抖阴社区

NINETEEN: Game on!

Magsimula sa umpisa
                                    

Sabi ko sainyo maganda ako eh! Bulag lang talaga si devil!

Nasan na kaya yun si devil? Ang sarap kasing isampal sakanya ng ganda ko eh. Tutal hindi na ako naka disguise. Psh! Panget pala ha! Who you ka sakin ngayon!

Tapos naisip ko tuloy si Nico. Weeeehhh! Baka lalo niya akong magustuhan ngayon. Kainis kasi si devil! Laging wrong timing.Hindi man lang kami pinatapos ni Nico. Sana kahit pinatapos man lang niya na sumagot ako ng OO bago siya nambulagbog! Aish!

Wala pang masyadong tao sa parking lot kasi maaga pa. At habang naglalakad ako suot ang ootd ko na uniform......... (Ginawa ko kasing mala Blair Waldorf yung uniform namin eh)

Wait ano to? Bigla nalang may nagtakip sa bibig ko.

Rape! Rape! Ay mali!

Kidnap pala. Kidnapping kidnapping!

"sdfghjkldfghjkldfghjkl!!!!" hinampas hampas ko yung kamay niya pero ang laking tao eh. Nasaan na ba yung driver/butler ko! Mommy! Daddy! Kuya! Help!

Sinakay nila ako sa backseat ng kotse. Hindi ako makakilos o makasigaw kasi may tali yung kamay ko at naka tape yung bibig ko. Sumakay naman sa front seat yung kumuha sakin. Yung car para siyang limo na pwedeng sarhan yung backseat and front seat. Kidnapper ba talaga tong mga to? Kami nga walang ganitong car tapos sila meron! Diba commonly ang car na gamit ng mga kidnapper eh lumang van na mukhang sinagasaan ng tren?

Pero eto sosyal pa yung car na gamit eh!

Wala pang 10 mins nung ibaba na nila ako sa sasakyan. Teka? Bakit dito kami pumunta?

Bakit sa Empire hotel?

Wahhhh!. Rape. Rape.

Hawak hawak ako ng dalawang maskuladong panget na lalaki sa magkabila kong braso habang nakatakip padin ng tape yung bibig ko. Pumapadyak padyak ako kasi nakaangat na ako sa sahig.

Para silang mga bouncer sa club. Mali to eh.

Bakit sa public place nila ako dinala? Diba dapat sa liblib at madilim na lugar?

Pinagtitinginan ako ng mga tao sa lobby ng hotel pero bwiset! Mga usisero lang! Wala man lang gustong tumulong sakin!

Dinala nila ako sa 35th floor. Ano bang gusto netong mga to? Nung natapat kami sa room 3507 bigla nalang nila ako binitawan at ayun napaupo tuloy ako. Ang sakit nun ah! Tinanggal nila yung tape sa bibig ko.

"Wag po! Gusto ko pong gawin yun kasama yung taong mahal ko." Pagmamakaawa ko sabay takip ko sa dibdib ko gamit yung mga kamay ko kahit naka tali pa ang mga to.

Napangisi lang yung isang lalaki.

"What's so funny?" mataray na sabi ko. Ayoko kasi sa lahat, sinisira yung pag eemote ko.

At dahil hindi sila madaan sa pagddrama ko eh di tatarayn ko nalang sila.

Napailang lang silang dalawa. Wala ba silang dila?

"Hoy! Magkano ba gusto niyo? Magkano ba gusto niyong ransom?!"

Hindi sila nagsasalita. Napapangisi pa habang tinatanggal nila yung pagkakatali ng kamay ko.

"1 million ba? 10 million? Sabihin niyo lang. Pero mangako kayo na wala kayong gagawin sakin!"

Pagkaalis nila ng tali sa kamay ko umalis na sila. Ano ba to? Ano bang trip nila?

Bigla nalang bumukas yung pinto. "Wag ka ngang mambulabog dito!"

"Ke-kent?!" Anong ginagawa niya dito? Kinidnap din ba siya?!

"Pati ano ba yung sinasabi mong 1 million at 10 million? Sakin mo ba ibibigay yun ha?" leche! Siya nanaman may pakana neto! Eto naba yung simula ng paghihiganti niya?!

Escaping Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon