Napatitig siya sa bumukas-sara na pintuan upang matiyak na wala na nga si Dimitrios.
Mabibigat na hininga ang kanyang ginawa upang maikalma ang sarili. Nang bumalik sa normal ang tibok ng kanyang puso ay nilingon niya ang kasintahan na nag-aagaw buhay. Mahihinang hakbang ang ginawa niyang paglapit dito.
May pumatak na butil sa kanyang mga mata ng muli niya itong makandong at mayakap.
Bumibigat ng husto ang kanyang dibdib. Kung mailalarawan niya lang sana ang nararamdaman gamit ang mga salita ay ginawa niya na kaagad. Kung hindi siya normal ay tiyak na nabibiyak na ang kanyang puso sa sinapit ng kasintahan.
"A-ashton. Patawad... H-huwag mo a-akong i-iwan."
Narinig niya ang mga nagmamadaling yabag na papalapit sa kanilang pwesto ngunit hindi niya iyon pinansin. Ang gusto niya lang ay maramdaman ang mainit na katawan ng lalakeng minamahal.
**
Nababalot ng maingay na putukan ang buong paligid sa isang malaking mansyon. Nagkakagulo ang lahat, nagkukumahog na makaligtas at makapatay.
Ang kampo nina Zander ay matatapang na sumugod sa kuta ni Dimitrios. Planado ang lahat. Wala silang bubuhayin ni isa sa mga kakampi at tauhan ng kalaban.
Maraming armadong mga babae at lalake ang nakikipagpalitan ng putok sa mga lumalabas sa kampo ng kalaban ng Black Mafia. Kanina pa nagsisimula ang giyera at nangangalahati na ang napapatay ng mga tauhan ni Zander.
"Linisin niyo ang lahat ng makikita niyo! Maliwanag?!" Sigaw ni Zander sa mabalasik na boses. Ma-awtoridad at kumukulo na ang dugo nito sa sobrang pagpipigil na sumugod kaagad sa loob upang mailigtas ang anak.
Nasakop na nila ang buong bakuran ng kampo ni Dimitrios at malapit na nila itong makasagupa.
Nagkalat sa buong paligid ang iba't ibang klase ng tao na bumubuo sa isang Mafia. Mapa-reaper, assassin, agent, spy at mga baguhang grupo ng mob, lahat ng klase ng tauhan na meron ang pamilya nina Zander ay isinama niya masiguro lang na manalo sila sa giyerang sinuong nila. Makuha lang ng ligtas ang anak.
Si Hideo naman ay nakipambuno ng maubusan na siya ng bala. Nakasuporta sa likod niya ang ilang kaibigan ng anak na sina Edu, Jomarie at Mario na halatang enjoy na enjoy at hindi maitago ang mga ngiti nito sa labi. Kahit pati siya ay nadadala na din sa mga ngiti ng kabataan, nakakahawa ang pagiging positibo ng mga ito.
Si Terry naman ay kasama nina Castiel at Ford, nagtitinginan din ng likod. Hindi maitanggi ng dalaga na na-miss niya ang ganitong klaseng buhay, nambubogbog at nakikipag-away. Ang dati niyang buhay na nakasanayan at kung bakit itinapon siya sa Black Academy ng mga magulang. Na hindi niya pinagsisihan at ikinatuwa pa ng lubusan.
Si Alejandro ay hindi na nakasama at binabantayan si Pierre na hindi pa din nagigising hanggang ngayon. May lason ang balang tumama dito ng gabing bigla silang sinugod sa bahay nila sa loob ng Academy at kinuha si Reese.
Sina Anne at Axel ay sinusuportahan ang isa't isa habang nagpupustahan kung sino ang may pinakamaraming napapatay. Nakatawa si Anne at halatang nagsasaya sa nangyayari. Excited na din siyang makita ang kanilang Young master na lihim niyang iniibig. Ngunit, may iba na itong minamahal.
Si Zander ay binabantayan ng mga pinakamagaling at malalakas niyang tauhan. Kahit na ayaw man niya ng ganung set up ay pumayag na lang siya, utos iyon mismo ng kanyang asawa at bawal baliin kung ayaw niyang matulog sa ibang kwarto.
Prayoridad ng lahat ang kaligtasan ng tagapagmana ng Black Mafia at ang kasintahan nitong si Reese.
May mga sumabog sa paligid at naging hudyat iyon upang senyasan ni Zander ang mga tauhan na lumusob papasok ng mansyon.

BINABASA MO ANG
The Perfect Weapon [COMPLETED]
Science FictionReese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damdamin, pati panlasa ay nawala na dahil sa katagalan ng kanyang pagkahimbing. Pero... Natulog lamang ba siya? O may nangyari na hindi niya alam...
Chapter 54
Magsimula sa umpisa