抖阴社区

Chapter 16.1 -Kirby and Kahi Moment

Magsimula sa umpisa
                                    

Tatlong taon niya ako hinayaan na maawa sa sarili ko dahil buong akala ko ay nagpakatanga lang ako.

And now tell me, isn't he already too late?

Kung sa school nga after 5 mins late kana, siya pa kayang 3 years na nahuli?

"Kahi...please.." he begged. His voice is also shaking. Alam kong nasasaktan siya.

Pero nasasaktan din ako.

"Three years Kirby.. you could've told me, 2 years ago or 1 year ago baka hindi pa naging huli yung lahat" sunod sunod yung pagpatak ng luha ko. "Pero bakit kasi ngayon lang? Three years. Why are you telling me all of these kung kailan pakiramdam ko nakalimutan na kita?"

If he really meant every word he said, this coud've broken him into pieces.

And yes. It does. I can see it in his eyes.

***

Kirby's POV

"Three years Kirby.. you could've told me, 2 years ago or 1 year ago baka hindi pa naging huli yung lahat."Kahi said while wiping her tears.

Damn it! I really hate seeing her cry.

Alam ko naman yung posibilidad na pwedeng huli na talaga yung lahat, pero kung hindi ako susugal ngayon, kailan pa?

"Pero bakit kasi ngayon lang? Three years. Why are you telling me all of these kung kailan pakiramdam ko nakalimutan na kita?"

Those words hit me like a thousand knives. So this is how she felt noong pinagtabuyan ko siya.

Masakit pala. Tang*na!

Sabi nila pag mahal mo yung isang tao wag mong hahayaang masaktan siya pero ganito pala kasakit yung pinadanas ko dati kay Kahi!

Ang gago ko! Sana sinampal na lang niya ako o di kaya sinapak kasi iyon kaya ko yung sakit pero yung mga sinabi niya? Fvck! It broke me into pieces! Oo ang bakla pakinggan pero pag ikaw ang nasa posisyon ko ngayon, mapapamura ka nalang sa sakit!

I know I deserve this. I deserve all of these for hurting her before and for being such a coward!

Wala naman talaga akong balak na ngayon kausapin si Kahi tungkol dito. Gusto ko lang talaga na makasama siya. Na maging masaya kami lahat na alam ko na puro asaran lang ang mangyayari samin. Hindi ko inaasahan na bigla nalang lalabas sa bibig ko yung mga sinabi ko.

Ang tanga ko lang para isipin na baka gusto padin ako ni Kahi. Tama nga siya, sino ba naman tao ang magpapakatang ng dalawang beses sa katulad ko?

"Alam ko naman yun eh. Alam ko na huli na ako. Pero nagbakasakali padin ako. Sumugal ako ngayon. Pero naisip ko, sana pala dati pa ako sumugal. Sana dati pa ako nagkaroon ng lakas ng loob. I'm sorry Kahi. I'm sorry for thinking that you could've still be the same person as you are 3 years ago."

Hindi ko nadin mapigilang mapaluha. Tang*na kasi! Ang sakit! Kung inaakala niyo na bading lang ang umiiyak pwes mali kayo! Hindi kayo tao kung hindi kayo umiiyak! Patay lang ang hindi umiiyak kasi sila lang yung hindi nakakaramdam ng emosyon!

Hindi ko nadin naiwasan na hilain si Kahi at yakapin siya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"Pero Kahi... tutal, sumugal nadin ako..lulubusin ko na, pwede ba kahit hayaan mo nalang ako na manatili sa tabi mo? Dito lang ako oh. Dito lang ako sa tabi."

Ayokong isipin na eto na yung katapusan namin ni Kahi. Gusto kong manatili padin sa tabi niya. Mababaliw yata ako kapag hindi ko siya nakita. Gusto ko din isipin na baka sakaling magbago ulit yung isip niya at matutunan niya ulit akong mahalin basta maghintay lang ako.

Escaping Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon