Pero may point din naman ako diba? Sa ginagawa niya kasi akala mo uubusin niya lahat ng laman dito sa supermarket.
"Nanggagago kaba?" he asked with piercing eyes. Minura pako!
"No. At wag mo nga akong minumura. Namimihasa ka na ha!" I snapped at him.
"Wala akong pakeelam sa feelings mo!" sigaw niya sabay talikod.
Bakit ba napakasungit niya ngayon? Ano bang problema niya?! Ang sarap niyang sipain! Ay nako! Naalala ko nanaman tuloy yung nanipa ng upuan ko kanina sa sinehan.
"Hi miss. Nahihirapan ka na ba sa dala mo? Do you want me to help you?" A tall nice looking guy approached me.
I froze for a moment.
What a dashing prince! Ang gwapo niya! He's tall siguro mga 6'1. Maputi siya. Medyo chinito then he has a good body build.
"Ah-eh..." I stuttered. Eh kung ikaw ba naman hainan ng napaka gwapong nilalang tignan natin kung hindi bumaluktot yang dila mo.
"STUPID!" nagulat naman ako sa pagsigaw ni devil.
Bad timing talaga oh!
Halata naman nagulat din yung guy nung nakitang palapit samin si devil.
Pagkalapit na pagkalapit niya, hinawakan niya agad yung wrist ko ng sobrang higpit kaya napa singhap ako sa sakit.
Brutal talaga!
"Aray!" daing ko habang pinipilit na tanggaling yung pagkakahawak niya. Ang higpit kasi akala mo mawawala ako.
"I told you to stay close to me remember? Kung saan saan ka nanaman nagsusuot." irritableng sabi niya.
May sinabi ba siya? Pagkakatanda ko kasi wala naman siyang sinabing ganun! Problema ba neto?!
"She's hurt. Let her go." mariin na sabi ni gwapong stranger.
Medyo namula naman ako dun. Pinatatanggol niya ako kay devil!
"You don't have the right to tell me what to do." sagot naman ni devil.
Nagtagisan sila ng tingin. Feeling ko literal na naiipit ako dahil sa higpit ng tingin nila sa isa't isa. Parehong nakakunot yung mga noo nila at pareho din nanlilisik yung mga mata nila.
"Why? Is she your girlfriend?" gwapong stranger asked.
Napatingin ako kay Kent na halatang galit na sa itsura pala neto. Nakakatakot din si prince charming! Parang nakahanap ng katapat ngayon si devil. psh!
"She's not my girlfriend but she's mine." the devil said habang hinila na ako palayo.
I looked back to the dashing stranger, napatungo nalang siya then he eventually left also.
Ano ba kasing problema netong si devil? Kanina lang wala naman siyang pakeelam sakin tapos nung may kumausap sakin bigla akong hinatak palapit sakanya.
Binitiwan niya ako ng makalayo kami dun sa guy.
"Ano bang problema mo nanaman devil? Ang sakit ng pagkakahawak mo ha!' pagsusungit ko habang hinahawakan yung wrist ko na muntik ng madurog dahil sa pagkakahawak kanina ni devil.
Nakita ko naman na napaiwas bigla ng tingin si devil. Psh! Kunwari pang nakokonsensya. Utut niya! Talagang brutal kasi siya.
"wag ka kasing pakalat kalat! " reklamo niya.
Ako pakalat kalat?!
Aba't ginawa pa akong...
"Ano ako basura? Pakalat kalat?!" panggigigil ko.

BINABASA MO ANG
Escaping Mr. Devil
Teen FictionHow far would you go to escape from a devil? Would you run? Why not try to hide from him? This is the reason why Severina Yuri Choi disguised herself as a NERD just to escape from Kent Matthew Mendoza , the guy who was distressed by her stupidity...
TWENTY THREE: The gift
Magsimula sa umpisa