"Sa pagkakaalam ko kasi may kwarto ka. So bakit dumadayo ka pa sa may kwarto ng may kwarto?" nakapamewang na sabi ko. Akala ba niya papatalo ako porket mas matanda siya sakin?!
"Sa pagkakaalam ko kasi wala kang alam." Poker face na sabi niya habang paikot ikot sa swivel chair ko.
Ang bad ng kuya ko no? Tsk. Tsk. Tsk. Parehong pareho talaga sila ng ugali ni devil!
Hindi na ako sumagot kasi hindi naman ako mananalo sa isang to. Nagpatuloy nalang ako sa pagsasalamin.
Infairness, may taste pala tong si devil. Ang ganda nung binigay niyang dress. Nude na floral yung dress tapos off shoulder. Siguro garden party yung mangyayari mamaya kaya floral yung design.
Kaso iniisip ko, bakit binigyan pa niya ako ng dress at shoes? Eh alam naman niya na may pambili ako?
"Saan ka ba pupunta ha?" tanong ulit ni kuya Axel.
"Sa party." Matipid na sagot ko.
"Saan naman yun?" Wow! Akalain mong may concern pala siya sakin!
"Around Taguig lang. Birthday ng friend namin ni Kahi." Pagsisinungaling ko. Eh alangan namang sabihin ko na si Kent yung naginvite sakin eh di ginisa ako ng mga tanong neto.
"So kasama pala si Kahi." Biglang nag light up yung mga mata niya.
"Nope. She has plans. Ako lang."
"Ok." Matipid na sagot naman ni kuya sabay labas sa kwarto ko.
Ang sabihin lang niya si Kahi talaga yung gusto niyang pagusapan kanina pa! Nakakapagtaka tong si Kuya Axel, feeling ko may feelings na siya for Kahi kaso sorry nalang siya kasi may karibal na siya!
Maya maya pa nagring yung phone ko. Aish! ayan nanaman yung Talk Dirty! Nakalimutan ko palang palitan!
"Hello!" laging ganyan ang bati ko kay devil sa phone. Bakit ba? Kailangan ba irespeto ko pa siya?!
"Nakasigaw ka nanaman! Bumaba ka na nga! Nandito ako sa harap ng bahay niyo! Dalian mo ha!" sabay baba sakin ng phone.
So sinundo pala talaga niya ako?! Nakakapagduda na talaga si devil. Una binilhan ako ng damit. Pangalawa naman sinundo pa ako! I just took one quick glance sa salamin at bumaba nadin.
Paglabas ko ng gate, I saw a devil who looks like an angel.
Wait. Whut?!
Eh paano kasi! Paglabas ko prenteng prenteng nakasandal si devil sa red BMW niya. Nasan na yung Porsche? But anyways, yun nga, he was leaning on his red BMW looking hot! Ang gwapo niya sa white long sleeves that is perfectly folded hanggang sa elbow niya. Black slocks. And a pair of Sperry topsiders. Habang hawak niya yung coat niya.
"Titignan mo lang ba ako o kakaladkarin kita papasok ng kotse ko?" ang hilig talagang gumamit ng dahas netong lalaking to!
"Eto na po ok?" Sabay deretso ko papasok ng kotse niya.
Bago ako makasakay, tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa then nag smirk at napailing sabay sakay na rin sa kotse niya.
Anong ibig sabihin nun?!
***
Awkward silence ang namamagitan samin ni devil. Minsan pala marunong din siyang magtikom ng bibig.
I cleared my throat at nagsalita. Napaparanoid kasi ako pag hindi nagsasalita si devil. Parang mas delikado yung feeling ko,
"Uy devil, bakit hindi natin kasabay sila Nico at Kirby?" tanong ko.

BINABASA MO ANG
Escaping Mr. Devil
Teen FictionHow far would you go to escape from a devil? Would you run? Why not try to hide from him? This is the reason why Severina Yuri Choi disguised herself as a NERD just to escape from Kent Matthew Mendoza , the guy who was distressed by her stupidity...
TWENTY ONE: Cinderella?
Magsimula sa umpisa