Mahina siyang humagikgik at tumingin muna kay tita Salve bago bumaling sa akin.
"Nandoon kasi yung mga player ng basketball ng LSU. Dami kasing gwapo dun... Alam mo na..." mahina siyang natawa kaya napailing ako.
"College na ang mga iyon!" sagot ko.
Sumimangot si Alice na tila ba naasar sa sinabi ko. "Eh ano naman? Hindi ko naman sinabi mag aasawa na tayo. Kaya nga titignan lang natin sila di'ba?" sagot niya tsaka umirap.
"Nakakahiya!" sagot ko.
"Tse!basta pupunta tayo." sagot niya sabay upo sa dining tabe katabi ni tita Alice.
Tahimik kaming kumain ng sabay sabay. Panay pa nga ang pangaral ni tita Salve sa amin na pag aaral ang atupagin namin. Hindi naman ako nagsasalita dahil pag aaral naman talaga ang inuuna ko. Si Alice naman sa tapat ko ay halos mabilaukan na sa pangaral ni tita Salve sa amin.
"Ang sarap niyo talaga magluto tita! The best!" si Alice na halos hindi na makahinga sa dami ng nakain.
"Nako! Matakaw ka lang talagang bata ka." natawa si tita.
Napangiwi si Alice. "Grabe naman si tita... Dito lang naman ako nakakain ng ganito kadami." Umarteng nasaktan si Alice sa sinabi ni tita. Minsan naisip ko na may career talaga si Alice sa pag aartista.
Umiling nalang ako sa sagutan nila. Para na din kasing anak ang turing ni tita kay Alice at para na din nanay ni Alice si tita Salve.
Masayang masaya kami sa hapag kainan dahil sa presensya ni Alice. Somehow, natutuwa naman ako dahil alam kong nandito sila para sa akin. Sabagay, sabi nga nila.. hindi mo naman makukuha lahat ng gusto mo.
That's reality. Pero diba realidad din naman na mahalin at kalingain ako ng mga magulang ko kahit ngaun lang?
" Tara na!" Nabalik ako sa realidad ng magsalita si Alice. Kumunot ang noo kong napabaling sa kanya. "Ha?" Nagtatakang sagot ko.
Madramang umirap si Alice at inayos ang bangs niya na medyo nagulo. "Di'ba... sa clubhouse? Haler? Earth to Icai!!" Marahan niyang hinampas ang ulo ko kaya napanguso ako.
"Sabing ayaw e," ngumuso ako. Ang totoo kasi ay wala naman akong planong sumama sa kanya. At hanggang ngaun umaasa pa din ako na dadating si Mama at Papa.
Huminga ng malalim si Alice at niyakap ako. "Alam kong hinihintay mo sila, Icai."Ginulo pa niya ang buhok ko. Malungkot siyang ngumiti sa akin ng harapin niya ako.
"Kahit ngaun lang. Isipin mo ang sarili mo. Yung ikaw lang." Salita niya. Tulala ako ng ilang saglit bago napag isipan na tama siya. Bakit ko ba pinapatay ang sarili ko kakahintay sa mga taong hindi naman ako naalala? Mahal ko ang magulang ko pero minsan ay napapagod na din ako. Napapagod na sa pambabaliwala nila sa akin.
I decided to come with Alice. Nagbihis ako ng tshirt at short. Medyo nagalit pa nga si Alice sa suot ko.
"Nu ba yan! Para kang magwawalis sa bahay." Reklamo niya habang naglalakad kami papunta sa clubhouse. Binalewala ko nalang ang mga salita niya dahil sanay na ako sa kanya.
Panay ang talon ni Alice, habang naglalalakad. Tahimik naman ako sa gilid niya at paminsan ay nagpapakawala ng buntong hininga.
"Labing apat." Salita ni Alice kaya naagaw niyang atensyon ko. Kumunot ang noo ko habang naiiling siya na natatawa.
"Daming buntong hininga ah." ginulo niya ang buhok ko. Lalong kumunot ang noo ko. "Nabilang mo?" Para akong tanga nagtanong.
Humalakhak si Alice. Natigilan kami dahil sa hiyawan. Para bang may kung anong sumanib sa kanya na bigla nalang naging sopistikada.

BINABASA MO ANG
Our Strings (Strings Series 3)
Non-Fiction"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love me.." she wiped her own tears. "Yung ako naman.. yung ako lang..."
OS- kabanata 1
Magsimula sa umpisa