抖阴社区

NINETEEN: Game on!

Magsimula sa umpisa
                                    

"Excuse me baka mas malinis pa tong laway ko kesa jan sa ugali mo. At tsaka kung mandiri ka eh diba ikaw nga tong huma--" napatigil ako.

Ang stupid ko talaga! Bakit ba muntikan na yun lumabas sa bibig ko?!

Napacross arms si Kent and he comfortably laid back on his chair parang ready makinig sa isang interesting na kwento habang nakangiti nanaman ng nakakaloko!

"Akala ko ba it was not a kiss for you?" nakangising sabi niya.

Gusto kong pukpukin yung sarili ko dahil sa kapalpakan na sinabi ko! Baka akalain pa netong demonyitong to na gusto ko yung halik niya!

Ew!

"It's not. And stop looking at me like that!"

He's staring at me na parang nangaasar. Alam mo yung ganung tingin?

"And sagutin mo ng maayos yung tanong ko kung bakit ako nandito kung ayaw mong mabugahan ulit ng tubig."

"Totoo naman yung sinasabi ko eh! Sumasaya ako pag nakikita kita. Kasi.." nagppause muna siya. "natatawa ako sa itsura mo. Ang panget mo kasi."

PANGET?! AKO?! HINDI NA AKO NAKADISGUISE PANGET PADIN AKO PARA SAKANYA?!

"Ewan ko sayo. Uuwi na ako." Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Sinasayang lang ng lalaking to yung oras ko eh!

"Teka." Hinawakan niya yung kamay ko. "Sige na. Sasabihin ko na."

Bumalik ako sa pagkakaupo at hinihintay yung dahilan niya.

"Gusto ko lang sabihin sayo ang terms ng pagiging underdog ko."

"Wow ha! Kala mo naman napakalaking privilege ang maging underdgog mo at may terms and conditions ka pang nalalaman!"

"Talagang malaking pirivilege no. Araw araw mo ba naman makikita yung mukha ko eh. Tch!"

Yabang talaga.

"Oh eh ano naba gusto mo mangyari ha?"

"I will own you. When I call you, u will answer it. When I text you, you'll reply right away. When I want to see you, you'll come running towards me. Whatever I'll ask you, you will comply without any objections. You'll let me tease you. Insult you. Call you ugly. And I will ask you to run errands for me. In short, you're mine. You'll be my underdog/slave."

Bakit ganun? Bakit parang iba yung dating sakin nung you're mine

Hay! Goodluck nalang sakin at sa pasensya ko!

"Oo nga pala, bago ko makalimutan. Oh!" sabay hagis sakin ng isang box.

"Oh eh ano to?"

"Hindi ba naturo sayo nung pre school ka na box yan?"

Pilosopo talaga!

"Alam kong box to! Anong gagawin ko dito?"

"Sige since stupid ka nga pala, una buksan mo."

Psh! Ginawa pa akong slow learner!

Pero binuksan ko naman.

"Oh ngayon, tignan mo yung laman." Dugtong niya.

"Oo na nakita ko na! Anong gagawin ko dito?!"

Yung laman ng box. Iphone 5s. Anong gagawin ko dito? Eh may cellphone na naman ako.

Ginawa pa akong dukha netong demonyito na to.

"Ano bang gamit ng cellphone?" poker face na tanong niya.

"Pang call. Pang text." Sagot ko.

"Alam mo naman pala eh. Tch." Pagsusungit niya.

"Eh bakit mo nga ako binibigyan?! Akala mo sakin dukha?! May cellphone din ako noh!" Napatayo ako tapos nakapamewang na.

Ngayon palang nauubos na pasensya ko dito kay devil paano pa kaya sa mga susunod na araw?!

"Diyan kita tatwagan o itetext pag kailangan kita. Nakasave na jan yung number ko. At dapat number ko lang talaga ang isasave mo jan. Hindi mo yan pwedeng gamitin sa ibang tao. Personal phone mo yan sakin. Speed dial 1 nga pala yung number ko."

"Psh! Fine. Oh meron pa ba?"

"Nagmamadali ka?" tinignan niya ako ng masama.

"Hindi naman. Nagtatanong lang. Baka kasi may sasabihin ka pa." pagkalma ng boses ko. Tiklop talaga ako sa death glare ni devil eh.

"Tch! Since mukhang nagmamadali ka......"

Nagisip pa siya. Juice colored! Sana naman wala na siyang iutos! Excited na akong bumalik sa school at makita si Nicolo!

"HUGASAN MO LAHAT NG PINAGKAINAN MO!" Sigaw niya sabay tayo at naglakad na papunta sa kwarto niya.

ARRRRGGGGGHHHHHHH! HAMBOG TALAGA! Papakainin ako tapos ako din paghuhugasin?! At diba nasa hotel kami?! Bakit self sevice?! Anong hustisya meron ang hotel nila?!

Hindi ko pa tapos basagin lahat ng pinggan dahil sa inis sakanya eh bigla naman nagring yung binigay niyang phone.

Joke. Hindi ko binabasag. Baka buong suite na ang ipalinis sakin ni demonyito pag nagkataon.

From: +63915***

[Tch. Lilinawin ko lang. Hugasan mo yan. Wag kang magkakamali na ipakuha yan sa room service. Tandaan mo you have a price to pay.]

Parang ewan lang tong si devil! Nasa loob kami ng isang suite pero nagtext pa! Ano naman kung mayaman siya sa load?!

Pero dahil gusto ko lang pagtripan si devil nagreply naman ako...

To: +63915***
[Hu u? ]

Diba sabi ko sainyo pag ako gumanda 'who you' to saking si devil? Wahahaha!

From: +63915***

[The devil beside u.]

Bigla tuloy akong kinilabutan sa text ni devil! Nakooo! Naalala ko yung napanood kong trailer ng horror movie. Yun din yung title
nung movie eh!

Hindi na ako nagreply! bwisit siya! Nakakainis! Bakit ko ba kasi nakasalubong yang demonyito na yan eh! arghhhh!

Pero ano pa nga bang magagwa ko? Bukod sa kinakain ako ng konsensya ko, patay naman ako kay devil at sa lahat ng estudyante ng St. John's pag hindi ko siya sinunod.

Pinangalanan ko na lang sa contacts ko si devil. Psh! Kahit naman hidi ko siya pangalanan, malalaman ko padin pag tumatawag siya o nagtetext, exclusive for him lang daw kasi tong phone na to! Ang arte arte! Lilituhin pa ako sa dalawa kong phone!

MR. DEVIL
all caps para intense ang nilagay kong name niya sa contacts ko!

Sabay start ko ng maghugas ng mga pinggan.
Makapag gloves na nga lang!

***

A/N: Enjoy your summer everyone!

Escaping Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon