抖阴社区

                                    

"Baby—"

"And please, wag mo na kong tawaging baby, Julie yung pangalan ko" nakangiting sabi ko sa kanya.

"M-may iba na ba?"

Yes, meron na. At kilalang-kilala mo kung sino sya.

Sasagot pa sana ako nang bigla akong nakarinig ng paparating na sasakyan kaya naramdaman kong bumilis yung tibok ng puso ko. Andito na si Danielle, andito na yung taong kanina ko pa hinihintay.

Nagulat ako nang lalaki yung pumasok sa pinto at hindi si halimaw. Pero nakatingin pa rin ako sa may pinto dahil baka kasunod lang sya nung lalaki. At sino kaya to? Manliligaw din nya? Tsk!

"Hi" nakangiting bati nito sakin.

"Hey JR!" narinig kong sabi ni Marky. Seriously? Bat ayaw pa nyang pumasok sa kwarto nya? Ayoko syang kausap! Sya yung dahilan kung bakit wala pa si halimaw dito.

"Hey couz!" sabi naman nung JR.

Oh, so sya pala yung kapatid ni Danielle. Kaya naman pala ang gwapo eh, magkamukha silang dalawa.

"You must be Julie" nakangiting sabi pa nya sakin.

Tumango naman ako sa kanya at ngumiti.

"I'm JR, Dani's brother" pakilala pa nya.

"Hello!" sabi ko naman sa kanya habang nakatingin pa rin sa may pinto.

"Are you waiting for Dani?"

"Yes. Kanina pa kasi sya umalis papunta sa bar mo daw kaso di pa rin sya umuuwi eh. Di mo ba sya kasabay?"

"Nah! She doesn't want to stay here muna."

Takang tumingin ako sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi muna sya uuwi dito. She'll stay at my condo muna"

Bigla naman akong natigilan sa sinabi nito. Hindi muna dito uuwi si Danielle? Hindi ko sya makakausap ngayon?

"P-pwede ko ba syang puntahan?" naglakas-loob akong magtanong. Kailangan kong ipaliwanag kay Danielle lahat.

"Why?"

"K-kase assistant nya ko"

"I know. But I don't think na gugustuhin ka nyang makita ngayon."

"B-bakit?"

"Alam mo kung bakit Julie" nakangiting sabi nito.

Napatungo naman ako sa sinabi nya. Yeah, kase akala nya mahal ko pa rin tong pinsan nya. Pero kaya ko nga sya gustong makausap eh para sabihin sa kanya na wala na talaga kong nararamdaman para kay Marky.

"So, kayo na ba ulit dalawa?" tanong pa ni JR.

"Hindi pa/NO!" sabay naming sagot ni Marky.

Takang tumingin naman samin si JR.

"Nililigawan ko ulit sya pinsan" nakangiting sabi ni Marky.

"Pero hindi ko na sya mahal. At hinding-hindi ko na ulit sya sasagutin" seryosong sagot ko naman.

Halatang nabigla si JR sa sinabi ko dahil nanlaki yung mata nya.

"Oh, interesting!" sabi pa nya.

"Pero hindi ako susuko" sabi pa ni Marky.

Umiling lang ako sa sinabi nya. Bahala sya, at least alam na nya na wala na talaga syang pag-asa sakin.

"You really want to see my sister?" tanong sakin ni JR.

Bigla namang nagliwanag yung mukha ko sa sinabi nya at sunud-sunod na tumango.

"Hey, kalma, kalma, fine, I'll take you there"

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon