*Jennifer's P.O.V*
***
"Oww my head hurts"
Tumama ba ulo ko somewhere?, Agad ako napaupo sa higaan ko at napansin ko na may kakaiba dito. Teka nga lang nasaan ba ako?, Nag iba ba sila ng design ng kwarto noong natutulog ako?. Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid ko at nagulat na lamang ako noong mapansin ko na iisa lang yung kama, agad ako tumayo at binuksan ang pintuan nakakapagtaka naman bakit naging itsurang bahay yung hallway namin?. Dahan-dahang ako bumaba sa hagdanan talagang ibang lugar napuntahan ko, natatandaan ko lang may sumakal saakin at pinatulog ako after ko siyang balakin na atakihin. Nakarinig ako tumikhim saaking likuran kaya nilingon ko agad yon, nanlaki ang dalawa kong mata at agad na lumuhod sakanyang harapan.
"Asterlorde Vladimir, how rude of me to barge in your home, Sire. Please spare my life" kabado ako ngayon dahil alam ko pwede niyang gawin kapag hindi ko siya nirespeto.
"Stand up"
Agad naman ako tumayo mula sa pagkakaluhod pero nanatiling nakayuko ang ulo ko. Sinabi saakin ni mommy na ayaw ni Asterlorde Vladimir na tinitignan siya sa mga mata, narinig ko naman muli siyang tumikhim pero nanatiling nakayuko ako. Ano ba talaga nangyari kagabi?, Ang pagkakaalala ko si Deventry yung nasa loob ng kwarto ko at siya din yung sumakal saakin. How come napunta ako sa bahay ni Asterlorde Vladimir?, At bakit nasa mundo siya ng mga tao?.
"Look at me"
I hesitantly look at him and I see his dark brown eyes softened, as he gestured for me to join him in the table. Noong una ayoko pa lumapit pero tila na hypnotized niya ako sa pamamagitan lamang ng pagtitig niya saakin, napatingin na lamang ako sa hagdanan noong marinig ko na may pababa doon.
"Hello?, Anybody here?. Is there anyone else here?, Nasaan na naman ako napadpad?. Takte naman lagi na lang ako nawawala sa mga lugar napuntahan ko"
Tinig ni Franchesca yon ah?, So nandito din siya?. Sabagay nga kase nakita ko pinapaangat siya sa higaan ni Daventry, bago pa man ako mawalan ng malay. Tatayo sana ako para puntahan siya pero pinigilan ako ni Asterlorde Vladimir. Siya na lamang ang tumayo upang konprontahin si Franchesca, gulong-gulo pa din ang utak ko sa nangyayari saakin. May bigla na lamang ako naalala, since nakasapi sakanya si Deviola may kakayahan na din si Asterlorde Vladimir mag balatkayo. Tinignan ko ang nakatalikod na Asterlorde Vladimir pero noong nilingon niya ako ibang anyo ang nakita ko, nanlaki ang mga mata ko noong makita ko si Deviola doon nakangiti saakin at bigla na lamang ako nawalan ng malay matapos magtama ang mga mata namin.
***
*Franchesca P.O.V*
Bahay?, Nakauwi na ba ako saamin?. Agad ako tumayo saaking higaan pero napansin ko kakaiba arrangements ng kwarto, tumingin naman ako bintana pero imbis na parking lot ang makikita ko, isang magarbong hardin ng mga pulang rosas isama mo pa ang fountain sa gitna. Kakaiba Ito, kagaya ng hardin na'to sa panahon na napuntahan ko. Tumungo ako sa pintuan, binuksan ko Ito pero imbis na hallway ng Sanguis University ang bubungad saakin, isang hallway ng bahay na napapligiran ng pillars ang bawat poste ang bumungad saakin. Agad kumunot ang noo ko at nag observe saaking paligid, naglakad-lakad ako nagbabakasali na may makakasalubong akong estudyante para makapag tanong ako sa nangyayari. Bumaba ako sa unang hagdanan na nadaanan ko, living room? Nasa bahay nga ako, pero wala ako sa bahay namin. Binuksan ko ang mga labi ko para magtanong kung may iba pang tao rito.
"Hello?, Anybody here?"
Wala akong narinig na kahit kaluskos, lumingon ako saakin paligid, nakiramdam na baka mahina lamang ang ginagawa nilang ingay. Sa laki ng bahay na'to impossible na wala akong masagap na ingay, maari mag echo ang kahit ano mang tunog na lilikhain ng nanirahan rito. Muli ako nagtanong para marahil hindi nila ako narinig, lumingon muli ako sa hagdanan noong nakarinig ako ng kaluskos doon, kumunot ang dalawang kilay ko at pinagmasdan lamang ang hagdanan at tyaka ako nag salita muli.

YOU ARE READING
Down To The Rabbithole
FantasyCOMPLETED/IN PROCESS OF REVISION Series #1: Down To the Rabbithole There are two worlds beneath our planet, inhabited by races we don't know about. The only way to get there is through your nightmare. Will you put your life in danger? Just because y...