"S-Sino ka?" Kinakabahang tanong ko habang humakbang papaatras dito. Kahit sobrang ganda niya sa suot nitong kulay puti, maamong mukha ay ramdam ko parin ang malakas na kapangyarihan na bumabalot sa katauhan nito.
"Don't be afraid, young man." Anito habang iminuwestra ang kamay paharap sakin. Lumapit ito sa akin at parang itinulos ako sa kinatatayuan ko. I can't fucking move! Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong nasa harapan ko na ito. Hinawakan nya ang kamay ko. I gulped. Kinakabahan ako pero somehow I know that she will not harm me.
Napatingin ako sa malambot na kamay niya.
"Hindi kita sasaktan." Anito sa malumanay na boses and for an unknown reason, I felt relaxed and safe. Iminuwestra nito ang kamay sa likod at lumuwa ang dalawang upuan. Parang magic! Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
"P-Paan—"
"Umupo ka." Sabi nito at nagpatinauna sa pag-upo. I am still clueless. Ano ba ang lugar nato?
Parang may sariling utak ang paa ko na lumapit dito. Tumikhim muna ito at ngumiti.
Napakaganda talaga nito. Nakakabighani sa ganda.
"Trevor, I am Artemis. The Moon Goddess."
Nanlaki ang mata ko at agad na lumuhod sa harapan nito bilang respeto. I heard her chuckled.
"Halika at may sasabihin ako sayo." Napaangat ako ng tingin at nakitang inilahad nito ang palad sakin. Nagdadalawang-isip na tinanggap ko ang kamay nya at tumayo.
"Kumusta ka?" Panimula nito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nakatitig lang ako dito. Sobrang namamangha dahil hindi ko ito inaasahan.
"N-Nasaan po tayo?" Tanong ko habang nakatitig parin dito. Hindi ko nasagot ang tinanong nya kasi hindi ako makapag-isip ng maayos. It feels surreal. Parang joke lang ang nayayari ngayon. Tinapik ko ang mukha ko kasi baka nananaginip ako. I heard the moon godess chuckled again. Napakurap na naman ako.
"We're in your dreams, my child."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. I gulped. "W-We're in my d-dreams?" Ulit ko at tumango ito. Kumunot ang noo ko. "A-Ah, b-bakit po andito kayo?"
Nakita kong pumitik and daliri nito and in an instant parang sine na napanood ko ulit ang eksena ng sinusugod kami ng mga rouge sa pack house. Hindi ko matagalan ang panonood dahil sariwa parin ang pagkamatay ng Mommy at kapatid ko. Ramdam ko ang panginginit ng mata ko at pagbara sa lalamunan. Nahihirapan akong huminga.
Hinawakan ako ni Moon Goddess sa balikat kaya napakurap ako.
"Alam kong masakit para sayo ang mamatayan ng pack members, lalong-lalo na at kabilang sa mga namatay ang iyong Ina at kapatid." Malumay na saad nito. Para namang hinihiwa ang puso ko.
"Si Kira." Napa-angat ako ng mukha ng bigkasin ni Moon Goddess ang pangalan ng mahal ko.
"Mahal mo ba sya?" Malumanay na tanong nito. Napayuko ako dahil nahihiya ako. Isang mortal sin kung tawagin ang pagri-reject ng isang mate lalong-lalo na na si Moon Goddess ang nagbuklod sa aming dalawa. Agad akong lumuhod sa harap ni Moon Godess at yumuko.
"Patawad, po at hindi ko nirespeto ang inyong desisyon. I rejected my mate. I know it is very unforgiveable. I know I hurt my equal. Pero mahal ko po sya. Mahal na mahal ngunit kailangan kong gawin kung ano ang mas makakabuti sa pack members ko." Agad kong paliwanag. Tumahimik si Moon Goddess kaya mas lalo akong kinabahan.
"Mali." I bit my lips when I heard what she said. Inihanda ko ang sarili ko sa ihahatol ni Moon Goddess sa'kin.
