"Tch. Stupid." he said habang umirap sakin. "Can't you just follow me? Mahirap ba yun? susundan mo lang ako. Sundan mo ko kung saan ako magpupunta. Wag kang aalis hanggat hindi kita pinapaalis sa tabi ko. Is that so f*cking hard to do huh?" Inis na sabi niya.
Natahimik naman ako sa long speech niya.
Bakit biglang tumibok ng sobrang bilis yung puso ko?
Hirap lang talaga magets netong si devil. kanina siya tong walang pake sakin tapos ngayon may nalalaman pang sa tabi lang daw niya ako. Psh! sinusulit niya yung pagiging slave ko sakanya ha!
"Quit wandering around. I might lose you." mariin na sabi ni devil habang naglakad nadin siya palayo at tinuloy yung paghahakot niya ng mga goods.
And he left me stunned once again. Ano daw? Quit wandering around, I might lose you? Tama ba pagkakrinig ko?
Ano naman gusto niyang palabasin dun? Na porket stupid ako eh mawawala ako dito sa supermarket?
Eh hello! Pwede naman kaya ako magtanong sa guard. Tsaka bakit ba siya nangengeelam kung saan ko man gustong pumunta o kung sino man yung dapat kong kausapin? hindi porket pumayag akong magpakaalipin sakanya eh didiktahan na niya ako!
Urgh! Devil! Sagad na sagad na pasensya ko sayo!
Pagkatapos namin mag grocery ni devil, agad naman kaming dumeretso sa parking lot. Hindi man lang ako pinakain ng mokong! Pagkatapos niya akong pagurin hindi man lang ako nilibre ng kahit ice cream man lang.
Nilagay na ni devil lahat ng pinamili namin sa likod ng kotse sabay pasok niya sa sasakyan niya.
Ano to? Iiwan din niya ako dito? Hindi man lang niya ako ihahatid? Grabehan na to ha!
Bigla niyang binuksan yung side window ng kotse niya.
I gasped.
Why does he look so hot habang binababa yung side window with those aviator sunglasses?
"Sasakay ka ba o sasagasaan kita?" Natauhan ako bigla.
Binabawi ko na yung sinabi ko. Hindi siya hot. What I mean is that.. he's a HOT-TEMPERED ANNOYING BRUTAL JERK!
Sinimangutan ko lang siya sabay pasok na sa passenger seat. As if I have a choice. Alangan naman magpasagasa ako sakanya diba?
"You're really one heartless a-hole devil!" I yelled.
Hindi kumibo si devil. He's just looking straight sa daan.
And wait, did I just saw him flinched?
Akala ko ihahatid niya ako pero mali ako. He turned on the opposite direction pauwi samin.
"Ui devil hindi dito yung papunta samin." Pagrereklamo ko.
"Alam ko. I'm not stupid like you." Masungit na pagkakasabi niya.
"Alam mo naman pala eh! Bakit hindi mo na ako iuwi samin?"
"Sinong may sabing uuwi na tayo? May pupuntahan pa tayo." He said while still looking straight sa daan.
"Saan naman yun?"
"Malalaman mo pag nandun na tayo."
"Malamang malalaman ko pag nandun na ako! Kaya nga ako nagtatanong ngayon habang WALA PA TAYO DUN diba? Tatanungin ko ba kung nandun na tayo?" ewan ko ba. Nature ko na siguro ang pagiging pilosopo.
Sarap lang kasi gantihan kahit slight lang netong si demonyito.
"Tatahimik ka o hahalikan kita?" he seriously said.

BINABASA MO ANG
Escaping Mr. Devil
Teen FictionHow far would you go to escape from a devil? Would you run? Why not try to hide from him? This is the reason why Severina Yuri Choi disguised herself as a NERD just to escape from Kent Matthew Mendoza , the guy who was distressed by her stupidity...
TWENTY THREE: The gift
Magsimula sa umpisa