"Yun mismo! Yun mismo yung hindi ko maintindihan. Bakit ayaw mo na sakin?"
"Gusto mo talagang isa-isahin ko yung dahilan?" inis na sabi ko sa kanya.
"No. Ayokong marinig"
"Yun naman pala eh. Eh di wag kang magtanong"
"Yung tanong ko kahapon, pwede mo na bang sagutin ngayon?"
"Anong tanong?"
"May iba na ba? May mahal ka na bang iba? Yun ba yung dahilan kung bakit ayaw mo nang makipagbalikan sakin?"
Tumingin muna ako ng derecho sa kanya bago ko sumagot.
"Oo, meron na. May iba nang nagmamay-ari ng puso ko" seryosong sabi ko sa kanya.
"Pwede ko bang malaman kung sino?"
Umiling naman ako. Bakit pa? Hindi na nya kailangang malaman kung sino dahil wala na naman syang karapatan sakin.
"Please. Gusto kong malaman kung sino"
"No! I'm sorry pero kung sino man yung mahal ko, sakin na lang yon. Wala akong obligasyon na sabihin sayo dahil matagal na tayong wala. At isa pa, ni hindi man lang tayo magkaibigan"
"Baby"
"Pwede ba Marky, tigilan mo na yung kakatawag sakin nyan!"
"No! Babawiin kita. Kung sino man yang mahal mo, hindi ako papayag na basta-basta ka nya maagaw sakin"
"Walang umagaw sakin. At walang nang-agaw sayo dahil matagal na tayong wala. At baka nakakalimutan mo kung sino yung nakipaghiwalay at nang-iwan?! So pwede, padaanin mo na ko dahil hinihintay na ko ni Dani sa condo"
"At bakit dun ka magsstay kasama nya?"
"Pakelam mo ba?!" inis na sabi ko sa kanya.
"No! Hindi ka dun magsstay kasama nya" sabi nya sabay hawak sa braso ko.
"Bitaw!"
"No!"
"Nakikiusap ako, bitiwan mo ko!" sabi ko habang nagpupumiglas.
"Hindi ako papayag na puntahan mo sya." Sabay higpit ng hawak nya.
"Marky, nasasaktan ako!"
"Mas masasaktan ka kung magpipilit kang bumalik kay Danielle. Paglalaruan ka lang nya!"
"Ano bang pinagsasasabi mo dyan?"
"Wag kang bumalik kay Danielle please"
"No! Pupuntahan ko si Danielle! At wala kang pakelam dahil yun yung gusto kong gawin kaya please lang bitiwan mo na ko!" naiiyak na sabi ko.
Masakit na talaga yung hawak nya sakin. Feeling ko madudurog yung mga buto ko sa braso.
"Hindi ka aalis!"
"Marky ano ba! Nasasaktan na ko! Bitaw na kasi! Pupuntahan ko pa si Danielle! Parang awa mo na!"
May sasabihin pa sana si Marky nang biglang may nagsalita sa likod ko.
"May problema ba dito?" tanong nito.
Agad naman akong tumingin dito na parang humihingi ng tulong. Napatingin ito sa braso ko na hawak-hawak pa rin ni Marky. Sukat non ay naramdaman kong lumuwag yung hawak nya sakin kaya agad kong binawi yung kamay ko.
Shet, ang sakit! Parang hindi ko yata maikilos ng maayos. Namumula pa hanggang ngayon dahil sa higpit ng hawak ng pesteng lalaking to.
"Julie, sila Manang na yung mag-aayos ng gamit nyo ni Dani, sumunod ka na sakin sa labas, ihahatid na lang kita, ipapasunod ko na lang yung mga gamit nyo" sabi ni JR sakin. "At ikaw Marky, mag-uusap tayo mamaya" galit na sabi nito kay Marky.

BINABASA MO ANG
Slave For You
RomancePapano kung iniwan ka bigla ng Mama mo sa matalik nyang kaibigan? Tapos sinabi nya sayo na wag na wag kang aalis don dahil dun ka nya babalikan? Sabi naman nung mag-asawang kukupkop sayo, wala ka naman daw kailangang alalahanin dahil pwede ka daw tu...
Chapter 10
Magsimula sa umpisa