抖阴社区

11: I Tried but I Failed

150 4 0
                                        

Kinaumagahan nagjogging silang lahat naging masaya naman sila dahil hindi nawala ang kulitan. Hindi na ata mawawala sa kanila yun pag nagsama sama na sila.

Pagdating sa resthouse nagpatuloy pa rin ang asaran nila, paminsan minsan sumasali din si kael sa pang-aasar.

"Alam nyo dapat pag weekend ginagawa natin ito sabay sabay, hindi yung puro foodtrip lang tayo" suggestion ni alexis habang nakaupo sa sofa

"Tama para health is wealth!" pagsang-ayon ni reiley sa asawa

"Ano pakiulit nga" pang-aasar ni vincent sa kaibigan

"Wag na english eh" sagot ni reiley

Nagtawanan sila.

"Mga loko loko talaga kayo" napailing na lang si michael sa kalokohan ng dalawang kaibigan

"Pero tama si Alexis dapat ginagawa natin ito every weekend" pagsang-ayon ni samantha sa sinabi ni alexis

"Kami nila kuya lagi namin ito ginagawa" kwento ni mika

Every weekend morning nagja-jogging sila sa village nila.

"Minsan nga kasama pa sila dad" dugtong ni michael

"Ganito ang plano simula next weekend, sabay sabay tayo magjogging. Okay ba yun?" tanong ni andrew sa lahat

"Oo naman!" sagot nilang lahat

Para naman maiba yung bonding nila puro pagkain kasi ang kaharap nila pag nag kita kita silang lahat.

"Tito Ninong Reiley!" pagtawag ni kael

"Yes baby boy?" humarap naman si reiley sa kanya

"Did you do some work-out sometimes?" tanong ni kael

"Nooooooo?" nagdadalawang isip na tanong ni reiley

"Ow I knew it!" natatawang saad ni kael

"Why?" takang tanong naman ni reiley

"Because you don't have abs like tito daddy and a little bit fat" pang-aasar ni kael sa kanya

Pinagtawanan si reiley ng lahat.

"Realtalk tol hahahah" gatong ni vincent sa pamangkin

"Grabe mapang-asar din ang anak mo mana sa inyo ng bestfriend mo" rekalmo naman ni reiley kay mika

"Malamang sa kanila mag mamana yan, anak nila yan eh" natatawang sagot naman ni nathan

"Tito Ninong Nathan!" pagtawag ni kael sa kanya

"Yes?" lumingon din si nathan sa bata

"What will you do later?" tanong ni kael

"Nothing!" simpleng sagot ni nathan

"Ow nice, I can teach you how to dance so you knew how to dance properly" pagbibiro naman ni kael sa kanya

"Boom! Basag hahahaha" pang-aasar din ni vincent sa kanya

"Tol ang bilis ng karma noh" gatong naman ni reiley

"Bully din ang anak mo eh noh" reklamo naman ni nathan

"No I'm not, I'm just telling a truth and I'm telling what I observe like Tito Ninong Vincent" depensa naman ni kael, nakakaintindi naman sya ng tagalog

Napalunok naman si vincent dahil alam nyang sya na isusunod ni kael na asarin.

"What did you observe at him?" nakangiting tanong ni cristal sa bata at pa-simple pang tumingin sa fiance

Where is my daddy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon