Gusto ko din kasi malaman kung anong meron sakanilang tatlo lalo na sakanilang dalawa ni Nico.
"Kirby has plans and Nicolo...he's not invited." Simple pero malaman niyang sagot.
"Nagkaproblema ba kayo?" panguusisa ko.
Sabi na nga ba, may something going on sakanila.
"Hindi na kami magkaibigan ni Nicolo."
Halos lumaglag yung panga ko sa sinabi niya.
"Ano? Bakit? Anong nangyari?" I don't like to sound nosy pero curious talaga ako. Bestfriends sila, at para mag FO sila for sure malaking bagay yung pinagugatan nun.
"Wala ka na dun." He annoyingly said.
Hindi na ako nangusisa pa kasi hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Siguro hindi ko malalaman yung sagot kahit pigain ko si devil.
Kay Kirby ko nalang tatanungin.
Pero paano na to? Ibig bang sabihin I'm torn? Torn between the one who enslaves me and the one who treat me like a princess?
***
We stopped here sa labas ng subdivsion ata. Ang laki kasi nung gate.At talagang paglalakarin pa niya ako? Bumaba na din si devil at napasunod din ako.
"Oy devil, bakit hindi mo nalang ipasok sa loob yung kotse mo? Bakit dito pa tayo bumaba sa labas ng subdivision?" tanong ko.
"Stupid! Hindi subdivision yan. Bahay namin yan."
What?! Napatanga ako. Paano kasi yung gate nila sobrang laki na made of steel parang gate ng mga exclusive subdvision gaya nung subdivion namin.
" Kaya pala ang daming iskwater sa Pilipinas! Kinamkam niyo na yung mga lupa!" Sabi ko.
"Tch. Ewan ko sayo!"
Naglakad na kami papasok ni devil. Tignan mo to hindi man lang ako sinabayang maglakad. Iinvite invite ako tapos iiwanan lang ako. Hirap kaya maglakad ng mabilis! Ang taas kaya ng heels ko.
Pagpasok ko sa loob, garden agad yung sumalubong sakin. Ang ganda! Ang daming tao. Welcome pary lang to? Kala mo may debut o may kasal eh. Nasan na ba kasi si devil? Ang bilis naman kasi niya maglakad nawala tuloy siya sa paningin ko.
"Bakit palibot libot ka lang dito? Pag nakita ka ni manager patay ka dun! Magtrabaho ka nga!" paninita sakin ng isang babae sabay abot sakin ng tray na puno ng pagkain.
What the...
And why is she wearing the same dress as mine?
I looked around. Bakit ang dami kong kaparehas ng dress at may hawak hawak silang mga tray?
DAMN IT!!!!! ARRRGGGGGGHHHHHHHH!!!! DEVIIIIIIIILLLLLLLL!!!!
Hinanap ko agad si devil at yung bwiset nakaupo na sa may long table katabi ng isang lalaking mukhang respetadong respetadong tignan. Siguro yun na yung dad niya! Nahagip niya ako ng tingin at bigla ba naman ako dinilaan!
Sabi na nga ba eh! Nakakatakot kapag may ginagawang mabait na bagay si devil!
Gusto niya ng laban? Pwes lalabanan ko siya. Tutal ayaw naman niya mabored diba? Then I'll put a show for him. Lintik lang ang walang ganti Kent Matthew Mendoza!
Kumuha ako ng isang tray ng mga cocktails at pumunta sa table ni devil. Busy sila sa pakikipagusap sa mga bisita. Medyo nanlaki pa yung mata ni devil nung nakita niya na ako yung nagserve ng drink niya.
And I just gave him a smile. You want a show? I'll give you one. Damn it!
Pagkatapos kong maserve sa table nila yung mga cocktails... I started my first ever act ever!

BINABASA MO ANG
Escaping Mr. Devil
Teen FictionHow far would you go to escape from a devil? Would you run? Why not try to hide from him? This is the reason why Severina Yuri Choi disguised herself as a NERD just to escape from Kent Matthew Mendoza , the guy who was distressed by her stupidity...
TWENTY ONE: Cinderella?
Magsimula sa umpisa