抖阴社区

Chapter II: Awakening Of The Gift

141 13 0
                                        

*Franchesca's P.O.V*

Ang weird talaga ng school na'to kanina kase noong umattend ako ng meeting, todo tingin saakin ng mga estudyante lalo na din yung lalaki na asul yung mata. Parang mga gago, ngayon lang ba sila nakikita ng magandang dilag? Anyways sabi sa meeting kanina pwede daw kami mag uwian o kumuha ng dorm pero since hindi ako sure sa lugar na'to pinili ko na lang mag uwian. Kahit papaano alam ko na ligtas ako doon habang naglalakad ako nakaramdam ako ng weird feeling na parang may nagmamasid saakin, pero kada lilingon ako sa paligid mas lumalala ang presence na yon. Kakaiba talaga ang institution na'to nadidinig ko kase sa iba, bakit daw nagpapasok ng tao, akala ata nila alien sila. Minsan iniisip ko kung school ba ito or tapunan ng mga siraulo.

Kasalukuyan na naman ako naglalakad sa hallway, at kagaya noong nasa may meeting at main hallway ako maraming nagmamasid saakin, partikular na yung mga babae na nakalipstick na itim. Uso pala gothic dito, dapat talaga tumakas na ako kanina bago pa man ako makarating dito. Nilibot ko ang aking paningin saaking paligid, kakaunti lamang ang mga bintana at may ilang classroom din na walang ilaw, ang yaman-yaman ala manlang pambili ng bumbilya. Natatawa din ako dito kase may garden sila dito na puno ng pulang rosas, madalas pa tambayan nung mga weird na estudyante na all black ang suot. Ako nga lang naiiba ang kulay at style ng uniform kaya mas lalo ako kinabahan at nagtaka, sa tingin ko may sinisimbolo ang bawat kulay at uniporme dito sa school.

Umiling-iling na lamang ako at binuksan ang pintuan ng room na aking papasukan, first day of semester at kagaya ng kinagisnan ng lahat ay magpapakilala ka, pero sa pagbukas ko ng pintuan agad lumingon saakin ang mga kaklase ko. Tapos lumingon din saakin yung professor, agad naman ngumiti siya saakin at sinenyasan na maupo ako. Tumango na lamang ako at sumunod sa pinaguutos niya, kahit naglalakad ako papalapit sa bakanteng upuan hindi nawawala ang mga mata nila saakin. Hanggang sa makaupo ako ramdam ko ang matatalim nilang tingin saaking likuran, unang klase ko ngayong araw at ngayon lang ako nakaramdam ng takot sa buong buhay ko. Eskwelahan ba talaga tong napasukan ko?, Nagsitayuan kami at iniisa-isa ang pagpapakilala apat na pangalan ang tumatak lang saakin. Jennifer Lovely Stevens, Michael Harrison David Malik, Tiffany Levi Rivera, at Shawn Jason Rivera, feeling ko sila lamang yung mga tao na kailangan kong iwasan. Sinabi ng tinig ng lalaki saaking panaginip, wag ako magtitiwala kahit na sino, sarili ko lamang ang pagkakatiwalaan ko.

Nagtataka din kase ako dahil bukod sa pangalan, edad, magulang, hobby kailangan pa sabihin kung ano ang lahi mo. Nagtataka din ako dahil karamihan ang sinasabi nila ay witch,elf,ghoul,wizard, lycan, werewolf, at vampire. Ano ba talaga napasok ko na'to, naramdaman ko naman ang mga kakaibang titig nila saakin nakangiting nakakakilabot yung Professor saakin, napaatras ako bahagya dahil nakita ko nandoon siya sa desk niya tapos bigla na lamang siya nasa harapan ko. Tila nawala ang boses ko dahil sa takot na nararamdaman ko, ang lahat ng estudyante na nandito ay tinitignan ako ng masama at nakangisi silang lahat. Pilit ako inaabot nung Professor na weird na'to, napansin ko din mahaba ang kanyang kuko at tila nauuhaw sa dugo?.

"Now, my dear what's your name?. Just repeat what your classmate just said" *laughing maniacally*

Tinignan ko yung mga kaklase ko at talagang lahat sila pinagmamasdan ako, ang buong katawan ko ay nanginginig na dahil sa sobrang takot na aking nararamdaman. Dumagdag pa sa takot ko yung pagtawa nung Professor na'to, nagtakip ako ng dalawang tenga at bumubulong saaking sarili na panaginip lang ang lahat na'to. Nagtawanan silang lahat kaya lalo ako natakot, paatras ako ng paatras hanggang sa naramdaman ko na lamang na tila humihiwalay ang aking kaluluwa saaking katawan. Ano ba talaga ang institution na'to?, Napalingon ako sa pintuan at tumambad doon ang isang babae na may kulay itim ba o dark brown na mata, hindi ako nagkakamali pamilyar saakin ang babae na'to.

"Stop playing with her Deinaitrei"

Malalim yung boses niya at noong tignan niya ako ay tila tuluyan na humiwalay ang kaluluwa ko saaking katawan. Tumawa lamang si Denaitrei at hinayaan malalag ang katawan ko pero hindi ako nakaramdam na kahit anong sakit, tila pa nagagalak ako na binitawan niya ako.

Down To The RabbitholeWhere stories live. Discover now