"Maghihintay lang ako Kahi. Hindi naman ako mainipin eh."
"But Kirby---"
"Shhh. Please don't say no.. for now. Hayaan mo muna akong gawin to. Please say na pagiisipan mo. At habang pinagiisipan mo dito lang muna ako. Please Kahi. Please." I'm still begging habang nakayakap padin ako sakanya.
Halos suportahan ko na buong katawan ni Kahi dahil hindi na siya makatayo sa sobrang pag iyak.
Gusto kong sabihin na ako si secret admirer dahil baka magbago yung isip niya pero ayoko. I don't want to take advantage of her again. Ayokong ipanlaban yung katauhan ko bilang si secret admirer. Ngayon, kung papayagan ako ni Kahi na manatili sa tabi niya, gusto ko ako lang si Kirby John Javier, at hindi bilang si secret admirer.
"Please say yes Kahi.." hinigpitan ko lalo yung yakap ko sakanya. Pero hindi yung sobrang higpit. I gave her a slight distance for her to breathe.
Naramdaman ko na tumango si Kahi at parang nabuhayan ulit ako ng lakas ng loob.Mahirap tong gagawin ko dahil wala akong assurance kung sa dulo eh magugustuhan ulit ako ni Kahi pero ngayon kasi, handa na akong sumugal. And this time...
I'm all in. Because I love her that much.
***
Nakabalik kami ni Kahi dito sa camp site ng walang treasure na nahahanap.
Iba yung nahanap namin.
Explanation, truth, chances, and taking risks.
"Goodnight Kahi." I said nung nandito na kami sa tapat ng tent niya.
"H-ha?" she stuttered.
Halatang lumulutang padin siya dahil parang hindi niya narinig yung sinabi ko. Kunwari pa! Baka kahit konti kinilig naman siguro siya! Wahaha!
Ang cute ni Kahi! Parang inosenteng bata! Nawawala ang pagiging mataray niya pagkinikilig siya.
Lalo ko tuloy siyang minamahal.
"Sabi ko goodnight na. Wag mo masyadong isipin yung sinabi ko. Hindi naman kita pinepressure."
"Ah-eh.. feeling mo naman! Hindi yun yung iniisip ko no!"
-______-
Ano ba yan! Akala ko kasabay ng pagbabago ng desisyon niya eh nagbago nadin pati yung trato niya sakin. Hindi pala! Ang sungit padin niya sakin. Pero ok lang, maganda padin siya kahit nagsusungit!
T*ngna! Adik na yata ako dito kay Kahi!
At least hindi ako sa drugs nag aadik diba?
"At tsaka hindi porket binigyan ulit kita ng second chance eh ok na agad tayo. Syempre papahirapan muna kita!"
O_____O
Bumalik nanaman sa pagiging amazona tong si Kahi. Pero ayos lang! Handa naman ako eh! Ako paba?! For sure sa dulo hindi din niya mahihindian yung ka-pogian ko!
"Ok lang sakin yun Kahi. Ano bang gusto mong gawin ko? Maging butler? Driver? Assistant? Maid? Slave? Or..." I paused.
"husband?" dugtong ko sabay ngiti ko sakanya.
At pinalo lang naman niya ako sa braso gamit yung bakal niyang kamay!
"Aray Kahi! Masakit yun ah! Joke lang naman yun! Masyado ka kasing seryoso." Sabi ko.
Pero seryoso, medyo masakit nga. Ang bigat ng kamay ng babaeng mahal ko!
"Nagrereklamo ka ha?! Paano kung sabihin ko gusto kitang gawin punching bag?! Ano susuko ka na?!"
"Hindi no!" mabilis kong sagot. Hindi na ako nag isip pa!
"Punching bag ba kamo? Eto oh. Etong katawang to, iyong iyo na to. Suntukin mo kung gusto mo.. pero pwede mo din naman yakapin."
At sa pangalawang pagkakataon natikman ko nanaman ang bakal na kamay ni Kahi.
Seryoso nga siya nung sinabi niyang gagawin niya akong punching bag.
-____-
"Hoy Kirby John Javier ha! Wag mo kong iniinis!" sabay duro pa niya sakin.
"Hindi kita iniinis. Pinapakilig kaya kita Kahi Nicole Sy."
At syempre natigilan nanaman si Kahi.
Namiss ko tong asaran namin ni Kahi. Kanina kasi masyadong ang bigat ng nangyari eh.
"Tse! Dyan ka na nga! Bukas ko na sasabihin sayo kung anong gusto kong gawin mo! Pag iisipan ko muna kung paano kita papahirapan."
"Ok lang! Ready na ako Kahi. Basta simula bukas, wala ka ng kawala sakin." Sabay bigay ko sakanya ng pamatay kong ngiti.
Wala siyang kawala sakin kasi pumayag siya na mag stay ako sa tabi niya. Bantay sarado to sakin bukas!
At agad naman na napalunok si Kahi at medyo namula din siya.
"I-i-k-kaw ang walang kawala! Ako ang masusunod!" she contested. Medyo nagstutter pa siya sa simula. Ganun kasi talaga yung common effect ng ngiti ko.
Oha! Ngiti palang yan ah!
"Oo na. Sige na Kahi. Matulog ka na. Goodnight."
Bigla naman lumambot agad yung expression ni Kahi pagkasabi ko nun.
"H-ha? Ah-eh..goo-" hindi niya tinuloy yung sasabihin niya. Instead, binigyan lang naman niya ako ng 360 degrees na irap.
"Dyan ka na nga! Tse!" bago pa siya makapasok ng tuluyan sa tent niya nagsalita ulit ako.
Gusto ko kasing isipin niya talaga ako bago siya matulog.
"Wag kang magalala Kahi, bukas paggising mo, mahal padin kita."
Sabay talikod ko at tumakbo na palayo sakanya. And there I left her, stunned. Nanlaki pa nga yung mga mata niya at natigilan yung bibig niya.
And I know, she'll think of me for the whole night. And I hope she'll also dream about me too.
Kasi ako, she has always been in my dream.
And she has always been my dream three years ago and until now.

BINABASA MO ANG
Escaping Mr. Devil
Teen FictionHow far would you go to escape from a devil? Would you run? Why not try to hide from him? This is the reason why Severina Yuri Choi disguised herself as a NERD just to escape from Kent Matthew Mendoza , the guy who was distressed by her stupidity...
Chapter 16.1 -Kirby and Kahi Moment
Magsimula sa umpisa