YURIKA
_______________________Sumigaw ako.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
Pagkabukas namin ni MJ ng pintuan,nakita nalang namin na nakabigti si Jelo.
Bugbog sarado yung katawan niya. Tapos puro hiwa din yung katawan niya.
Si MJ,nanahimik. Di katulad ng kahapon,panick ng panick.
May nakita akong papel sa lababo at kinuha ito.
"Ano yan?" Tanong ni MJ.
"Wala," sabi ko at nilagay yung papel sa bulsa ko.
Tinignan ko si MJ.
"Tawagin mo si JP."
sabi ko sakanya.At kumunot naman yung noo niya.
"Bakit?"
Hinawakan ko siya sa balikat at shinake siya.
"Gising ka na ba MJ? Siyempre kailangan malaman to ng class president. O kung sino man na teacher na madaanan mo."
"Pero baka sabihin sakin ng mga teacher na para kong timang."
Reklamo niya.
"Edi problem solved,hanapin mo si JP tapos dalhin mo siya dito. Pero wag ka muna magkwento,ako na bahala don."
"Pano pag ayaw niyang sumama?" Tanong niya ulit habang papalabas na siya.
"Edi wag,sabihin mo na wala siyang kwentang class president kung hindi siya pumunta!" Sigaw ko kay MJ.
Huminga ako ng malalim at tinitigan yung patay na katawan ni Jelo.
Napakawalanghiya naman nung killer.
Wala siyang pakirlam kung tao o himdi yung pinapatay niya.
Ginagawa niyang pang-ukit yung mga katawan ng tao.
Inikutan ko yung katawan at tumigil sa likod.
Nakita ko na yung kailangan kong makita.
JP
________________To si MJ nababaliw na yata.
Nananahimik lang ako kanina sa pintuan ng classroom,hinihintay yung teacher nang nakita ko si MJ na tumatakbo papunta sakin.
Hingal na hingal siya at halos wala nga akong naintindihan sa mga sinasabi niya.
"Si........Yurika........may........nakita........si.......Jelo........"
Tapos umupo na lang sa sahig.
Tanging sumunod lang ako dahil nnarinig ko yung pangalan ni Yurika.
Siyempre,isa siya sa mga childhood bestfriends ko.
Shh wag ka maingay.
Hindi alam ni Ashley kaya siguro pag nalaman non,babatukan ako non.
Ewan ko diyan sa mga babaeng yan.
Mahilig mambatok.
Ngayon,sinusundan ko si MJ na feeling ko nawawala na.
"Uy MJ,nawawala na tayo noh?" Tanong ko.
Kinagat niya yung labi niya at tumango.
"San ba kasi yon? At ano meron kay Yurika at Jelo?"
Umiling siya at naglakad ulit.
Napakamot ako.
Ito talaga si MJ hindi ko na din maintindihin minsan eh. Paiba-iba yung kilos.
Tumigil si MJ at tuminginsa kanan at kaliwa.

YOU ARE READING
Class Picture
Mystery / Thriller23 dead 17 alive 1 Killer And it all started with the wrong class picture, at the wrong day and at the wrong time