"Mali ang desisyon mong pakasalan si Ashley para lang sa isang kasunduan. Hindi mo ba naisip, may nakatakda ring isang taong lobo kay Ashley? At hindi mo ba naisip ang pinagdaanan na sakit ni Kira?" Malumanay na sagot nito pero alam ko parang may diin ito. Hindi ko mawari pero parang may galit itong tinatago. "Itinakda ko si Kira sayo dahil alam kong nararapat sya sayo. Walang sinuman ang makakapagsabi na mali ang ibinigay ko na kaperaha mo dahil ako ang labis na nakakaalam."
"P-Patawad p-po. Nagsisisi po ako. Sising-sisi po ako. May mahal na pong iba si Kira at sa katunayan po ay minarkahan na nila ang isa't-isa." Pinigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko. Kinurap ko ng pauli-ulit ang mga mata ko.
"Nasa huli ang pagsisisi, Trevor. At proud ako sayo dahil inamin mo ang pagkakamali mo. Ngunit gusto kong sabihin sayo na ang mga ito ay nakatakda ng mangyari. Isa itong leksyon na dapat mong matutunan. Si Kira. Isa syang regalo na itinakda ko para sa'yo pero sinayang mo lamang ang pagkakataon."
"A-Ano po ang ibig nyong sabihin?" Kunot noong tanong ko pero ngumiti lang ito.
"Malalaman mo rin sa tamang panahon. Sa ngayon gusto kong malaman, ano ang plano mo?" Parang may bumikig sa lalamunan ko sa tanong nito.
"Ipinaubaya ko na po sya dahil alam kong kasalanan ko naman talaga kung bakit naging ganito ka komplikado ang lahat. Pero hindi ko parin maintindihan kung bakit naging sila ni Nathaniel."
"Trevor, halika at umupo ka sa tabi ko." Inalalayan niya akong makatayo. Hinawakan nya ang kamay ko.
"Magsisisi man sa huli wala ng mangyayari." Takang tiningnan ko sya sa sinabi niya,
"Hindi ko po maintindihan." Sagot ko.
"Hindi mo kailangang maintindihan ngayon pero gusto kong sabihin sa'yo na pinili mo kung ano ang gusto mo. Face your consequences, Trevor. You will soon realized what you've done but I want you to forgive yourself and learn from those mistakes." Naguguluhan parin ako pero tumango ako. Alam kong may ibig sabihin sa likod ng sinasabi nito.
"May malaking pagsugod ng rogue na magaganap Trevor. Gusto kong maghanda kayo." Nabahala ako sa warning nito.
"Gather all your fighters. I will send you the best warrior to train you."
Halos hindi ako makapaniwala sa sinabi nito. "T-Talaga po?" Bumukas ang pag-asa ko na walang masamang mangyayari sa pack ko.
Ngumiti ito at tinapik ako sa pisngi. "Pasalamatan mo sya dahil pumayag syang tulongan kayo."
"Sino po sya?" Agad kong saad.
"Makikilala nyo sya bukas ng umaga. Pupunta sya sa pack house nyo kaya kailangang tipunin mo na ang lahat para makapag-umpisa kayo agad. Bilang nalang ang mga sandali at susugod na ulit ang mga rogue sa inyo." I gulped and nod in desperation.
"Basta tandaan mo Trevor, Magsisisi man sa huli wala nang mangyayari." Pagkasabi nito ay ngumiti ito at biglang nawala sa harap ko.
"Moon Goddess!" Tawag ko ngunit nakita kong andito ako sa loob ng kwarto ko. Pumikit ako ulit at dumilat. Sapo ko ang noo habang malakas ang paghinga.
Panaginip!
Totoong ngang panaginip.
"Magsisisi man sa huli wala nang mangyayari." Narinig ko ang boses sa bahagi ng utak ko.
****

BINABASA MO ANG
Disguised Hybrid (Book I: Completed) [SOON TO BE PUBLISHED]
Fantasy[WARNING: My story is raw and unedited. Read at your own risk. You've been warned.] ------------------------------------------------------------- Kira is not an ordinary werewolf, neither a nomad. Blood Moon will rise every century. Two kingdoms of...
Chapter 26: Dream
Magsimula sa umpisa