"Wae?" Sagot ko. (why)
"Sa-sabi niya sa-sa-sawa na daw siya sa-sakin" biglang humagulhol si Kahi.
"Pabo! (stupid) hindi yun yung tinatanong ko. Ang gusto kong malaman eh kung bakit ka nagkakaganyan. Parang lalaki lang. Tsaka wala pa naman kayong 1 month nun tapos kung makaiyak ka para kang may pinaglalamayan."
Hindi ako manhater ha? NBSB lang. Di ko lang magets tong si Kahi. Hindi naman siya ganyan sa mga ex niya dati eh.
"He's different" unti unti niyang pinunasan yung luha niya. Tapos tumingin siya sa mata ko. "I love him. Sakanya ko naranasan yung slow mo. Sakanya din tumibok ng sobrang lakas yung puso ko"
Ok. Ako na ang hindi makarelate! Pero mukha ngang nasasaktan talaga si Kahi.
"Eh bakit siya nakipag break? Saan siya sawa?" tanga naman nung Yael na yun! Kung ako na mismong babae nagagandahan kay Kahi eh. Sexy. Maganda. Maputi. Makinis. At isa pa, malalaki ang assets niya.
At ako naman? Wag niyo na tanungin. basta lahat katamtaman lang.. yung ibang parts naman pinagkaitan. -_-
Yung mukha ko? Ok lang naman. Kuntento naman ako pag humaharap sa salamin. Basta! Itanong niyo nalang mamaya kay Kahi! Ayoko magbuhat ng sariling bangko. Hihi!
"Nagsawa siya kasi nakahanap na siya ng iba!" nagmamaktol na parang bata si Kahi. May nalalaman pang pasipa sipa. "ayun siya oh!" turo niya dun sa guy na nakatikod.
Siya pala nagpaiyak sa bestfriend ko ha! Humanda ka sakin! Kahit naman baliwag tong si Kahi mahal na mahal ko siya no!
Bigla na akong tumayo sa upuan ko. "where are you going Yuri?' hawak ni Kahi yung braso ko.
"Just wait here. May sasampolan lang ako."
Hindi na niya ako napigilan. Dumeretso naman ako dun sa lalaki. May kasama siyang babae at nagsasayaw sila. Ang kapal! Sa harap pa talaga ng bestfriend ko siya nambabae! Kinalabit ko siya pero tinignan lang niya ako na parang who-are-you-loser-look. Infairness, gwapo pala siya bastos nga lang! pwe! Tumalikod ulit siya at hinarap yung babae kasayaw niya.
Aba makapal! teka nga lang.
Hinila ko yung isa niyang balikat at hinarap ko siya sakin.
"What the hell is your problem?!" galit na galit yung tingin niya.
Medyo natakot ako sa part na yun pero hindi ako magpapatalo sakanya noh!
"Ikaw! anong problema mo?!" sigawan pala gusto niya ah! "Ang kapal naman ng mukha mo. Pagkatapos mong pagsawaan yung bestfriend ko may kalandian ka na agad at sa harap pa niya!" hindi ko alam kung saan nanggaling yung lakas ng loob ko nun.
Parang gigil na gigil na sakin yung guy. Huhuhu! Mommy! Nakakatakot siya! Mas nakakatakot siya kesa dun sa bouncer sa labas! Hinawakan niya ng mahigpit yung braso ko.
"Ano bang kabaliwan yang sinasabi mo?! Pwede ba kung lasing ka na umuwi ka na!"
Mukha ba akong lasing?!
"Hoy hindi ako lasing! Nandito ako para sunduin yung kaibigan ko na niloko mo! A-hole!" sabay sampal ko sakanya. Medyo malakas kahit ako nasaktan eh.
Tumingin ulit siya sakin. Shete! Mali yata yung ginawa ko. Ang sama ng tinin niya eh! Kala mo makakapatay!
"Kent anong ibig sabihin nito?!" biglang nagsalita yung babae na kasama niya.
Tinawag ba siyang Kent? Akala ko ba Yael?
Uh-oh.
You're so stupid Yuri.
"Let me explain Dianne. I don't know what that crazy girl is saying." Hinawakan niya sa kamay yung girl. Bakit dun sa girl ang bait bait niya? "Trust me I don't even know her" dinuro pa ako ng loko!

BINABASA MO ANG
Escaping Mr. Devil
Teen FictionHow far would you go to escape from a devil? Would you run? Why not try to hide from him? This is the reason why Severina Yuri Choi disguised herself as a NERD just to escape from Kent Matthew Mendoza , the guy who was distressed by her stupidity...
ONE: THE ENCOUNTER
Magsimula sa umpisa