys (under revision) ??
Teen FictionWattys Winner 2018 Javee De Villa thought she knew everything about boys, to the point that she came up with her own player archetypes and male decoder. But everything comes crashing down when her brothers' long-time nemesis enters the picture. Wil...
62 | common ground
Magsimula sa umpisa