抖阴社区

NINETEEN: Game on!

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hoy Kent! Kagagawan mo ba to ha?!" ugh! Lahat yata ng dugo ko napupunta sa ulo ko.

"Oo." Parang bagong gising pa ang loko.

Yun lang? yun lang sasabihin niya?

"Bakit mo ginawa yun?! Alam mo ba halos mamatay ako sa kaba kanina?! Hindi ka ba marunong magtanong ng maayos?! Hindi yung nagpapakidnap ka pa! Pati ano bang ginagawa ko dito ha! Diba usapan natin hindi mo ako imamassacre?! Eh bakit ngayon pinapakidnap mo nalang ako?!"

Tinakpan niya yung bibig ko at hinila na ako papasok ng suite.

"Wala ka na bang makain sa bahay niyo at bakit parang araw araw kang nakalunok ng megaphone ha?!"

Tinabig ko yung kamay niya. Ang baho kasi! Joke lang! Mabango siya actually.

"Hoy kung may megaphone man ako hindi ko lulunukin yun! Ipapalo ko yun dyan sa ulo mo!" sabay palo ko sa braso niya.

Aray! Ako yung nasaktan eh!

"Kumain ka naba?" bakit ba ganito tong si Kent? Hindi ba obvious na galit na galit ako ngayon tapos tatanungin niya kung kumain na ako. Pero gutom na nga ako.

"H-hindi pa." huminahon yung boses ko.

Sabay ngiti ng loko. "Tara. Kain muna tayo." Hinila niya ako papunta sa dining table.

Sobrang laki ng suite niya. Parang bahay na talaga.

Ano ba naman yan Yuri! PG kaba ha? At nakarinig kalang ng pagkain nawala na agad yang galit mo? Anong magagawa ko? Eh kung tambadan kaba naman ng napakaraming pagkain eh.

Nakakatakot tong si devil. Bakit parang ang bait niya ngayon? Ang weird niya. Parang nung isang araw lang gigil na gigil siyang makaganti sakin tapos ngayon inaalok pa niya akong kumain!

"Hoy devil baka naman lasunin mo ko?"

Syempre mabuti na yung sigurado. Mamaya kaya ako pinapakian dahil lalasunin niya ako eh!

"I'm not a criminal. Ilang beses ko ba dapat ulit ulitin yun? Shit." Sabay irap ng loko!

"Naninigurado lang."

At umupo nadin ako at nagsimulang kumain.

"Hindi ka ba kakain?" napansin ko kasi na ako lang ang lumalafang dito samantalang si Kent nakatingin lang sakin.

"Busog pa ako."

Titig na titig parin siya sakin. Since na nabusog nanaman ako tinigil ko na yung pagkain. Siya naman ang bubusugin ko sa tanong ngayon.

"Bakit ba ako nandito ha?" sabi ko habang nilapag na sa mesa yung spoon and fork. "Eto naba yung umpisa ng pambubully mo? Ang ipa kidnap ako?"

"Nandito ka kasi malungkot ako." Seryoso yung pagkakasabi niya.

Ewan ko ba pero umatras yung dila ko sa sinabi niya. Nakita ko kasi sa mga mata niya na malungkot talaga siya.

"Ano naman kinalaman ko dun?"

"Pagnakikita kita, sumasaya ako." Deretsong sagot niya.

At deretso ko din naibuga ko sakanya yung ininom kong tubig.

"YUCK! KADIRI KA!" sigaw niya sakin habang pinupunasan yung mukha niya!

"Sorry. Ang OA ha."

Kasalanan naman niya eh! Bigla bigla nalang kasi nagsasalita ng walang kwentang bagay. Ayan tuloy sarap bugahan ng mukha!

"Ikaw kaya buguhan ko ng tubig?! Malay ko ba kung malinis yang laway mo" galit na galit padin siya.

At anong gusto niyang palabasin?! May virus ako?! Ang arte!

Escaping Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon