"Stop lying Kent. I'm not stupid. Akala ko iba ka sa sinasabi nila. But I'm wrong. Mas malala ka pala. I thought you were just a badboy pero isa ka din palang playboy. " Inalis nung babae yung pagkakahawak nung Kent sa kamay niya pero hinawakan ulit siya neto.
"Dianne please. Maniwala ka naman sakin. I mean it when I said I like you. Please, please trust me" nagmamakaawa padin yung Kent. Wow ha! Parang teleserye lang ang peg nila at ako? ano naman ako dito? Extra lang?!
"Bitawan mo ko" Kumawala na si girl sa pagkakahawak nung Kent at umalis na. At ako naman gusto ko ng tumakbo dahil iba yung nafi-feel ko eh. Feeling ko palpak nanaman ako. Pero parang nakabaon yung paa ko sa sahig. Hindi ako makakilos.
Unti unti ulit ako hinarap nung lalaki. Parang mapapatay niya ako sa sama ng tingin niya.
"Kent pala pangalan mo? Ikaw kasi hindi mo sinabi agad. Sorry ha? Geh una na ako." sabay talikod ko sakanya pero hinila niya agad yung likod ng damit ko.
You're so dead Yuri. So dead.
"Ganun ganun lang yun? Aalis ka nalang pagkatapos mong sirain kami ng girlfriend ko?!" ang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.
Heeeellllpppp!!!
"Sorry na nga diba? Ang OA mo naman" lalo pa nagalit yung itsura niya.
Ang OA naman kasi niya! Nagsorry na nga ako eh! Malay ko ba na hindi pala siya yung tinuturo ni Kahi!
"At ako pa ang OA?! Alam mo ba kung ano yung ginawa mo? Ng dahil jan sa katangahan mo nawala yung taong gusto ko!"
"Bitawan mo nga ako! Pati babae pinapatulan mo! Tama lang pala na iniwan ka ng girlfriend mo!"
"Ginagalit mo ba talaga ako?" Ano daw? Ginagalit? Edi ba kanina pa siya galit? Ang stupid naman neto!
Bago pa niya ako ma- massacre tinadyakan ko siya sa ano niya at nabitawan niya ako.
Sabay takbo ko palayo.
"YOU'LL PAY FOR THIS, YOU UGLY STUPID CREATURE!" Sigaw niya.
Gusto ko sana siya balikan at sabunutan, tawagin ba naman ako ugly stupid creature?! Oo stupid ako pero hindi ako PANGIT! At creature daw? Ginawa pa akong taong lupa!
Binalikan ko si Kahi agad. Pinilit ko siyang itayo tapos inalalayan ko nalang. Paano kasi wala ng malay! Halos kaladkarin ko na nga siya palabas ng club. Yun yata yung tinatawag nilang adrenaline rush.
Pagkasakay namin sa taxi nakahinga na ako ng maluwag. Nakakatakot talaga yung lalaki na yun! Ang bad niya! Patulan ba naman daw ako! Nag sorry na nga yung tao eh. Tsaka bakit kasi haharang harang siya? Ayan tuloy napagkamalan kong siya yung tinuro ni Kahi.
Oh my god! That was a near death experience. Buti nalang hindi kami magkakilala nun at hindi ko na siya makikita. Buti nalang talaga!
***
"Yah! Kahi Nicole Sy tumayo ka na jan!" Eto talagang party girl na to tanghaling tapat na bangag pa din. Pasalamat nga siya hindi ko siya inuwi sakanila. Alam ko naman kasi na ang paalam niya na sa amin siya eh. Ganun kasi lagi niyang paalam pag magcluclub siya.
"Ano ba yun? Ang aga aga nakasigaw ka nanaman." Siya pa may ganang mainis?! Eh ako nga tong napahamak dahil sakanya.
"Ikaw ha! Last mo na yan. Hindi na ulit kita susunduin sa club. Alam mo ba yung nangyari sakin dun kagabi?!" Ugh! Pag naalala ko yun magkahalong inis at takot yung nararamdaman ko. Hindi ko padin kasi makalimutan yung mukha nung Kent eh.
"Ano ba yung nangyari sayo ha? Bigla ka nalang nawala sa paningin ko. Sabi mo pupuntahan mo si Yael." Hindi ako makasagot sakanya. Nakakahiya kasi talaga e. pumalpak nanaman ako. "Wait.. don't tell me may kapalpakan ka nanamang nagawa Yuri."

BINABASA MO ANG
Escaping Mr. Devil
Teen FictionHow far would you go to escape from a devil? Would you run? Why not try to hide from him? This is the reason why Severina Yuri Choi disguised herself as a NERD just to escape from Kent Matthew Mendoza , the guy who was distressed by her stupidity...
ONE: THE ENCOUNTER
Magsimula sa umpisa